Nandito ako sa Wcdonald's at hinihintay si MJ mula dito sa labas. Pagkatapos ng date namin ni Akemi ay mas lalo akong naging curious tungkol sa kaniya. I think I will start to know where her parents are?
Hanggang sa makita ko siyang lumabas na may dalang basura. Hindi niya ako nakita pero sumunod naman ako. "MJ." Tawag ko ng makarating kami sa tapunan dito sa likuran ng restaurant.
"Oh, Lexidale." Mukhang nagulat siya na makita ako. "Dapat hinintay mo na lang ako sa harapan."
"Uhm." Umiling ako. "May gusto lang kasi akong itanong tungkol kay Akemi." Sabi ko.
"What is it?" Sabi niya at ibinaba ang basura. "Sobrang importante naman ata to the point na kailangan mo pa akong sundan sa basurahan." Then he chuckled.
Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at nagtanong, "Can I ask if nasaan 'yung parents niya?" Mukhang natigilan pa siya sa narinig pero after a second ay kinuha niya ang basura at inilagay sa basurahan.
"We are her parents." Pabiro niyang sabi at tumawa siya. "Kaming dalawa ni Hamilla."
"I mean her real parents." Alam ko kasing sasabihin niya 'ya.
"Ahhhh." He just said at mukhang nagbago ang mood niya. Alam kong napakalaking issue nito at masyado na akong nakikialam. Pero deserve kong malaman. Gusto ko lang talaga siyang matulungan.
"S-Sabi kasi ni Hamilla. I can ask you about her." Paliwanag ko.
"Hmmm. If you want to know you can ask Akemi." Pilit na nakangiti niyang sabi. Ngayon ko lang nakita ang ganiyang ngiti ni MJ. Ibang-iba sa mga ngiti na ipinapakita niya sa amin. Ngiting may halong galit.
"K-Kilala mo naman si Akemi hindi ba? Hindi siya pala kwento sa personal informations na meron siya kaya sa'yo ko tinanong-"
Isang matulis na tingin ang nakita ko sa kaniya na nakapagpatameme sa akin. "Hindi ko alam kung bakit mo 'to ginagawa but I just want you to know that you should mind your own business, Lexi." Nginitian niya ulit ako. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.
Hindi pwede.
Hindi pwedeng hindi ko malaman kung anong meron sa kaniya?
Those nightmares are killing her.
"I like her." Tumigil siya sa paglalakad. "I like, Akemi." Then my voice suddenly broke. Ramdam ko na naluluha na ako pero kailangan kong tapangan. "Hindi ko alam kung anong meron at gusto kong malaman kung anong problema." Tuloy ko. Kailangan ko silang kumbinsihin at makita kung gaano ako kaseryoso sa kaniya. "Akemi's nightmares are killing her." Bigla na lang pumapasok sa mga alaala ko ang higpit ng yakap niya sa akin sa tuwing binabangungot siya. "Hindi niya sinasabi sa akin kung ano 'yun at ang tanging sagot niya lang ay isang mahigpit na yakap dahil sa takot siya." Huminga ako ng malalim at pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. "Sinabi mo sa amin, once out of your consciousness na mag-isa lang siya sa kanila." Actually, kasalanan mo rin, MJ. Napakadaldal mo. "Gusto ko lang..." Tinignan ko siya ng seryoso kahit nakatalikod lang siya sa akin. "I just want to assure na makakatulog siya ulit ng maayos kahit wala ako sa tabi niya." Pinunasan ko ang traydor na luhang nahulog. Hindi pwedeng maging mahina. Kailangan tayo ni Akemi.
"Know her birthday." Tinignan ko si MJ at nakatalikod pa rin siya sa akin. "Know her birthday and tell me." I don't understand. Out of nowhere? "Then I'll tell you where are her parents."
...
...
...
Nandito kami ni mama sa family gathering ng angkan namin. New year's eve and we are having a party. "Lexi!" Tawag sa akin ng bestfriend ko. Remember? Pinsan ko siya kaya siya nandito. "Happy new year!" Bati niya at nagbigay ng regalo.
BINABASA MO ANG
Die In Peace
Lãng mạnA melodramatic story of Akemi, a girl who doesn't know what love is and trying to find out her ideal death, suddenly, met a girl named Lexidale, who confessed her feelings. Because of Akemi's past, she just chose to be friends with Lexidale. But to...