10

505 15 0
                                    

“Nag take ako ng masteral sa culinary, abroad.”

I chuckled when Vien bagged her degree para lang pumayag ako na siya ang magluto ng hapunan. Well, wala naman sigurong masama since para kay mama naman ‘yon.

“Gusto kong matikman ni mom ang bagsik ng luto ko.” She added.

When Vien started to talk about her life abroad, nakita ko ang sobrang saya ni mama. Nakikinig siya rito na para bang ito ang paborito niyang radyo.

Wala kaming ginawa kundi maupo lang sa tapat ng lamesa at panoorin si Vien na magluto habang sumasayaw sayaw pa.

“May boyfriend ka na ba, Vien?” Biglang tanong ni mama.

Vien chuckled and look at mom. “Wala, pero may crush ako na pulis.”

Natawa si mama sa sinabi ni Vien. At the age of twenty four, hanggang crush pa rin talaga siya.

Marami pang chika si Vien kay mama, hanggang sa matapos siyang magluto. Ako naman ay tumulong na sa paglalagay ng pagkain sa lamesa.

“Parang ang dami ng niluto mo, Vien.” Nakangiting sabi ni mama habang nagsasandok si Vien. 

“Dito raw kasi kakain si Samael ma, kinukulit ako. Patikim daw ng luto ko para husgahan niya.” Naiinis na sagot nito.

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Vien. Si Samael... pupunta rito? naalala ko na naman tuloy ‘yong kanina. Agad akong umakyat ng kwarto at nagsuot ng malaking jacket, pagkatapos ay bumalik. 

“Nilalamig ka, Dione?” Nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Vien.

“Hindi, sabi mo kasi may pupunta kaya nag jacket ako.” Sagot ko.

Mukha namang gets niya ang sinasabi ko kaya pinabayaan na nila ako. Babae naman si Vien, kaya alam niya ang level of comfort kapag hindi kakilala at lalaki pa ang magiging kaharap namin.

Nag umpisa na kaming kumain nang marinig ko ang tunog ng sasakyan sa labas. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa kaba.

“Tiya!” Nakangiting bati ni Samael kay mama. Inismiran nito ni Vien at nakangising tumingin sa akin. What?

“I have something for you,”

Nakita ko ang pagka excite sa mukha ni mama habang ipinapatong ni Samael ang mga paper bags sa ibabaw ng mahabang lamesa.

“Galing rome, ‘yan. Favorite mo. Tapos ikaw Vien, isa lang kasi wala ka namang dulot.”

Natawa ito nang batuhin siya ni Vien ng isang pirasong ubas, na nasalo niya naman. Kinain niya ‘yon, bago umupo sa pwesto katabi ni mama.

“Iyong sa ‘yo pala miss, naiwan ko sa kotse. Abot ko na lang, pagkatapos kumain. Okay lang ba?” He look at me intently.

Ang paraan ng pagtingin niya. Parang tumatagos ‘yon sa pagkatao ko at hindi maganda ang pakiramdam niyon.

Tinanguan ko na lang siya at nagpatuloy na sa pagkain. Hindi ko gustong narito siya sa loob ng bahay, dahil iba ang nararamdaman ko. Parang pakitang tao lang siya.

“Anong miss, doc ang itawag mo sa kaniya! Tsaka asawa siya ni kuya, baka nakakalimutan mo.” Parang mabubulunan na sabi ni Vien.

“Chill, alam ko naman na doktor siya. Pero mas bagay sa kaniya ‘yong miss, kasi mukha naman siyang dalaga.” Anito.

“Asawa ka ng anak ko?” 

Lahat kami ay napalingon kay mama na ngayon ay nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon, dahil sa narinig niya.

Behind BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon