04

17 2 1
                                    


ENJOY READING!! 🥰

“Sama ka na hoy!”

“Hindi nga pwede. Mag-aaral pa 'ko”. Kanina pa 'ko pinipilit ni Isonoe sumama sa party mamayang gabi. Hindi naman ako party girl, yaya nang yaya sa'kin eh.

“Ngayon lang naman 'to eh”. Nagpapaawa pa ah.

Hinto ako ng hinto sa paglalakad dahil pinipigilan ako nang makulit na 'to. Hanggang ngayon wala pa yung dalawa,sabi nila may bibilhin raw sila.

“Alam mo namang hindi ako mahilig sa ganyan”. Kahit ano ata ang sabihin ko hindi sya mapapatigil. I heavily sighed.

“Tsk. Ano bang mapapala ko sa party na yan?”

Napatayo siya ng tuwid at saka hindi makapaniwalang tingin sa'kin. Nangunot naman ang noo ko na parang may nasabi akong masama.

“Grabe ka naman! Ngayon lang naman tayo magbo-bonding. Walang aral-aral. Enjoy lang”. Inirapan ko siya dahil sa rason niya.

“Dali na! Sama ka na ako bahala kila tita”. Ngingiti-ngiti siya. Napailing na lang ako at saka nagkibit-balikat. Bahala na.

“Sama ka na?”. Clenching his teeth.

“Ano pa ba magagawa ko?”. Irap nalang ang magagawa ko sa ngayon kasi pag hindi ako nag-enjoy sa party na yan. Malalagot siya sakin.

“Yes!”. Saka yumakap sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa nyang 'yon. Narealize nya ata yung ginawa nya saka dahan-dahang humiwalay sakin.

I glared at him. Napayuko naman sya at humingi ng sorry.

“Tsk! Halika na nga”. Wala nang namutawing ingay samin dalawa dahil siguro sa awkward pero para sa'kin wala lang naman 'yon dahil magkaibigan naman kami.

Nang makasakay kami sa kotse ni Isonoe saka naman dating nung dalawa. Tinaasan ko sila nang kilay dahil nakakabagot maghintay tapos kasama ko makulit pa.

Nauna na sila sa backseat kaya sumakay ako sa passenger seat.

“Seatbelt”. Napalingon naman ako kay Isonoe dahil ang seryoso ng boses niya at diretso lang siya nakatingin sa harap. Inayos ko na din ang seatbelt saka dumiretso sa bahay.

Pagkarating namin sa bahay. Nandoon na ang dalawa kong kapatid. Sabay-sabay naman kami pumasok at saka nagsi-bati sa mga kapatid ko.

“Rajeev, 'asan si mama?”. Tanong ko naman at agad lumingon sa'kin at tinuro ang kusina. Napatango naman ako at dumiretso sa kusina.

Nakita ko si mama na naghahanda ng pagkain para sa hapunan. Lumapit ako at nagmano.

“Oh nak? Ang papa mo mamaya pa makakauwi. Gutom ka na ba?” Abala siya sa paghahanda.

“Tulungan ko na po kayo,mama”. Umiling naman siya kaagad

“'Wag na. Umakyat ka na do'n at magbihis para makakain na tayo”.

“Ma,nandiyan po pala sila Isonoe”. Do'n umangat ang tingin ni mama at saka ngumiti.

“Edi mabuti. Marami naman 'tong hinanda ko”. Halata sa boses niya ang excitement.

Ang totoo malalapit ang mga kaibigan ko sa pamilya ko. Lahat sila nagkakasundo at pag bumibisita sila dito lahat naeexcite. Sobrang swerte ko sakanila dahil mayroon akong kaibigan at pamilya na gaya nila. Wala na yata ako mahihiling pa dahil makita ko lang sila na masaya,masaya na rin ako.

“Hoy!” Sinamaan ko ng tingin si Angelina dahil kahit anong pinapasuot sa'kin. Hindi ko naman yun masusuot kasi sobrang ikli naman.

“Ano ba? Ba't ang iikli naman? Malalagot ako niyan eh”.

“Arte mo naman. Naandiyan naman si Isonoe. Protective kaya yon”. Sabay kindat sakin.

“Kadiri b”. Kunwaring nagsusuka pa ako. Napangiwi naman siya.

Natawa na lamang ako at sinenyasan ko na magpatuloy sa pagpipili. Umalis kasi sila kanina ni Isonoe upang kunin ang mga damit nya sa bahay na ipangsusuot sakin.

Ngayon lang kasi ako sumama sakanila sa ganitong party. Tuwing nagpa-party kasi sila lagi akong tumatanggi dahil nga busy ako sa pag-aaral. Kaya eto ngayon siya, pinaghahandaan talaga ang susuotin ko.

Lahat kasi nang dala niya ay puro dress. Hindi naman ako pala-suot ng dress. Dahil puro damit at pangbaba ko ay mga croptop at mga jeans,kung hindi naman croptop,eh puro oversized shirts.

Sa hinaba-haba nang pagpipili ni Angelina. Napili niya ang Bodycon Dress na kulay itim. Mabigat akong bumuntong-hininga dahil ito lamang ang simpleng dress na nakikita ko dahil puro lahat backless.

Ang suot naman niya ay Satin Black Silk Dress. Pareho sila ni Ver. Si Isonoe naman naka T-shirt na white at jeans. Pero ang lakas ng dating.

Nagpaalam muna kami at saka dumiretso sa sasakyan ni Isonoe. Hindi na dinala ni Ver ang sasakyan nya dahil sabay sabay nalang daw kami sa iisang sasakyan.

Ibang kotse ang dala ni Iso. Convertible car ang gamit namin ngayon. Hindi yata 'to nawawalan ng sasakyan. Halos araw-araw iba ang dala.

“'Sa'n ba ruta natin?”. Tanong ko. Nakalimutan ko kasi tanungin kanina dahil abala kami sa paghahanap ng susuotin ko.

“BGC!!”. Sabay na sigaw ng dalawa sa likod. Napatakip naman ako ng tainga dahil sa lakas ng boses netong dalawa.

Grabe! Hindi na yata kailangan ng mic. Boses palang nila pwede na tsk!

                       -----------------------

A/N: Hi! Thank you for being here!🥰
Thank you readers! Enjoy! Don't forget to vote and add it to your library. Thank you! Goodnight!!💓

If It's Too Soon,MILOVE.Where stories live. Discover now