PROLOGUE

33 2 1
                                    


ENJOY READING!!💓


“Hoy,girl?”

  Busy ako sa pagtatrabaho pero dahil ang kulit ng katabi ko hindi ako makapag-focus. Kaya nang balingan ko s'ya napangiti ako dahil ayon nanaman yung mga ngiti n'yang parang bata na akala mo magpapabili ng candy.

“What?”

“Sabay tayo lunch?”. Pagpapacute aniya.

She's cute when she always do the puppy smile. Hindi ko naman s'ya matanggihan dahil hindi n'ya naman ako titigilan kung aayaw ako. Tumango na lamang ako at nagpatinaod.

Kwento sya nang kwento na akala mo walang bukas. Para talaga syang bata. Buti nalang kahit wala akong masyadong ka-close dito, e' nandyan naman sya. She's kind pero pag oras ng trabaho seryoso s'ya na akala mo'y hindi makulit.

“Girl! Owemji! Nakita mo na ba yung sikat na lawyer na nagtapos sa Switzerland?”. Nagtaka ako kasi bakit ang lalayo na yata ng mga nak-kwento n'ya? At dun ako umiling dahil hindi naman ako interesado sa buhay ng iba.

“Ano ba naman yan! Ampoge n'ya tsaka matangkad tsaka mabait tsaka ampoge ng boses”. Animo'y nag-iisip pa ng kung anong sasabihin. Umiling-iling ako at ginulo ko yung buhok.

“Kahit sino pa yan , Kea. Hindi ako interesado sa lalaki na yan,okay? Ako na magd-drive ha?”. Nakangiti kong anito. Dahil hindi talaga sya titigil kung hindi ako magsasalita.  Nang tignan ko sya nakabusangot na,natawa na lang ako.

Nang makita ko ang kotse ko, tinuro ko sakanya dahil aligaga pa syang naghahanap nang may nakita akong isang pamilyar na mukha. At mukhang makakasalubong pa namin.

“Mauna kana sa kotse,Kea. Susunod ako may titignan lang ako”. Sumunod naman kaagad s'ya nang maibigay ko ang susi. At muling tumingin sa pamilyar na mukha. 

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko nang muli ko s'yang makita. Malaki ang kanyang pinagbago. Tumangkad sya, mas humaba pa kunti ang kanyang buhok. Pero bakit hindi n'ya man lang ako matignan sa mga mata? Ang bilis ng tibok ng puso ko na parang sasabog.

Patuloy ako sa paglalakad dahil naandito kami ngayon sa parking lot. Diretso lamang ang kan'yang tingin.

Nang malampasan n'ya ako. Napatingin ulit ako sakanya. Pero akala ko titingin s'ya,nagkamali ako. Kaya tumalikod ako at nagsimulang maglakad ng magsalita sya.

"I've missed you". At nagpatuloy s'ya hanggang makarating sa kotse n'ya. Ang bilis ng tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses nya. Ang laki na talaga ng pinagbago nya.
   
          

           -----------------------------------------

A/N: Hi! Thank you for being here <3. Don't forget to vote and add to your library. Thank you <3.

         

If It's Too Soon,MILOVE.Where stories live. Discover now