ENJOY READING!!🥰Kahit kailan yata hindi ako magsasawa panoorin ang napakalaking eskwelehan na nasa harap ko. Sobrang ganda,hindi ako makapaniwala na sa ganitong eskwelehan ako mag-aaral.
Hindi ako katulad ng mga kaklase ko na hindi namo-mroblema sa pera. Lumaki ako sa pamilyang kahit hindi mayaman,masaya naman buo at natutugunan ng mga magulang namin ang kailangan naming magkakapatid.
Kaya hindi ko sasayangin ang opportunity na ito,dahil ito lamang ang aahon sa amin. Iyon naman talaga ang gusto ko ang makapagtapos at makabawi sa mga magulang ko.
“Pst?”. Linga-linga ako kung saan nanggagaling ang sitsit na iyon.
“Pst?”. Nang marinig ko ulit yun nangunot ang aking noo nang makita ko kung sino iyon samantalang s'ya nakangiti papalapit sakin.
“Tsk. Aga mo yata?”. Pagtataray ko. Natawa naman s'ya at ginulo ang aking buhok.
“Bakit? Bawal ba?”. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi n'ya. Mang-aasar nanaman 'to.
“Ewan sa'yo. Mang-iinis ka nanaman”.
Iniwan ko s'ya dahil nabu-bwesit talaga ako. Aga-aga mang-iinis.
“Eto naman 'di ka mabiro eh noh?”.
“Tigilan mo 'ko, Justine Isonoe”. Mula elementary kami na ang magkasama hanggang sa umabot kami ng kolehiyo. Mapang-asar ngunit maasahan.
“Hoy! Pogi ng name ko noh?”. Pagpapacute n'ya pa.
Kibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa maghiwalay kami dahil nasa Law Building sya,ako naman ay nasa Psychology.
Nang makaupo ako tumabi sakin si Angelina, ang bestfriend ko. Isa sa mga maaasahan kong kaibigan.
“Goodmorning b!”. Binati ko naman s'ya nang pabalik at bumalik sa pagbabasa. Mahirap ang BS Psychology lalo na't mahihigpit ang mga prof. Mabuti na lamang kahit hindi ako makapag-aral minsan , eh nakakasagot naman ako sa mga biglaang recitation.
“Hy! Grabe talaga si Sir magparecitation. Hindi pa naman ako nakapag-aral kagabi”. Reklamo aniya.
“Hoy! Ba't 'di ka umiimik jan?”. Hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako. Mabuti nalang at napag-aralan ko na yung nasa recitation.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
“Gutom lang. Tara kain”. Pangungumbinse ko sa kanya. Makulit pa naman ang isang 'to.
Nang papunta kame sa cafeteria. Nakasalubong namin si Verlyx,ang pinsan ko. Nagpauna na si Verlyx dahil nagutom daw s'ya sa mga pinagawa sa kanila.
Habang nag-uusap kami nakarinig kami nang nabasag. Napalingon kami sa pinang-galingan no'n at nakita namin si Verlyx na kaharap ang isang lalaki. Lumapit ako upang malaman kung ano ang nangyari.
“I'm sorry , miss.”. ani nang lalaking matangkad at maputi. Aaminin kong pogi kasi pogi naman talaga.
“It's okay. By the way, Verlyx.”. Inoffer n'ya pa yung kamay. Naks! Baliw ka talaga! Ngunit tinignan lamang ito ng lalaki. Tsk! Pangit naman ng ugali. Hinawakan ko ang kamay ni Verlyx dahil marami nang nakatingin saamin.
Nang may pumigil saamin. Nang lingunan namin ito, yung kasama pala nang nakabunggo sa pinsan ko. Ang laki ng ngiti nya. Gwapo din sya pero iba yung awra nung isang yon. Walang emosyon ang itsura.
“Raph Reyes”. Pagpapakilala nya.
“and he's Kyriss Patrick Santiago”. Pagpapakilala n'ya do'n sa lalaki.
-----------------------------
A/N: Hi! Thankyou for being here <3. Enjoy Reading! Don't forget to vote and add to your library! Thankyouu!! 🥰
Follow me on Twitter: @Niccolaij1 for more info. Thankyou <3
YOU ARE READING
If It's Too Soon,MILOVE.
RomanceLumaki syang hindi nagoopen ng problema kahit kanino man. She's too independent on herself that even though everyone will leave her. She's okay with it but deep inside there's one question are always there on her mind "Bakit ganito nanaman?". But th...