08

8 0 0
                                    

ENJOY READING! 🥰

Isang linggo na akong babad sa libro dahil malapit na ang exam. Kahit ang pagparty tinanggihan ko na dahil ayokong bumagsak. Last semester na kasi at 4th year college na kami. Ang bilis ng panahon,dati nag-uunahan pa kami makauwi. Ang mahuli ay manglilibre. Nakakatuwa nga dahil laging huli si Ver tapos magtatampo.

Naalala ko pa dati nag-aya si Inoe pumunta ng Plaza dahil wala itong kasama maglalaro. Reklamo naman ako ng reklamo dahil sa dami ng lugar na pwedeng maglaro sa plaza pa na medyo may kalayuan sa bahay namin. Si Ver naman sige lang

Kaya nang makarating kami non sa Plaza agad ding sumakay si Ver sa swing. Dahil loko si Inoe pumunta ito sa likod at saka pinagtutulak si Ver ng sobrang lakas at nahulog ito. Mabuti na lamang at hindi nabalian. May mga sugat itong natamo.

Kaya magmula noon tumatanggi na si Ver sa tuwing mag-aaya si Inoe.

Naalimpungatan ako nang may kumatok sa pinto.

“Pasok!”. Hindi na ako nag-abala pang tumingin dahil marami pa akong babasahin. Naramdaman ko itong lumapit sa likod ko,hindi pa rin ako lumilingon.

Nakalipas ang ilang minuto ngunit hindi pa rin nagsasalita kaya ng lumingon ako nakita ko si Kere. Tinaasan ko siya ng kilay.

“Ginagawa mo?”

“May naghahanap sa'yo sa labas”. Nakakunot ang noo. Nagtatanong ang tingin ko sakanya at saka tumayo at pinagkrus ang mga braso na humarap sakanya.

“Sino?”

“Kyriss”. Nanlaki ang mata ko. Ano namang gagawin ng taong yon dito? Napansin ata ng kapatid ko na nagulat ako at saka tumawa. Sinamaan ko s'ya ng tingin at binatukan. Yan dapat sayo!

“Totoo nga sabi ni Ate Ver” Tawa pa rin sya ng tawa. Nang babatukan ko ulit sya umilag sya at tinuro ako.

“Oh! Tama na! Sinubukan ko lang sinabe ni Ate Ver”

“Oh eh? Ano pinagsasabi sayo nun ha?”. Lagot talaga sakin ang bruhang 'yon.

“Ba't ko sasabihin?” Pang-aasar niya pa.

“'Di mo sasabihin? Sigurado ka?” Pananakot ko pa sa kaniya dahil alam n'yang may gagawin ako kapag hindi siya sakin nagsasabi nang totoo.

Inirapan niya ako. Kala mo babae! Tsk!

“Ano? Wala kang sasabihin?” Dagdag ko pa.

“Epal naman”. Reklamo niya pa. Ngumisi ako dahil kunting kembot nalang magsasabi na 'to. Nakapamewang ako.

“Sino epal?”Kunti nalang.

“Wala! Sabi niya sabihin ko lang daw pangalan nung Kyriss na yun tapos tignan ko kung ano magiging reaksyon mo”

“Lakas ni Ver ah? Nakinig ka naman”

“Malamang! Nagawa ko na nga 'diba?”. Pilosopo!

“Are you gay,Kere?”. Nanlaki ang mga mata niya. Grabe itsura niya nagbibiro lang naman ako.

“Joke lang. Sige na,labas na! Nag-aaral ako”Pagbabawi ko dahil pikon na ang mukha niya.

Hindi na niya ako sinagot at lumabas ng pinto. Nang makaupo ako sakto naman tunog ang cellphone ko. Nang tignan ko isang message kay Gel.

' Sama ka'

Tinawagan ko nalang siya dahil tamad ako magtype. Nakailang ring pa bago sinagot.

'Saan?'

'Kila Ver'

Napilitan din ang isang 'to sa pangungulit naman ng pinsan ko. Hy!

If It's Too Soon,MILOVE.Where stories live. Discover now