PROLOGUE

782 27 0
                                    



Nandito ako ngayon sa tabing dagat kasama ang taong pinakamamahal ko, nanonood sa papalubog na araw.

Bahagya ko itong sinulyapan. Titig na titig s'ya roon at hindi ko na naman maiwasan ang sarili kong humanga sa napakaperpekto n'yang mukha. Napakag'wapo. Mabilis kong ipinilig ang ulo at itinuon na lang ang sarili sa pagtanaw ng papalubog na araw. Nag-iiba na ang kulay ng langit.

"Ang ganda ng sunset, 'di ba?" panimula ko.

Napabuntong hininga ako nang wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya makalipas ang ilang minuto.

"Khai, alam mo bang pangarap ko lang ito dati na sana makasama kita sa panonood ng paglubog ng araw? Tang.ina, pangarap ko lang talaga ito, eh. Ngayong natupad na, 'di ba dapat masaya ako? Because, we finally watch the sunset together, but da.mn, ano itong nararamdaman ko ngayon? B-Bakit baliktad? Hindi ba dapat matuwa ako? Bakit ganito? Nasasaktan ako..."

Napapunas ako sa luhang kanina pa pala patuloy na dumadaloy sa pisnge ko.

"Elli..." Sambit nito sa pangalan ko. Hindi ko s'ya pinansin at nagpatuloy sa mga sinasabi.

"Alam mo rin ba na sa sobrang pagkadesperada ko pinangarap ko na makasama kita habang buhay? Alam kong sobra na iyon. Pero masisisi mo ba akong nagmahal lang?"

Pansin ko ang pagtitig niya sa'kin. Tumawa ako ng mapakla at pinahid ang mga luhang patuloy na umaagos sa pisnge ko bago siya nilingon.

"Thank you," nakangiting sabi ko at tumingin ulit sa papalubog na araw. "Thank you, dahil tinupad mo ang kahilingan ko. Thank you dahil kinarer mo talagang magpanggap na maging boyfriend ko sa tatlong araw, thank you kasi ng dahil sa inyo at lalo na sayo may narealize akong i-isang b-bagay..." Hindi ko mapigilang hindi mautal lalo na't matinding kirot ang nararamdaman ko ngayon dito sa puso ko.

"Elli." Mariing tawag nito sa pangalan ko, pero hindi ko parin siya nililingon.

"Nakakapagod pala, 'no? Nakakapagod palang maghabol sa mga taong wala nang ibang nakikita kundi ang mga kamaliang nagawa ko. Nakakapagod pala... Siguro nga tama ka, napakat*nga ko, b0bo, p0kpok, desperada, pero mali bang ipakita ko sa'yo kung gaano kita ka mahal? S'yempre mali, dahil hindi ako ang mahal mo, ang t*nga ko lang eh noh, tinanong ko pa talaga." Natatawang sabi ko habang naiiling.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago siya nilingon at tiningnan ng seryoso. And there, I see some unexplainable emotions in his eyes but I chose to ignore.

"I'm sorry. I'm sorry for what I did to you. I'm really sorry for the trouble that I caused to you, Khai... And lastly I'm sorry for chasing you." Ani ko. "Mahal na mahal kita... pero kailangan kong tanggapin na... kahit kailan hindi ka magiging akin."

Parang sirang plaka na patuloy sa pag-agos ang luha ko. Gusto ko s'yang yakapin kaya ginawa ko. Kita ko pa kung paano s'ya napapitlag sa ginawa pero kalauna'y naramdaman ko rin ang unti-unting pagyakap n'ya sa akin pabalik. Niyakap ko siya ng mahigpit bago kumalas.

"Khairo, tinatapos ko na... Magiging maayos na ulit ang buhay mo. Lalayo na ako at hindi na mangungulit pa sa'yo... Paalam." Pilit ngiting sabi ko bago siya tinalikuran habang tulala sa pangyayari.

At sa pag-alis ko, siya ring pagkawasak ng puso ko.

Ang sakit.

-


Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin dahilan ng pagtabingi ng mukha ko. Nilingon ko ito ngunit isang malakas na sampal ulit ang natanggap ko sa kabilang pisnge. Halos namanhid ang buong mukha ko sa sobrang lakas. Ni hindi ko na maramdaman ang sakit dahil sa pamamanhid nito.

Ang saya. Ang saya-saya talaga.

