CHAPTER 4

544 26 4
                                    

HELLIRY'S POINT OF VIEW.

Tatlong taon na ang lumipas at...

Sa tatlong taong paninirahan namin dito ni mommy Solene ay masasabi kong marami na ngang nagbago sa akin. Sobrang nagpapasalamat ako kay mommy, kasi kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako makakarating sa kinalalagyan ko ngayon.

At sa tatlong taong lumipas hindi ko parin makalimutan ang mga paghihirap na natamo ko sa kamay ng mismo kong pamilya noon. You know what? Kung noon ay umiiyak na lamang ako sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayari, ngayon ay hindi na.

Ang tanging alam ko lang ay gusto kong maghigante. Matinding poot at galit ang nararamdaman ko para sa kanila, at ang gusto ko lang ay ang maranasan nila ang naranasan ko, ng higit pa ro'n.

Si Mommy Solene ay bumalik na sa Pilipinas, gusto niyang bisitahin ang mga pamangkin niya, bukod doon namis n'ya rin ang simoy ng hangin sa Pilipinas. And besides ako na kasi ang namamahala sa kompanya n'ya. At magiging katuwang ko si Kendrick sa kompanya.

Speaking of them...

Simula nang matulungan ako ng kuya ni Cindy, hindi ko na ito nakausap pa. Si Cindy na lang talaga ang nakakausap ko sa telepono. Nagtataka tuloy ako sa sinabi n'ya sa akin, na malalaman ko daw yung sinasabi niyang kapalit kapag nakabalik na ako ng Pilipinas. Sumunod kasi siya dito sa Spain para dumalo sa naturang meeting. Which is ang pagpapasa ni Mommy sa amin ng company niya. I know it was too much for trusting her company to me that's why I'm very grateful. Hindi n'ya man ako kadugo pinagkatiwalaan n'ya parin ako.

Nakakainis lang dahil tila nagsisisi pa akong pumayag na maging anak ni Mommy. Nagui-guilty lang ako sa tuwing naaalala ko ang paghalik ni Kendrick sa'kin...

Flashback...

"Karapat dapat ka nga ba para sa posisyon?" tanong ng isa sa mga stockholders ng kompanya nila Mommy.

"Tama, gayong hindi ka naman totoong anak ni Ms. Ferrer?" dagdag pa nung isa.

Natahimik ang lahat dahil sa huling nagtanong.

Napatingin ako kay Mommy Solene na naghihintay na ng sagot ko. Huminga ako ng malalim at hindi sinasadyang napadako ang paningin ko sa lalaking seryosong nakatingin lang sa akin. Tila may gustong sabihin pero piniling manahimik. Tumango s'ya na para bang sinasabing kaya ko 'to kahit na nakatingin lang naman siya sa akin ng seryoso.

I feel like I found my strength by just looking in his eyes. Napailing na lang ako sa naisip bago nagsalita.

"Magandang katanungan iyan. Hindi nga ako isang tunay na anak ni Ms. Solene, pero rason ba iyon para hindi ako pagkatiwalaan? Hindi naman siguro iyon rason para hindi ako maging karapat dapat para sa posisyon, hindi ba?" Panimula ko at bahagyang ngumiti. "May isang salita ako, iyon ay handa akong gawin ang lahat para sa ikauunlad pa ng kompanya, but i won't promise."

Nagsibulungan sila na parang mga bubuyog dahil sa huling linyang sinabi ko.

"What do you mean na hindi ka nangangako Ms. Hell?" Takang tanong ni Matandang. Guerrero. Ang unang nagtanong sa akin kanina.

"Are you saying that you can't keep a promise because you might bankrupt the company?" Nang-iinsultong dagdag pa nito kaya naman parang naging palengke ang loob ng opisina sa mga bulungan nila.

Tumawa ako ng malakas dahilan ng pagkakatigil nila sa kung ano mang binubulong bulong nila. Lahat sila nakatingin sa'kin.

"No, sir. You're wrong." Proud kong sagot. "Hindi ako nangangako dahil gusto kong gawin. Kahiya-hiya naman siguro kung pangako lang ang kaya kong gawin Mr. Guerrero, 'di ba? Iba kasi ako. Ayaw ko sa puro salita, wala namang naipapakita? So bakit ako mangangako kung mas mabuting gawin na lamang kaysa ipangako mo na wala namang kasiguraduhang matutupad mo Mr. Guerrero. Not because I don't want to promise, that would also mean that I can't make the company expand. That's a big no, Sir!"

Tired Chasing Them ( The Attention Seeker ) Where stories live. Discover now