5

478 14 2
                                    

“Good morning, how’s your sleep?”

I made sure that I wore my best smile in front of him. Ayaw kong masira ang umaga namin dahil sa nangyari kagabi. Though nakalimutan ko naman talaga magpaalam sa kaniya.

“Fine.” Simpleng sagot niya.

Sa pagkakataon na ‘to, sinigurado ko na nakatimpla na ang kape niya bago siya bumaba. As usual, hawak na naman niya ang diyaryo na kakalagay lang sa mailbox namin sa may gate namin kanina. Buti na lang nakuha ko na rin bago pa siya magising.

“May sasabihin sana ako.” I said.

Inilagay ko ang mga pagkain na iniluto ko sa may lamesa, pagkatapos ay ipinaghanda siya. I cook some fried cabbages, then may bacon lang tapos may kaunting rice. Napansin ko kasi na marami pa ‘yong repolyo kaya niluto ko na.. kaysa naman mabulok.

“What is it?” He asked uninterested.

“Well, I’ve been working for years now, and I feel like I should stop working and focus on being a full time housewife... kahit wala tayong anak.” I replied.

He folds the newspaper and put it at the top of the table, then put some food in his own plate. Kakain siya? sayang, hindi ko man lang naipagsandok.

“Really? And why would you want to do that?” He sarcastically said.

Hindi ba magandang idea ‘yon? I mean, mas maganda nga na sa bahay lang ako mag stay kaysa naman work ako ng work tapos hindi ko na siya naaalagaan. Isa pa, paano kung magkaroon kami ng baby?

“Because I love you and I want to be there for you and our future children,” Honest na pagkakasabi ko sa kaniya.

Bigla siyang tumigil sa pagkain at nilagok ang kape niya. Parang halos nakalahati niya pa ‘yon, bago siya bumalik sa pagkain. Hindi ba siya komportable masabihan na mahal ko siya?

“I believe that being a dedicated wife and mother is my true calling.” I added.

Bahala na. Kung ano man ang say niya ro’n, ay wala akong pakialam. Nagawa ko na ang lahat para sa career ko, at gusto kong siya naman ngayon ang pag focusan ko.

“But we don’t have any children, and we might never have any. Why would you want to give up your career for something that may never happen?” He said.

He looked... annoyed. Ayaw niya ba na magkaroon kami ng anak? Parang may kumurot sa dibdib ko dahil sa sinabi niya sa akin ngayon lang. Ibig sabihin, hihiwalayan niya rin ako sa mga susunod na buwan o taon at magpapakasal sa ibang babae?

Hindi pwede ‘to. I need to be firm with my decision. Dito lang ako sa bahay, at gagawin ko ang lahat para mapansin niya na mahal ko siya at ma realized niya ‘yon. With that, baka magbago pa ang isip niya at bigyan niya ako ng anak.

“I understand that we might not have children, but I still want to support you and our m-marriage,” I bit my lower lip. “I’m willing to give up my job and focus on being the best wife I can be.”

Please.. ito naman talaga ang gusto ko, eh. I mean, ganito naman talaga ang gusto kong mangyari no’ng una pa lang. I wanted to he full time house wife.. Iyon ang pangarap ko eversince I was a kid.

“Just make sure na buo ‘yang desisyon mo,” He coldly said. “I don’t wanna feel like I’m the one holding you back from pursuing your dreams.”

Napatanga ako sa sinabi niya. Iyon ba ang dahilan niya kaya parang ayaw niya na pumayag kanina? I smiled. May pakialam siya sa career ko? Kahit ‘yong kaluluwa ko natuwa sa isiping ‘yon, eh.

“Thank you.” I smiled at him.

Paano ko ba masasabi sa kaniya na siya naman ang pangarap ko ngayon, hmmm? Masaya akong kumain kahit na hindi na niya ako pinapansin.

Behind BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon