22

443 11 3
                                    

Hindi ko pa rin kaya. Living with the man I betrayed and experiencing his fidelity is something that my heart can’t take.

Kagabi, hindi ako halos nakatulog kakaisip sa mga bagay na ‘yon. I guess, this karma, is the consequences of what I have done.

I hurted my husband, my child died, Samael suffered in prison, and everything. Sobrang hirap para sa akin na tanggapin ang bagay na ‘yon at talikuran na parang bula.

After the revelation, he asked me if we can live like nothing happened. Pero siyempre, hindi ako pumayag dahil hindi ko kayang mabuhay sa kahihiyan sa loob ng maraming taon.

Behind everything, nakita ko pa rin ang respect niya sa akin as his wife. Though naiinis ako sa isiping ‘yon, ay pinabayaan ko na lang dahil wala naman na akong magagawa. Hindi ko na maibabalik ang oras.

Like what he said, no one knows about my betrayal but the judge, Samael, and the both of us. Walang may alam sa panloloko na ginawa ko... even Demir and Nicolló, which the only friends he closed to be with.

He knows how to set boundaries. Indeed, Visser is the kuya of the two. Siya ang sumasalo ng problema ng dalawa, at siya rin ang tumutulong sa mga ito.

Ganoon siguro talaga siya magmahal. Iyong tipo na kahit may problema rin siya, ay sinasarili niya na lang para hindi siya makita ng iba na mahina siya... para malapitan siya ng mga taong malalapit sa kaniya.

Alam ko naman na kahit na tinanggap niya ako ay hindi pa rin mawawala sa kaniya ang ginawa ko. Imposible ‘yon, sadyang magaling lang siya magtago ng totoo niyang nararamdaman.

Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na habang buhay, gano’n ang siste namin. Masasaktan at masasaktan ko pa rin siya.

I started to pack my things inside my luggages. Ngayong gabi, naisipan ko na umalis na lang. Not because I don’t love him anymore, but because I wanted to fix myself for him.

At kung sa panahon at oras na wala ako sa kaniya at makahanap siya ng iba na hindi siya lolokohin at ipagpalit, tatanggapin ko ‘yon nang walang galit at sama ng loob.

Pagkatapos kong linisin ang buong bahay, nagluto na rin ako ng hapunan para may kainin siya kung uuwi siya. After that, I wrote a letter for him para naman aware siya na umalis na ako.

Sobrang hirap. Ayaw ko sana siyang iwan, pero kailangan. Hindi ako matatahimik kung mananatili ako rito sa bahay kasama siya.

Ibinaba ko ang hagdan ang maleta, pagkatapos ay kinuha ang cellphone para mag book ng grab. Sadly, low battery kaya naman bumaba ako ulit para kumuha ng charger.

“S-sweetie, aalis ka?”

Sa bahid ng boses niya, ay parang kinakabahan siya. Nagmamadali siyang lumapit sa maleta ko, at tumingin sa gawi ko.

He’s tired. Galing siya sa trabaho, at kakauwi lang. Akala ko ba mamaya pa siyang eight uuwi? mag aalas siyete pa lang, ah?

“Eriv..” Mahinang usal ko.

Nakita ko ang paglakad niya pabalik balik sa sala habang hinahagod niya ang buhok mula sa noo papunta sa likod. The image of frustration and tiredness are visible to his eyes and actions.

“A-are you going to visit your parents? now na ba? can you wait for m-me? sasama ako... sasamahan kita.” Kinakabahang sabi nito bago lumapit sa akin.

“No, Eriv.. A-alis na ako.” Lakas loob kong sambit.

Ang pagbagsak ng balikat niya ang naging hudyat sa akin para lapitan siya at yakapin.

“Where are you going?” Biglang naging malamyos ang salita na binitiwan niya.

“Abroad,” I replied. “Aalis muna ako, kasi hi-hindi ko kaya na mabuhay na ganito palagi.”

Behind BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon