HELLIRY'S POINT OF VIEW."Hali ka, Elli, anak. Dito tayo maupo." Nakangiting sabi ni Mama ng matapos nila akong yakapin at hilain ni Mama kung saan papunta sa bakanting lamesa.
I think naka reserved na ito para sa kanila. Sumunod naman sila sa amin. Nakita ko pa ang masamang tingin na ipinupukol ni Heira sa'kin. Sarap nga tusukin.
"Ladies and gentle men! Sa araw na ito ay magc-celebrate tayo sa birthday ng nag-iisang Mrs. Sandoval! Let us all welcome her! Mrs. Helena Sandoval." Nagsipalakpakan ang mga tao matapos ang sinabi ng Mc.
Tumayo si Mama pero bago siya naglakad ay lumingon muna siya sa mga anak niya at sa akin. Tiningnan n'ya ako ng may ngiti sa labi. Ngunit hindi ko iyon sinuklian bagkos ay tiningnan ko lang siya ng walang emosyon.
Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kaniyang mga mata bago naglakad patungo sa stage.
Alam kong napansin din ito nilang kuya, ate, Heira, Khairo at ng auntie ko. Sila lang naman kasi ang kasama ko sa mahabang mesa.
Sinalubong si Mama ng masigabong palakpakan matapos makaakyat sa stage. Forthy eight years old na s'ya at inaamin kong walang nagbago sa hitsura n'ya, still maganda parin siya.
Tumikhim muna ito bago nagsalita.
"Good evening everyone! Thank you so much for coming. Alam kong sobrang busy n'yo sa trabaho pero ginawan n'yo parin ng paraan para lang makapunta dito. Kaya sobrang laki ng pasasalamat ko dahil do'n, at higit sa lahat nagpapasalamat din ako sa mga anak kong nag-ayos nitong party, kasi kung hindi dahil sa kanila walang selebrasyon na magaganap. Okay lang naman kasi ako sa simpleng handaan lang," aniya't natawa.
Nagsitawanan at nagsipalakpakan ang mga tao.
"Wow! Nakatutuwa ka naman pala, Mrs. Sandoval. Tawagin na nga natin ang iyong mga magaganda't g'wapo na mga anak!" natutuwang sabi ng Mc bago lumingon sa gawi namin. "Ladies and gentlemen! Let us all welcome the olive branches of, Mrs. Sandoval!"
Nagsipalakpak ulit ang mga tao.
Nagsitayuan naman sila kuya, ate at Heira. Naunang naglakad si kuya Justin at Austin kasunod si Heira.
"Hindi kaba pupunta do'n?" Tanong sa'kin ni ate Maureen sabay turo sa stage.
"Why would I go there?" taas kilay na tanong ko rin.
Nagbuga siya ng hangin bago nagsalita.
"Because you are part of the family. You're my sister. In short, our sister and Mom's daughter."
Natawa ako ng mapakla.
"Nakakatuwa naman Ms. Maureen, nakalimutan mo na bang simula no'ng pinalayas n'yo ako? Yun narin ang araw na kinalimutan ko na magkadugo tayo." Malamig kong sabi. "At kailan n'yo pa ako ipinakilala sa mga tao? Sa pagkakaalala ko, hindi n'yo pa ako ipinakilala sa harap ng maraming tao."
Natahimik s'ya sa sinabi ko.
"Ate Mau, let's go!" naiiratang sabi ni Heira, bago hinila ito papuntang stage.
Wala namang nagawa si ate Maureen kundi ang magpati-anod na lang.
I thought nakasunod na ang bruhang Heira na 'yon sa kanila ni kuya, pero hindi pa pala. Tss, mapapel talaga.
"Ang gaganda't g-g'wapo talaga ng mga anak mo, Mrs. Helena!" nakangiting papuri ng Mc bago ibinigay ang mic sa kay kuya Justin.
"Kahit kailan ang guwapo talaga ni Justin!"
"Ang cute ni Austin! Kyahhh!"
"Ganda ni Maureen 'no?"
"Si Heira rin naman maganda!'
YOU ARE READING
Tired Chasing Them ( The Attention Seeker )
Losowe"Siguro nga tama ka, napakat*nga ko, b0bo, p0kpok, desperada, pero mali bang ipakita ko sa'yo kung gaano kita ka mahal?"-Hell. ----------------------------------------- ------- ************************************** A/N: This story is written in Tag...