14

466 12 0
                                    

“Order na lang tayo ng dinner mamaya?" I asked him.

Nasa loob kami ng car niya since he insisted na sabay kaming umuwi. Pumayag naman ako since gusto ko rin magpasama sa kaniya sa grocery at paubos na ang mga stocks namin.

“Yes,” He replied. “Para makapagpahinga tayo.”

I smiled. Siguro naramdaman niya rin na tinatamad akong magluto kaya sinabi niyang order na lang kami. Well, nakakapagod ang mag work.

“Pwede ko buksan?” I asked him, looking at the stereo.

Instead of answering, siya na ang nagbukas no’n para sa akin. Umupo naman ako ng maayos at tumitig sa labas ng bintana.

Parang gusto ko sumilip sa labas.

Napataas ang isa kong kilay nang bumukas ang glass window. Natunugan niya ang gusto kong gawin? I look at his serious face and bit my lower lip. Thoughtful.

Wala naman masiyadong car kaya niluwagan ko ang seat belt. Naramdaman ko ang saglit niyang pagtingin sa akin habang inilalabas ko ang ulo ko sa bintana. Wala na akong pakialam kung nakakain ko na ang strands ng hair ko ngayon.

I look at her and have to smile,
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car.

Napansin kong napalitan na ang tugtog sa stereo. Naging passenger’s seat na ‘yon na kanta ni Stephen Speaks. Coincidence?

And as we go, the traffic lights
I watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening..

Nilingon ko siya mula sa side mirror. Nagtama ang reflection ng mga mata namin, kaya binigyan ko siya ng matamis na ngiti. God, hindi ko iiwan ang lalaking 'to.

And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
And I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Ako lang ba? feeling ko kasi para sa amin ang kanta na ‘yon. Bumalik ako sa pagkaka ayos ng upo, pagkatapos ay kinuha ang phone ko. I need a remembrance for this!

“Bakit ka tumigil?” I asked him. Kanina kasi sinasabayan niya ‘yong kanta, tapos ngayon nakaayos na ako ay tumigil siya.

Pigil ang aking paghinga nang dumako ang isang kamay niya sa ibabaw ng aking hita. My dress is above the knee, kaya medyo nakalabas ang ibang part ng legs ko.

“Then the moon peeks from the clouds, I hear my heart, it beats so loud. Try to tell her simply...” He sings.

He moved the car slowly kahit wala namang ibang kotse sa harap at likuran. It’s just that... gusto niyang maabutan kami ng red lights?

“That I’ve got all that I need, right here in the passenger seat.” He looked at me and continued singing.

Nakatulala lang ako sa kaniya ngayon. Totoo ba? si Visser ba talaga ‘to, or baka naman sinapian siya?

“I can't keep my eyes on the road, knowing that you’re inches from me.”

His last line.. He changed the lyrics of his last line. Posible kaya na mahal na niya ako?

Halos hindi ko na marinig ‘yong pagkanta niya dahil sa ingay ng dibdib ko. Pati yata utak ko, pinapatibok na niya.. Shet.

Iba na ‘to. Kung delikado ang lagay ng puso ko sa kaniya noon, mas naging delikado na ngayon... lalo na kung bigla siyang bumalik sa pagiging cold.

Napatigil ako sa pag iisip nang biglang umandar ang sasakyan. Hindi na ako nagsalita hanggang sa sabay naming marinig ang sinabi ng isang DJ.

Nag shout out kay attorney Friàs and Selette. Napansin ako ang bahagyang pagtawa ni Visser habang umiiling iling pa.

Behind BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon