HELLIRY'S POINT OF VIEW.
Today is my real mother's birthday, Helena. At nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ba ako o hindi. Ano'ng gagawin ko? Pupunta ba ako?
"Arghh!" Napaungól ako sa frustration.
I'm still mad at them, but Mommy was right. They're still my family daw kuno. Fúck! I have no choice. I don't want my fúcking conscience engulf me.
Nagpunta at nagmakaawa rin kasi sa akin si Kuya Justin kahapon sa hapon.
Flashback...
I was busy checking all the papers when suddenly someone rang the doorbell. Istorbo!
I stood up to see who it was and see Justin's face.
I raised an eyebrow at him. Why is he here?
"Tuloy," walang bahid ng kahit anong emosyon na sabi ko.
Nang makapasok s'ya ay itinuro ko kan'ya ang couch. Umupo naman siya roon.
"What do you want?" tanong ko sa kan'ya.
Wala kasi akong planong tanungin siya kung sinong nagturo sa kan'ya na dito ako nakatira. Alam ko na kasi kung sinong nagturo, si Khairo.
"I know na may kasalanan akong nagawa sa'yo," paninimula niya.
"Oh? Then?"
"I'm sorry," sagot n'ya at napayuko.
Nakagat ko ang labi sa biglaang inis na naramdaman.
"Sorry? Sorry na naman? Can you please, stop saying sorry? Wala naman na kasing magagawa ang sorry mo sa pait na nakaraang nangyari na sa buhay ko na kayo mismo ang dahilan." Ipinakita kong nairita ako. "At kung magpapatawad man ako, siguro kapag kaya ko na. Kasi sa tingin ko, hindi pa ako handa sa gan'yan ninyong drama. I'm still thinking kung bakit pinabayaan mo lang ako,"
"Nadala lang ako ng galit n'on, dahil sapag sagot-sagot mo kay Mama, Elli. Hindi rin naman kasi iyon sinasadya ni Mama na gawin sayo 'yon, nadala lang rin siya ng galit dahil sa nagawa mo. Mahal ka ni Mama, mahal ka namin, Elli. Kung alam mo lang kung gaano si Mama nagsising pinalayas ka, sinisigurado kong—"
"Stop it, you don't have to explain! Everything has been clear to me for a long time. 'Di ba sinisi n'yo pa nga ako sa pagkawala ni Papa?" Nangiligid ang luha ko kaya naman ipinilig ko ang ulo para mawala. "Kung p'wede sanang ako na lang 'yong namatay sa aksidenting nangyari, kung pwede lang kuya. Pero wala e. Bata lang ako no'n kuya, walang magawa. Wala rin namang may gusto no'n, e. Pero anong ginawa n'yo? Sinisi n'yo ako. Pati narin sa mga b-bagay na hindi ko g-ginusto,"
Nanginginig ako ng sabihin 'yon. Pakiramdam ko bumalik 'yong mapait kong nakaraan, nakaraang matagal ko ng kinalimutan.
Yayakapin na sana ako ni kuya ng magsalita ako.
"Don't hug me," pigil ko sa akmang gagawin n'ya. "J-Just leave, kuya."
"Elli..."
"Hangga't may natitira pang katiting narespito ako, umalis kana." Mariin ang bawat bigkas ko sa mga salita.
"Bago ako umalis, nakikiusap ulit ako na pumunta ka sa birthday ni Mama. She m-missed you so much, Elli. Kahit bukas lang magpakita ka d-doon," nauutal nitong sabi bago tuluyang umalis.
End of Flashback...
Naiiyak tuloy ako, bwesít talaga.
Akala ko ba nakalimutan na nila ako? Ni hindi nga nila ako hinanap? Ang bóbo ko talaga, s'yempre hindi nila ako hahanapin kasi sila na nga 'yong nagpalayas sa'kin, hahanapin pa kaya?
![](https://img.wattpad.com/cover/299678947-288-k258342.jpg)
YOU ARE READING
Tired Chasing Them ( The Attention Seeker )
Diversos"Siguro nga tama ka, napakat*nga ko, b0bo, p0kpok, desperada, pero mali bang ipakita ko sa'yo kung gaano kita ka mahal?"-Hell. ----------------------------------------- ------- ************************************** A/N: This story is written in Tag...