ENJOY READING!! 🥰Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako. Hindi na talaga ako iinom! Bumaba ako sa kama at dumiretso sa banyo.
Napahawak ako sa sink at napayuko. Bwesit! Huminga ako nang malalim saka naligo.
-----
Pagkababa ko nandon si Mama sa sala at may kausap sa cellphone. Wala naman ang Papa dahil panigurado kahit Sabado kailangan niya pumasok sa opisina.
Dumiretso ako sa kusina at kumuha nang tubig na maiinom. Mas sumasakit ulo ko sa dami ng mga school works. Nakita ko namang pumasok si Rajeev.
"Aga mo naman" Sarcastic anito.
Hindi ko naman siya pinansin. Kumuha ako nang plato para mag-almusal. Akala ko aalis na siya pero umupo pa rin siya sa harap ako at nakapangalumbaba na tumingin sakin.
Kumunot naman ang noo ko dahil alam kong mang-iinis naman 'to.
"Ate,sa'n kayo galing nila kuya Inoe kagabi?"
"Diyan lang". Tamad ko naman sagot.
Tumango naman siya at saka nagpaalam na lumabas.Akala ko mang-iinis siya. Sakto namang tapos na ako kumain.
"Ryker!"
Narinig kong tawag sakin ni Mama,kaya tumayo ako at hinugasahan muna ang pinagkainan ko at saka lumabas. Nakita ko siyang kausap ang dalawa kong kaibigan. Inoe at Ver.
Nakatalikod sakin si Mama kaya hindi niya na papalapit ako. Nang makalapit ako hinawakan ko ang balikat ni Mama at saka bumati.
Lumingon naman ako sa dalawa. Ngumiti sakin si Inoe at tamad namang tumingin si Ver.
"Maiiwan ko muna kayo". Paalam naman ni Mama saka pumasok sa loob.
Inaya ko sila sa likod. May kubo kasing pinagawa si Papa sa likod.
Nang makarating kami. Tamad namang umupo si Ver samantalang si Inoe parang walang tama ang alak sakanya.
Sumandal ako sa may pinto at pinagkrus ang mga braso hinihintay kung ano ang sasabihin nila. Lumipas pa ang ilang minuto wala pa ring nagsasalita. Kaya ako na ang nagtanong.
"Wala ba kayong sasabihin?"
Nakayuko na si Ver. Hindi ko alam kung tulog ba 'to. Pero inangat niya ang ulo niya at nakangiting tumingin sakin at saka masamang tumingin kay Inoe.
"Eto kasing Inoe eh! 'Kitang natutulog pa 'ko binulabog ako sa bahay". Reklamo naman niya.
"Eh anong oras na kasi! May pupuntahan pa tayo"
"Sa'n naman tayo pupunta?" Tanong ko naman.
"Joke lang" pagbibiro naman niya.
Kahit kailan yata hindi ako matatawa sa biro neto. Sa sobrang boring niya siguro sa buhay kahit ganito ka-aga nambubulabog. Hy!
------------
Nang makaalis ang dalawa. Dumiretso ako sa kwarto para mag-aral kahit masakit ang ulo ko. Mabuti na lang at hindi ganon karami ang pinapagawa saamin.
Habang nilalabas ko ang mga gamit ko sa bag,tumunog naman ang cellphone ko.
"Oh b?" (bi) Si Gel pala ang caller. Nang tignan ko ang oras. 9 a.m. na.
'B,baka nailagay ko sa bag mo yung notes ko. Hindi 'ko kasi mahanap...'
"Okay,sandali lang"
Hinalungkat ko ang bag ko at nang may makita kong naiibang notebook,kinuha ko at binuksan,kay Gel nga itong notes.
"B, nandito. Ba't naman kasi nasa bag ko 'to"
'Thank God! Hindi ko nga rin alam kung ba't ko nailagay diyan sa bag mo. Magkatabi kasi bag natin'
"Oh siya! Sige na at nag-aaral ako. Ibibigay ko nalang sa'yo sa Lunes".
Nang matapos ang tawag. Bumuntong hininga ako at saka sinimulan mag-aral.
Narinig ko namang nagri-ring ang cellphone ko. Nang makita kong si Ver ang tumawag,napakunot naman ang noo ko. Puro nanaman kalokohan ang sasabihin neto.
Binaba ko ang notes ko saka kinuha ang cellphone at sinagot.
'Waaaaah! Girl!! Owemji!'
Napalayo ko ang cellphone ko sa tainga ko dahil sa sigaw nya.
"Hoy! Ano ba? Tili ka nang tili diyan"
'Loka ka!'
"Ano nanaman bang kalokohan ang sasabihin mo ha? Nag-aaral ako oh! Mambubulabog ka nanaman". Wala siguro to magawa nanaman. Pareho sila ni Inoe. Tsk!
'Oh sorry,my dear.. Okay. Sasabihin ko sayo sa Lunes. Bye. Study well. Mwa!'
At pinatay ang tawag. Napailing nalang ako. Tatawag tapos sa lunes pala sasabihin. Sana wala ng susunod na tawag dahil hindi ako makapag-concentrate. Mas lalong sumasakit ulo ko.
Narinig ko namang may kumakatok sa pinto. Napalingon ako at naibagsak ko ang ulo ko sa notes na nasa harap ko.
Mabigat akong bumuntong hininga at saka tamad na tumayo.
Nang buksan ko. Si mama pala. Nakangiti at may dalang pagkain at inumin.
"Thank you,Ma" ngumiti ako pagkatapos n'yang ilapag ang pagkain.
----
Maaga akong gumising dahil susunduin ako ni Ver,sabay daw kuno kami papasok dahil sa marami siyang iku-kwento. Hindi naman na 'ko nakatanggi dahil kahit tumanggi ako mangungulit pa rin.
Nakarinig ako ng busina sa labas paniguradong siya na 'yon. Bumaba ako at nakita ko si Mama na nasa sala.
"Good Morning,Ma! Alis na po 'ko".
"Mag breakfast na muna kayo" Anyaya samin ng batiin siya ni Ver. Ngumiti ito.
"Thank you po,Tita. Pero busog po ako" Arte! Alam ko naman hindi ito marunong tumanggi sa pagdating sa pagkain. Tss!
Nang pagkatapos namin magpaalam agad akong hinawakan sa kamay halos madapa ako sa pagmamadali ng bruhang 'to.
Nang makasakay kami sa loob saka lang niya ako binitawan. Inirapan ko siya,hindi pa nga kami nakakarating sa school pawis na kami. Humarap ako sakanya at sinamaan ko ng tingin.
"Ano bang sasabihin mo?" mataray kong tanong habang siya naman nakangiti.
"Girl! Oh My God!" tili niya.
A/N:Hi! Thankyou for being here! Hope u enjoy it! Don't forget to vote and add it to your library thankyouuu!! 🥰 Have a nice day!
YOU ARE READING
If It's Too Soon,MILOVE.
RomanceLumaki syang hindi nagoopen ng problema kahit kanino man. She's too independent on herself that even though everyone will leave her. She's okay with it but deep inside there's one question are always there on her mind "Bakit ganito nanaman?". But th...