ENJOY READING!! 🥰
Hindi na natigil ang dalawa dahil sa sobrang excite. Ang sakit na sa tenga. Nandito na kami sa loob kaya mas lalo umiingay. Madalas ko marinig na ito raw ang tambayan ng mga estudyante. Pero kung titignan hindi naman mga mukhang tambay ang nandito dahil ang gagara nang mga suot.
Umupo kami doon sa kakaunting tao. Nandito din yung mga kaibigan ng tatlo. Samantalang ako silang tatlo lang yung lagi kong nakakasama.
“Hey! Meet my friends”. At isa-isa kaming nagpakilala.
“You're Ryker,right?”. Tanong sakin nung isa. Matangkad,singkit at mukhang mapang-asar din 'to.
Tumango naman ako at nakipag- shakehands. Nang tignan ko si Inoe nahuli ko siyang pinanlalakihan ng mata ang kaharap ko. Napansin niya atang nakatingin ako kaya tumingin din siya sakin at ngumiti.
Lumipat ang tingin ko sa harap at ngumiti. He chuckled.
“Yeah,and you are?”.
“Chax,his bestfriend”. Aah! Bestfriend pala ng kumag na 'to.
Pagkatapos ng shake hands naupo na din ako nasa gitna ako nila Ver at Inoe. Nasa kaliwang dulo naman si Angelina.
Hindi ko maiwasan tignan ang mga lasing na nagsasayawan. Parang mga walang problema.
“Ryk”. Narinig kong tawag sakin ni Inoe dahil nakatingin pa rin ako sa mga nagsasaya. Nilipat ko ang tingin ko sakanya at tinanong ko kung bakit.
“You okay?”. Inirapan ko siya. Edi sana ngayon nag-aaral ako. Tsk!
“Wanna go home?” Tanong pa niya.
Inirapan ko ulit siya. Pagkatapos niya akong pilitin mapapayag lang ako.
“Siraulo mo! Kung kailan nandito na tayo saka ka mag-aaya umuwi. Tsk”. Ngumisi naman siya. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Oh sorry! Ngayon lang tayo mag-eenjoy please? Ngumiti ka naman d'yan”.
Sinamaan ko siya nang tingin dahil ayan nanaman siya. Pero may point naman siya. Kahit ngayon lang,dahil ngayon lang naman talaga 'to.
Ngumiti ako nang pilit. Kumunot naman ang noo niya, napansin niya siguro yung pilit.
“Pilit naman n'yan eh. Dali na! Magbibilang ako ah”. Natatawa nalang talaga ako dahil isip-bata talaga 'to.
“Oh yan! Ang ganda mo pag nakangiti ka”. Nawala yung ngiti ko dahil sa pang-aasar. Hindi ako sanay na pinupuri ako. Kahit lagi niya naman 'yon ginagawa.
“Tumigil ka na nga”. I rolled my eyes. Buti nalang at tinawag siya ng kaibigan niya.
Kanina pa inom nang inom ang mga kasama ko samantalang ako kahit isang shot hindi ko magawa. Nang lingunin ko si Ver at Angelina mga normal pa naman sila tignan kaya tinapik-tapik ko sa legs si Ver.
Namumula na ang mga mata nya saka ngumiti nang pagkatamis-tamis. Ah lasing!
“Ver,magc-cr lang ako”.
“Samahan na kita” Tatayo na sana siya nang pigilan ko siya.
“Hindi na. Kaya ko naman eh. Sa'n ba banda?”
Tinuro niya naman at saka 'ko nagpaalam. May mga nakita akong babae na halos mahubaran na. Nagiging makasalanan ang mata ko. Juice ko po!
Dire-diretso ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako.I heavily sighed.
Nang tignan ko ang sarili ko sa salamin. Nanliit ako dahil para akong sinabunutan. Inayos ko ang sarili ko dahil nakakahiya.
YOU ARE READING
If It's Too Soon,MILOVE.
RomanceLumaki syang hindi nagoopen ng problema kahit kanino man. She's too independent on herself that even though everyone will leave her. She's okay with it but deep inside there's one question are always there on her mind "Bakit ganito nanaman?". But th...