25

407 7 2
                                    

Sinipa ko ang pang ibaba ni Samael kaya naman nabitawan ako nito. Visser on the other hand, still crying in the doorstep. Mas nainis ako sa isiping umiiyak na naman siya kaya kinuwelyuhan ko na si Samael at tinignan ng masama. I don’t care if I’m a woman, and being a woman doesn’t mean I don’t do punching.

Sinuntok ko siya sa mukha kaya naman nasapo niya iyon at gulat na tumingin sa akin. Visser looks so shocked at the moment, and when I gave Samael another punch on his face, patakbong lumapit si Visser para ilayo ako kay Samael.

“Ang sakit,” Samael mumbled, while holding both of his face and that thing between his legs. “Mababaog ako sa ginagawa mo!”

Susugurin ko pa sana siya kaso niyakap ako ni Visser kaya hindi ko na nagawa. Lucky him, because if ever Visser is not here with me, pupuruhan ko talaga siya.

Visser planted soft kisses on my clothed shoulders, the reason why my heart calms. Hindi ko nga alam kung bakit ako tumigil sa pagiging galit dahil lang sa simple kiss niya sa balikat ko! my goodness!

Samael stood up and looked at me. Kung dati ay si Visser ang humaharang para itago ako sa likuran niya, ako naman ang gumawa ng kaparehas no’n. Hinarang ko ang katawan ko para itago si Visser, and he allowed me to do that.

“Get out!” Pagtataboy ko sa kaniya.

“Well,” Samael said. “Kumpleto na tayo. Bakit hindi pa tayo magharap harap, Vis?”

“Don’t make a scene here,” Visser spoke. “Let’s go inside.”

Nauna akong pumasok sa loob ng bahay habang nakasunod sa akin ang dalawa. Visser gestured Samael to sit on the sofa, kaya ganoon din ang ginawa ko. Until now, naiinis pa rin ako sa pagpunta ng lalaking ‘to rito.

“Cold compress?” Visser asked Samael.

Really, huh? may pakialam pa rin siya sa lalaking ’yan, kahit na ayaw niya rito? kung ako nga ang masusunod, baka magpatulong pa ako sa kaniya na lumpuhin naming dalawa ‘yan si Samael, eh. Kaso nga lang, sigurado akong hindi niya ‘yon gagawin kahit para sa akin pa.

“Yeah, thanks.” Samael replied.

Napairap na lang ako sa hangin nang maglakad si Visser papunta sa ref at kumuha ng yelo bago ilagay sa ice pack, then he went back and sat beside Samael. May pagitan naman ‘yon, kaya pinabayaan ko na lang.

“So,” Visser cleared his throat. “What brings you here?”

Samael put the cold compress on his face, then look at Visser seriously. Inismiran ko siya nang makita ko ang pagpasada niya ng tingin sa akin.

“I just wanted to clear myself,” He mumbled. “Totoo na naging boyfriend mo ako, but... we.. you know? hindi ko ginawa ‘yon sa iyo. Someone did that to me para lang mailayo ka sa akin noon.”

“And why do I need to trust you, huh?” I sarcastically said.

“Go on,” Visser spoke. “Let him talk, sweetie.”

I rolled my eyes on them. Really? siya pa rin ang kakampihan ni Visser kahit na ganito ang ginawa niya sa relasyon namin? na nabubuhay ako sa guilt and shame ng ilang buwan. Kung ano man ang sasabihin niya, walang magbabago roon.

“Honestly, I do respect you, Dione. Kahit na sinuntok mo ako kanina. I’m your boyfriend back then, pero hindi talaga natin ‘yon ginawa. Promise,” He frustratingly said.

Tumingin siya kay Visser na parang himihingi mg tulong na kung ano man. There’s a code between them na parang nagkakaintindihan silang dalawa kahit sa tinginan lang ‘yon nagaganap.

“Lilith already told me everything. Kung gusto mo, pwede natin siyang puntahan... sa kulungan nga lang.” He added.

Lilith? base sa mga naalala ko noon, kaibigan niya si Lilith, ah? Tsaka mayaman ang babaeng ‘yon, kaya bakit naman siya makukulong? ano’ng ginawa niya?

Behind BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon