ENJOY READING!! 🥰
Hindi na natigil ang pinsan ko sa kakukwento sa nangyari kanina. Tango nalang ng tango si Isonoe dahil sa bagot sa pakikinig kay Verlyx. Narinig kong napabuntong-hininga si Angelina kaya nilingun ko s'ya.
“Are you okay?”. Tanong ko dahil nakabusangot na ang kanyang mukha.
“Ayos lang ako. Hindi lang ako makapagfocus”. Natawa na lamang ako dahil sa mukha n'ya. Ayaw niya talaga nang maingay lalo na kapag nag-aaral siya.
“Ver,tigilan mo na 'yan”.
Nairapan pa ako. Narinig ko naman bumungisngis si Isonoe kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pasaway din! Tsk! Kinalabit ako ni Ver kaya napatingin ako sa kanya. Mukhang may iku-kwento pa.
“Bagay kayo”. Nangunot naman ang aking noo dahil hindi ko alam kung ano o sino ang tinutukoy niya.
“Ha?”
“Sus. Parang hindi mo kilala tinutukoy ko”. Mas lalo nangunot ang noo ko. Hindi ko talaga siya maintindihan.
“Tsk. Hindi ko naman talaga kilala kung sino tinutukoy mo”.
Ngingisi-ngisi siya at dinudot-dot ang tagiliran ko kaya mas lalo naiisturbo si Angelina.
“Hoy! Nag-aaral si b oh!”. Turo ko kay Angelina dahil mukhang iritado na sa lakas ng boses ni Ver.
“Asus. Totoo nga kasi bagay kayo”.
“Pinagsasabi mo? Baliw ka”. Kahit ano nang lumalabas sa bibig eh.
“Tigilan mo na nga yan si Ryker, kahit kailan hindi ka nawawalan ng kwento”. Ani Isonoe
Napatingin naman si Ver sa kaniya at sinamaan ng tingin at saka binalik ang tingin sakin na tatawa-tawa pa.
“Pareho kayong malamig kausap ng Kyriss na yun”. Doon ko naintindihan kung ano ang kanina niya pang sinasabi.
“Hindi sila bagay oy. Mata mo may diperensya”. Sabat ani Isonoe.
Nagthumbs-up ako kay Isonoe dahil agree naman talaga ako na may diperensya mata ng pinsan ko. Hindi ko nga alam kung bakit nasobrahan to sa kabaliwan.
“Tigilan niyo na nga yan. Verlyx, kahit ano pinagsasabi mo mag-aral ka nga lang jan”.
Mabuti nalang at tumahimik na ang dalawa sa pagbabayangan at sabay sabay kaming umuwi. Kay Verlyx ako sumabay at ang kasabay naman ni Angelina ay si Isonoe dahil malapit lang naman ang bahay ng dalawa.
Walang ingay ang namutawi sa amin ni Verlyx dahil siguro pagod din. Kaya nang maihatid niya ako sa bahay. Sakto naman lumabas ang kapatid ko.
“Dito ka na kumain”. Anyaya ko kay Verlyx.
Hindi na siya bumaba bumati na lang siya sa kapatid ko at saka lumingon sakin at ngumiti.
"No,thank you. Hinihintay na ako nila mom sa bahay. Paki-kamusta nalang ako kila Tita.I'll go ahead. See you tomorrow”. Pagtango ko naman at nang mawala na sa paningin ko ang kotse niya saka ako pumasok kasabay ng kapatid ko.
“Si mama?”. Tanong ko sa kaniya.
“Nasa loob”. Tamad pang sagot niya.
Hindi na ako nagsalita dahil mangbabara nanaman ito kaya nang makapasok kami nando'n si Mama sa sala. Nilapitan ko siya para magmano at saka nagpaalam na aakyat muna ako.
Pagod na bumagsak ang katawan ko sa kama. Ilang minuto pa ang nakalipas ng bumangon ako at maligo. Sobrang nakakapagod ang araw na 'to.
-------------------------------------
A/N: Hi! Thank you for being here <3.
Hope you like it🥰 Don't forget to vote and add to your library. Have a nice day!✨Follow me on Twitter for more teaser: @Niccolaij1
YOU ARE READING
If It's Too Soon,MILOVE.
RomanceLumaki syang hindi nagoopen ng problema kahit kanino man. She's too independent on herself that even though everyone will leave her. She's okay with it but deep inside there's one question are always there on her mind "Bakit ganito nanaman?". But th...