HELLIRY'S POV.
Tunog ng alarm clock ko ang s'yang nagpaggising sa akin. It's already 5:00am. I have to do my daily routine. Matamlay akong tumayo sa kama ko, inaamin ko masakit parin dito sa puso ko pero dapat ko nang sanayin ang sarili kong huwag nang magpapansin sa kanila.
Matapos kong gawin ang morning routine ko ay bumaba na ako, para pagsilbihan sila. Para nang sa gano'y makapasok na ako ng maaga sa school.
Nang matapos akong magluto ay inilapag kona ang pagkain sa lamesa, at sakto namang pagdating nila.
Gusto kong tanungin kong bakit namamaga ang mga mata nila, Mama at Ate, pero minabuti ko na lamang na huwag makialam. Dahil iyon ang ipinangako ko sa sarili ko. Kung dati ay nagagawa ko pang mag-alala, ngayon mukhang malabo na... Pero malabo na nga ba?
"Handa na po ang pagkain ninyo, maaari na po kayong kumain." Malamig kong sinabi at yumuko. Tatalikod na sana ako para umalis nang tawagin ako ni Mama.
"Helliry, anak... Hindi ka ba sasabay sa pagkain namin?" Tanong nito.
Nagulat ako do'n sa sinabi n'yang 'Anak' pero hindi ko iyon ipinahalata. Tiningnan ko sila isa-isa bago ko itinuon kay Mama ang atens'yon.
"Bakit po ako sasabay sa inyo? Isang hamak na katulong lamang ako sa pamamahay na ito. At laking pagpapasalamat ko na lang na hanggang ngayon ay pinapag-aral n'yo parin ako. T'yaka, huwag niyo po ako tawaging anak dahil hindi naman po ako ninyo anak at hindi ko rin po kayo, ina. Katulong lang po ako sa pamamahay na ito." Mariin kong sinabi.
Kay tagal kong hindi narinig ang salitang anak mula sa kaniya. Ngayon pa talaga? Ngayon pang pilit kong itinatatak sa utak ko kung ano lang ang katayuan ko sa pamamahay na ito.
Kita ko ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mga mata. At naiinis ako ngayon sa sarili ko dahil nakaramdam ako ng pagsisisi matapos makita iyon. Ano ba itong ginagawa ko? Nakakainis. Ayoko na.
"Elli." Mariing banggit ni Kuya Austin sa pangalan ko.
"Bakit po?" Malamig kong tanong. Kita ko ang lungkot sa mga mata nila. Maliban sa hayop kong kambal na naiinis sa nakikita ngayon.
"Kung wala na po kayong ipapagawa, aalis na po ako." Sabi ko habang hindi parin nagbabago ng emosyon.
May sasabihin pa sana si Ate Maureen sa'kin pero nilagpasan ko lang siya at derederetso ang lakad palabas ng bahay.
-
Masasamang tingin ang bumungad sa'kin sa loob ng unibersidad pagkatapak ko pa lang sa paaralan. Na tila ba nakahanda silang sugurin ako.
"Narito na naman ang malandi!"
"Yeah, such a b*tch!"
"Himala! She's not wearing heavy make up."
"Maybe natauhan na s'ya, na kahit kailan hinding-hindi mapapasakanya si Khairo."
"Papansin kasi!"
"Makapal din kasi ang mukha kaya gan'yan!"
"Nakakaawa siya. Kung ako siguro ang nasa sitwasyon n'ya ay malamang nagdrop na ako."
Kaniya-kaniyang komento nila na nagpakuyom ng kamao ko. Oh, God, please help me.
I don't want to start a fight so I chose to ignore them and continue to walk. Gano'n naman talaga sila sa simula pa lang, walang ipinagbago kaya hindi na kataka-taka.
"Inhale and exhale, stomach in and stomach out... Hoo!" Pagpapakalma ko sa aking sarili.
Napalingon ako sa mga estudyanting nagsisitilian. Nandito na sila. Tatalikod na sana ako nang may biglang bumunggo sa'kin dahilan kung bakit nawalan ako ng panimbang ay bumagsak sa lupa.

YOU ARE READING
Tired Chasing Them ( The Attention Seeker )
Aléatoire"Siguro nga tama ka, napakat*nga ko, b0bo, p0kpok, desperada, pero mali bang ipakita ko sa'yo kung gaano kita ka mahal?"-Hell. ----------------------------------------- ------- ************************************** A/N: This story is written in Tag...