ENJOY READING!
Napatakip ako sa tenga sa lakas ng tili ng bruhang 'to.
"Hoy! Ano ba?" Ayoko talaga nang maingay. Grabe! Ba't kaibigan ko 'tong mokong na 'to.
Pinapakalma niya sarili niya habang nagtitili pa rin pero hindi na katulad kanina na halos mabingi kami nang driver niya.
"Maniwala ka please!"
Binatukan ko nang makatikim. Ibang klase! Wala pang sinasabi.
"Ouch!"
Pinandilatan ko siya.
"Wala ka pa ngang sinasabi tapos gusto mo maniwala agad ako? Para kang ewan!" Inirapan ba naman ako.
"So,ito na nga! I saw Kyriss and Raph no'ng isang araw sa BGC. Hindi ko alam kung sino yung mga kasama nila". Pagku-kwento niya. Tango lang ako nang tango.
"Tapos magkalapit pa kami ng pwesto and nakita ako ni Raph. Oh My God! Ngumiti siya!" Kumunot naman ang noo ko habang tango lang ako ng tango. Tss. Bukambibig eh.
"Eh ano naman kung ngumiti?"
Tumaas yung kilay niya pinipigilan ko naman tumawa dahil sa itsura nya.
"Grabe! Ikaw kaya ngitian ng taong gusto mo,'di ka ba kikiligin?" Wow! Pranka naman neto.
"Ba't ako kikiligin? May nagugustuhan ba ako?"
Kinurot niya ako sa tagiliran,natawa na lamang ako dahil sa pambabara ko at nang matigil na sa kakachismis.
Pero kung ngingitian naman talaga ako? Kung sakali? Ewan ko ,siguro. Charot. Pass.
"Tss! Wala sanang magkagusto sa'yo!" Pikon na pikon amp.
" Okay lang. Mahal ko sarili ko. Okay na ako dun". Diniwalan ko siya dahil sa sobrang busangot ng mukha niya. Mukhang walang manlilibre sakin mamaya ah?
"Kapal! Akala mo talaga walang kinabaliwan dati". 'Dun ko siya sinamaan ng tingin. Naku! Kung ano nanaman pinaggagawa netong kwento.
"Hey! Story Maker ka!".
"Hehe biro lang" Sabay yakap sakin.
"Kaya ka 'iniiwan bruha ka!". Napabitiw siya.
"Foul 'yon hoy!" Tumawa nalang ako dahil nasa tapat na kami ng school.
Pagkababa namin nakita namin sina Gel at Inoe. Agad naman tumakbo si Ver papunta kay Gel. Nakasimangot.
"Ano nanamang mukha yan?" Tanong ni Gel. Tumawa ako at umiling. Parang bata.
"Eh sa malamang natalo sa pikunan" Pang-aasar pa ni Inoe. Sinabunutan naman ni Ver si Inoe. Gel chuckled.
"Aray! Ano ba?!" Giit ni Inoe ng bitawan ni Ver at lumapit kay Gel para magsumbong.
"Tsk. Tara na" Gel.
Umiling nalang ako at sabay sabay kaming pumasok,bumitiw lang si Ver ng maghiwa-hiwalay kami.
Laking gulat ko nang paakyat kami ng building at makakasalubong ko yung dalawang lalaki na kinukwento sakin ni Ver kanina. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Humawak ako sa braso ni Gel at kinalma ang sarili.
Akala ko makakasalubong lang namin ang dalawang 'to pero lumapit sakin si Raph at ngumiti. Naguguluhan akong tumingin.
"Hi! Ver's cousin,right?"
"Yes, why?"
"Sungit" He chuckled.
Nangunot naman ang noo ko. Alin do'n ang sungit? Sinagot ko lang naman yung tanong niya.
"May sasabihin ka pa ba? Kasi mala-late na kami eh" Ngumiti ako ng tipid kahit kinakabahan ako dahil sa presensya ng kasama niya.
"Raph, let's go". Biglang sambit ng lalaki. Ang cold! Tumango naman si Raph saka tumingin samin.
"We'll go ahead. Bye!" Kumindat pa. Tss. Kung nandito lang si Ver panigurado tili naman ng tili 'yon.
Nang makapasok kami sa room wala pa ang Prof kaya pagkaupo namin nilabas ko na agad ang notes ko dahil baka may pa surprise test naman an prof namin.
Nang maramdam kong may tumabi sakin,nakita kong si Gel at seryoso ang mukha. Lagi namang seryoso mukha nito.
"What?"
"Anong meron kay Ver at sa Raph na 'yon?". Naguguluhan akong tumingin sakanya. Sa dalawa? Ano ba meron?
"Ha? What do you mean?"
"Nakita ko sila sa convenience store na magkasama. 2 a.m."Kumunot yung noo ko. Iyon ata yung balak sabihin kanina nung bruha.
"Tsk. Hayaan mo sila. Chismosa ka rin eh noh?" Nang-aasar akong ngumiti sakanya.
Sa lahat ng kaibigan ko , siya yung masyadong seryoso. Siya yung mas inuunang umintindi kaysa makipagtalo. Pero kalog din 'to eh lalo na pag sila ni Ver ang magkasama. Grabe! Mga pinagsamang baliw dagdag pa si Inoe.
"Gago! Curious lang ako. Alam mo naman na si Kyriss nakakasama ko dahil kaibigan ko yung iba n'yang kaibigan". Nanlaki ang mata ko. Hala?
"Weh? 'Di ko yan alam eh"
Binatukan ba naman ako.
"Sira!" Tumawa na lang ako. Alam ko dahil kinweto n'ya sakin matagal na. Napakaseryoso kasi kaya sinubukan ko lang pikunin.
Dumating ang Prof namin at halos aligaga ang lahat dahil sa pasurprise quiz,as expected. Mabuti na lamang at nakapag-aral ako. Higit isang oras din ang inabot kaya ng matapos,iinat-inat ang mga kaklase ko at sabay sabay lumabas.
Nilapitan ko si Gel. Nakita kong panay ang pagbabasa nya. Aligaga din. Lumapit ako at agad kong hinawakan ang kamay nya.
"Hey? You okay?"
Mukhang nagulat pa siya pero ngumiti pa rin at tumango. Hindi ako kumbinsido pero hindi ko din siya pipilitin dahil alam ko namang kusa niya lang ito magsasabi.
"Okay. Kain na tayo?" Anyaya ko sakanya dahil aligaga pa rin siya. Nakarinig kami ng bulabog sa pintuan. Nang makita namin kung sino,napabuntong hininga kami.
"Ang tagal nyo! Nagugutom na ako!" Hawak pa nya ang tiyan kaya hinintay ko na matapos si Gel sa pagliligpit ng gamit niya at sabay-sabay na kaming lumabas.
"Epal mo!" Ani ko dahil sa lakas ng bulabog nya sa pinto. Kahit kailan talaga!
A/N:Hi! Thankyou for being here! Hope u enjoy it! Don't forget to vote and add it to your library thankyouuu!! 🥰 Have a nice day!
YOU ARE READING
If It's Too Soon,MILOVE.
RomanceLumaki syang hindi nagoopen ng problema kahit kanino man. She's too independent on herself that even though everyone will leave her. She's okay with it but deep inside there's one question are always there on her mind "Bakit ganito nanaman?". But th...