03

15 2 1
                                    


ENJOY READING!! 🥰

Nagising ako dahil sa ingay ng dalawa kong kapatid. Hindi ko yata kailangan ang alarm clock ko dahil boses palang ng dalawa, nagigising na ako.

Kakamot-kamot ako nang ulo dahil inaantok pa talaga ako. Nang tignan ko kung anong oras napabuntong-hininga ako,6 a.m palang. Madaling araw na kasi ako natapos sa pag-aaral.

Magkakatabi lang kasi ang kwarto naming tatlo,ang kwarto naman nila mama ay nasa baba. Bumangon ako at dumiretso sa banyo upang magtoothbrush.

Pagkatapos ay dumiretso ako sa kwarto nang dalawa dahil hanggang ngayon patuloy pa rin sa pag-aasaran.

“Kiss muna”. Narinig kong ani Mark Rajeev.

“Kadiri ka naman kuya eh”. Natawa na lamang ako dahil halata sa boses ni Kent Renoir na inis na inis.

Kumatok ako at saka diretsong pumasok. Nakita kong nakaupo si Kere sa kama,busangot at nakakunot ang noo. Si Rajeev naman ay nakangisi. Napailing na lamang ako.

“Ano bang pinag-aawayan niyo ah?”.

“Tsk! Eto kasi si kuya ayaw ibigay cellphone ko”. Pagsumbong naman nin Kere.

Nang tignan ko si Rajeev,nakakrus ang kaniyang mga braso habang pinagtatawanan ang bunsong kapatid namin.

“Rajeev,ibigay mo na 'yan. Para ka naman bata”.

Tumingin sya sa akin na nanlalaki ang mga mata. Nagtaka naman ako sa tingin na 'yon.

“Sus. Ikaw nga mahilig mang-asar jan”. Anito

“Ewan sa'yo. Mag-aalmusal na sunod kayo sa baba. Rajeev,umayos ka”. Turo ko pa sakanya at saka lumabas ng kwarto at bumaba.

Naabutan ko si mama na naghahanda nang almusal. Nang makita niya 'ko ngumiti sya. Napakaganda talaga ng ngiti mo ma!

Good morning ma”.

“Good morning,nak. O'sya maupo na kayo”. Dahil sabay-sabay nang bumaba sila papa. 

                    ---------------------------

Pagkapasok ko palang sa gate sinalubong na 'ko nung tatlo at sabay-sabay bumati. Hindi na 'ko nakisabay sa usapan nila hanggang sa maghiwa-hiwalay na kami.

Pagkaupo ko nilabas ko kaagad ang notes ko dahil may mga hindi pa ako naaaral kaninang madaling araw.

Nang makatapos ako sa ilang topics sakto naman dating nang Prof namin. Pagkatapos bumati,nagparecitation kaagad.

“Mr. Gang”.

Matagal bago nakatayo ang kaklase ko.

“Different Fields of Psychology”.

Ilang minuto pa ang nakalilipas ngunit hindi pa rin ito nagsasalita. Pag nabilangan siya hanggang bilang tatlo,siya ang sasagot sa lahat ng tanong.

“U-hmm. Di-f-ffe-en--”. Prof cut him off.

“Ms. Corte”. Muntikan na. Si Angelina ang natawag. At mukhang alam niya yung sagot kaya lakas loob siyang tumayo at ngumiti.

“Different Fields of Psychology are Educational Psychology, Clinical Psychology, Industrial-Organizational Psychology,Sports Psychology, Biopsychology and Social Psychology”.

“Marvellous! Sit down”. Nakangiting umupo ang kaibigan ko at saka muli naman tumawag.

“Ms.Renfred”. Napaangat ang ulo ko nang ako marinig ko ang apelyido ko. Tumayo ako at naghihintay sa tanong.

“Definition of each fields”. Woah! Buti nalang naaral ko 'to. Bumuntong hininga ako saka sumagot.

Educational Psychology involves the study of how people learn,including teaching methods, instructional processes and individual differences in learning.  Clinical Psychology is the psychological specialty that provides continuing and comprehensive mental and behavioral health care for individuals and families. Social Psychology is the scientific study of how the thoughts, feelings, and behaviors of individuals are influenced by the actual, imagined, and implied presence of others, 'imagined' and 'implied presences' referring to the internalized social norms that humans are influenced by even when they are alone”. Tatlo nalang matatapos na.

“Okay, Ms. Renfred. Remarkable. You may now sit down”. Tumango naman ako at saka umupo.

Tumawag pa siya ng tumawag hanggang sa marinig namin ang bell.  Habang inaayos ko ang mga gamit ko,lumapit naman sa'kin si Angelina.

“Naks! Galing ah?”. Ngumiti na lamang ako at sabay kaming lumabas.

     

               -----------------------------------

A/N: Hi! Thank you for being here <3
Hope u like it. Thank you🥰 Have a nice day ✨

If It's Too Soon,MILOVE.Where stories live. Discover now