09

7 0 0
                                    

ENJOY READING!! 🥰

Pagkatapos ng nangyaring 'yon lagi nang nagtetext ito. Minsan ko lang din siya replyan dahil sa wala akong oras. Hindi yata 'to nauubusan ng load at araw araw may text kaso tipid nga lang.

Madalas na rin kami magkakasama kumakain pero minsan hindi ako lumalabas kasi tinatamad ako kaya nagugulat nalang ako at may naghahatid na ng pagkain sakin. Tapos biglang magv-vibrate cellphone ko. Message galing sa lalaki.

Hindi ko naman minsan nirereplyan kasi baka sabihin hinihintay ko lagi na magmessage sya kahit totoo naman.

“Ryk”. Napalingon ako sa pintuan ng tawagin ako. Nakita kong nakasandal doon si Inoe sa pintuan at nakapamulsa. 

Lumapit ako at nakita kong seryoso ang mukha niya.

“What?”

“Kain tayo?”. Naka-pout pa na parang bata.

Pumayag ako dahil ngayon lang din naman kami nagkita. Pansin ko rin na stress siya siguro mahirap talaga ang Law. Matalino si Inoe tamad lang mag-aral. Mabuti nga't ngayon mas nagfo-focus siya sa pag-aaral.

Kinuha ko lang yung wallet at cellphone ko. Wala si Gel hindi pumasok. Nag-aalala ako. Sanay kami na tahimik 'yon pero iba yung pagkatahimik niya sa tuwing papasok siya. Matagal kong tinitigan ang upuan niya at saka umiwas at dumiretso kay Inoe.

Abot langit na siguro ang ngiti nya nung pumayag ako. Napailing nalang ako. Nang pababa kami nakita ko sina Raph at Kyriss paakyat mukhang pinipikon nanaman ni Raph ang lalaki. Nang makita kami nakita kong nandilim ang mata ni Kyriss na agad din umiwas. Si Raph naman nakangiti. Lagi naman.

“Hi!” Raph.

Tumango naman si Inoe at ngumiti ako. Hindi ko matagalan ang titig ni Kyriss. Napakaseryoso! Walang nagsasalita saamin kaya nang lingunin ko si Inoe seryoso din ang mukha niya at nakapamulsa. Hinawakan ko ang damit niya sa tagiliran saka siya lumingon sakin at ngumiti.

“Let's go?” Inoe.

Tumingin ako sa dalawa saka nagpaalam.

“He likes you” Bigla ani ni Inoe. Nangunot naman ang noo ko.

“Tss. Maniwala sayo”

He chuckled. Hindi na siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Siya na rin ang nag-order ng pagkain para saamin dalawa. Maraming nagkakagusto kay Inoe. Hindi ko naman kasi maitatanggi na gwapo sya,matalino,gentleman at mabait. Ideal man kumbaga.

Kahit saan yata siya pumunta may mga nagtitilian na mga babae. Yung iba magpapapicture. Kaya yung iba lumalapit nalang saamin nila Ver para lang mapansin ni Inoe. Napailing ako nalang ako sa tuwing naiisip ko yun.

“Eat. Ngayon lang tayo magkakasabay kaya ubusin mo yan”Ang seryoso naman neto.

“Bibitayin na ba ako?”

Ang dami ng binili niya hindi naman ako baboy. Tsk!

“Pwede naman”

“Gago”. Tumawa naman siya.

Mag binubulong siya pero hindi ko maintindihan kaya hindi ko nalang pinansin at kumain na.

Nang matapos kami kumain. Hindi na sana ako magpapahatid dahil kaya ko naman pero makulit ang isang 'to. Habang naglalakad kami may mga nakakasalubong kaming mga babae at panay pacute kay Inoe. Hindi naman pinapansin ng lalaki. Pogi eh.

“Pogi mo naman” sarcastic kong sabi.

Tumaas ang gilid ng kanyang labi.

“May gusto akong iba eh”. Nanlaki ang mata ko. Wala pa nagiging girlfriend ito since birth. Marami siyang nakakasama pero sa pagpasok ata sa relasyon ayaw niya kaya nakakabigla na may nagugustuhan ito.

“Tsk. Akala ko bakla ka eh kasi wala kang nagugustuhan”. Pang-aasar ko sakanya. Pinandilatan niya naman ako ng mata.

“Sira!” Tumawa ako na agad din nawala ng mapansin kong may lungkot sa mga mata niya halata din naman sa boses niya.

“Oh ba't 'di mo ligawan at maipakilala mo saamin?” Tumingin siya sakin na may lungkot ang mata.

Umiling siya at bumuntong-hininga.

“Hindi pwede. Mukhang may nauna na eh” Ramdam ko yung lungkot sa boses niya kaya hinawakan ko ang braso niya at tumigil kami sa paglalakad.

“Eh ano naman ngayon? Boyfriend na ba?” Pagpapalakas ko ng loob.

“I don't know. Kung pwede lang sana itali para 'di na makawala ginawa ko na” tumawa siya ng pilit. Inirapan ko naman siya.

“Psh. Tanungin mo kasi hindi yung nawawalan ka na agad ng pag-asa”

Ngumiti siya sakin at ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

“Ano ba?!”

Nawala yung lungkot sa mga mata niya saka tumawa at dumiretso sa paglalakad. Bet na bet ako pikunin eh!

“Sabay tayo uuwi mamaya ha? Wala si Ver tsaka si Gel,ako na maghahatid sayo”. Sambit nito nang maihatid ako sa mismong room. Wala pa ang Prof namin.

“Okay”

“Good. So,alis na ako” He pinched my cheeks. Shuta! Napaangal naman ako. Tumawa nanaman siya.

“Lakas mo noh?”

“Ako pa. Dito ka na maghintay mamaya. Puntahan nalang kita”Inirapan ko lang siya.

“Sige na alis na! Thank you sa libre”

Tumango siya saka tumalikod. Dumiretso naman ako sa upuan ko hanggang sa dumating ang prof. Nagvibrate ang cellphone ko kaya ng tignan ko ito message galing kay Kyriss.

Kyriss:

Enjoy?

Hindi ko maintindihan kung ano ang gustong iparating niya kaya hindi ko na nireplyan at nagfocus sa harap.

A/N:Hi! Thankyou for being here! Hope u enjoy it! Don't forget to vote and add it to your library thankyouuu!! 🥰 Have a nice day!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If It's Too Soon,MILOVE.Where stories live. Discover now