CHAPTER 3

583 32 5
                                    

A YEAR LATER...

Isang taon na ang lumipas pero sariwang-sariwa parin yung sakit dito sa puso ko. Ni hindi man lamang nila ako hinanap, talagang tuluyan na nga nila akong kinalimutan. Wala ba talaga akong halaga para sa kanila? Kung sa bagay, hindi nila ako itinuring na kapamilya.

"Anong iniisip mo, ihja?" Bungad na tanong ni tita Solene.

Nandito kasi ako sa tapat ng bintana, nakatingin sa labas habang nakaupo sa upuan.

"Wala naman po... Mommy," Sagot ko sa mahinang boses.

Actually kinupkop ako ni tita Solene bilang isang biological daughter niya, wala kasi siyang anak. Noong nakaraang isang buwan napagdesisyonan niyang kupkupin ako. Maraming papeles ang kinulikot para lang matapos ang proseso no'n at ngayong tapos na ay isa na nga akong ganap na Ferrer, since tuluyan na akong inabandona ng pamilya ko. Magiging pinsan ko na silang, Cindy.

Alam n'yo bang sobrang saya ko dahil si mommy Solene lang ang nagparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga. Pero sa kabila no'n... Nalulungkot parin ako. Bakit gano'n? Iniisip ko parin sila. Lalong-lalo na si Mama at... si Khairo. Ayoko mang tanggapin sa sarili ko pero... mahal ko parin s'ya. Mahal ko parin sila.

Ngunit sa tuwing maiisip ko iyon hindi ko rin maiwasang hindi mag-alab sa galit.

"But your face telling me that you're not okay. Tell me, is it about your family?" Malumanay nitong tanong.

Napayuko ako dahil do'n. Isang panibagong luha na naman ang kumiwala sa aking mata.

"S-Sorry po..." sagot ko nalang.

Hindi ko lang kasi lubos maisip na talagang binaliwala lamang nila ako. At sa tuwing naiisip ko iyon, hindi ko maiwasang hindi masaktan. Naninikip ang dibdib ko. Parang pinipiga. Gustong-gusto ko ng makalaya sa nararamdamang sakit na ito.

Lumapit naman si mommy Solene sa akin at niyakap ako.

"Shhh.. hindi mo kailangang magsinungaling sa akin, He. .ll. You should always remember that I am now your mommy and I'm always here to comfort you,"

"H-Hindi ko parin kasi sila makalimutan. Nananatili parin ang sakit dito sa puso ko. I just want to run away from this pain, I-I can't take this anymore... Please, help me, Mommy." I begged.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Pupunta ako sa Espanya..." Aniya. "Gusto kong isama ka. Iyan lang ang natatanging paraan na alam ko, anak. Ang dalhin ka sa ibang bansa para makapagsimula ulit ng panibagong buhay. Naniniwala ako na sa paglipas ng mga taon magagawa mo ring tumayo sa iyong pagkakalugmok. Magpakatatag ka lang..."

Nandito kami ngayon ni Mommy Solene sa napakalaking bahay nilang Kendrick, o mas mabuting sabihin na lang nating Mans'yon para ipaalam sa kanila ang balita na isa na akong ganap na Ferrer.

Hindi pa ito alam ni Kendrick, si Cindy palang ang nakakaalam na aampunin ako ni Mommy. Pero hindi pa alam ni Cindy na isang ganap na Ferrer na ako kaya gusto kong surprisahin siya tungkol dito. Sa totoo lang napakabait niyang tao sa akin 'yon nga lang ang kapatid niya na lalaki ay napakasungit. Si Kendrick. Akala ko nga talaga no'ng una ay hindi kami magkakasundo. Ikaw kaya kausapin ng kasing lamig ng yelo kung makitungo. At alam niyo bang may sinabi sa akin si Cindy, tungkol kay Kendrick. First time daw iyon ng kuya niyang magcomfort sa isang tao at first time din niyang magsabi ng sorry at take note sa akin pa.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin sa mga oras na 'yon, basta nung marinig ko iyon parang may kuryenteng dumaloy sa buong sistema ng katawan ko at bigla-bigla nalang akong na mula dahil sa hiya. It's natural for me to be shy, isn't it?

Tired Chasing Them ( The Attention Seeker ) Where stories live. Discover now