Sinampal lang naman ako sa pinakamamahal kong ina. At tila natutuwa pa ang mga kuya at ate ko sa ginawa nito. Tang*na, ang sakit. Bakit kaya 'di nila makita yung kahalagahan ko sa pamilyang 'to? Bakit si Eira na lang palagi, na wala namang ginawa kundi ang siraan ako. Wala na silang sinisi sa lahat ng bagay na nangyayaring kamalasan sa kanila kundi ako. Ako nalang yung puro mali, si Eira yung tama. Makakaya ko pa ba 'to?

"Ang kapal talaga ng mukha mo para landiin ulit ang boyfriend ng kambal mo Elli. Wala kana ngang ginawang tama sa pamilyang ito, nilalandi mo pa ang boyfriend ng kapatid mo! How shameless are you?!" Sigaw ni Mama sa pagmumukha ko. Nag-aalab sa galit.

Napatingin ako sa mga kapatid ko na tahimik lang na nakikinig pero deep inside alam kung nagsasaya ang kalooban nila dahil napagalitan na naman ako. Ang saya talaga 'di ba? Pero bakit ang sakit? Ang sakit dito sa dibdib.

"Talagang ikinakahiya kita sa pamilyang ito! Napakawalang kuwenta mong anak! Sana hindi na lang kita binuhay sa mundong ito nang sa gano'n hindi ako nagsisisi ngayon na binuhay pa kita!"

Isang butil ng luha ang pumatak sa aking mga mata. Mapait akong ngumiti sa sarili ko.

Akala ko masakit na yung ginawa kong pamamaalam sa taong mahal ko, pero posible rin pala sa pamilya.

"Ikinakahiya n'yo ako?" nakangiting tanong ko. Pero sa totoo lang, durog na durog na'ko.

Sasampalin na sana niya ako ulit ng magsalita ako.

"Ikinahihiya rin kita bilang isang magulang ko." Sabi ko dahilan kung bakit naiwan sa eri ang kamay ni Mama na tila na pipi ito dahil sa sinabi ko.

Susugurin na sana ako ni Ate ng pagsalitaan ko rin siya. Punong-puno na'ko.

"Sige, saktan mo ako, Ate! Tutal pagod narin naman ako. Pagod na'kong maghabol ng pagmamahal n'yo, na kahit kailan hindi naman mangyayari. Pagod na'kong magpakat*nga, pagod nako pagpaliwanag, pagod na akong intindihin kayo sa mga bagay-bagay." Sabi ko na punong-puno ng hinanakit.

Bumaling ako kay Mama na natahimik sa mga sinabi ko.

"Ma, alam n'yo ba na minsan napapaisip ako? Napapaisip ako kung naging bahagi ba talaga ako ng pamilyang ito. Kasi sabi nila, kapag kapamilya mo, mamahalin at proprotektahan ka nila kahit gaano kapa kasama. Tatanggpin ka parin kahit ilang ulit kang nagkamali." Napahagulhul na ako sa harap nila. Hindi ko na kayang itago pa kung gaano ako kawasak ngayon.

"Bakit, Ma? Gaano na ba ako kasama sa tingin ninyo para hindi ko maramdaman sa inyo ang pagmamahal ng isang pamilya? Ang sama-sama ko ba talaga na anak, Ma? Ang sama-sama ko na ba talaga na kapatid, mga kuya? Ate? Para iparamdam n'yo sa'kin kung gaano ako kawalang kawalan sa pamilyang ito? Kung sa bagay isa lang naman akong utusan sa bahay na ito. Ang sakit, Ma. Ang sakit-sakit kasi mahal ko kayo eh, mahal na mahal... Pero hindi n'yo iyon makita! Nakakapagod, Ma. Nakakapagod Ate, mga Kuya. Nakakapagod magpanggap ng mangpanggap na okay lang ako, na okay lang ang lahat sa'kin.... Huwag kayong mag-aalala, lalong lalo kana, Ma, dahil sa araw na ito itinuturing ko na lamang kayong mga amo ko, tutal isang katulong lang naman ang tingin ninyo sa akin 'di ba? Sige, aalis na po muna ako madame Helena, mga señiorito at señiorita." Mahabang sabi ko.

Bago ako umalis sa kanilang harapan ay nagbow muna ako. At hindi nakaligtas sa'king paningin ang malademonyong ngisi ng kambal ko.

...

A/N: Hi, sa mga readers ko! I just wanted to apologize my poor writing skills. I hope you enjoy reading this story!

Tired Chasing Them ( The Attention Seeker ) Where stories live. Discover now