HELLIRY'S POINT OF VIEWNaiinis na umupo ako mula sa pagkakahiga matapos magising sa tunog ng Cellphon ko. Si Sheila, tumatawag.
"Oh?" Paos kong tanong.
"Kagigising mo lang?!"
Napatakip ako sa tainga dahil sa sigaw nito sa'kin.
Oa.
Ngayon kami magkikita ni Khairo. Sh*t!
Agad kong pinutol ang tawag at dali-daling naligo para makapagbihis na ng bagong damit.
Nang matapos ay agad na akong lumabas. Pero hindi inaasahan na bubungad sa'kin si Kendrick sa sala na nagkakape habang nanonood ng palabas sa telebisyon. Bagong ligo pa dahil basa ang buhok n'ya. For sure naligo ito sa guest room. May isang guest room kasi ako dito pero walang mga damit sa loob ng closet doon.
Akala ko nakauwi na 'to matapos kong kumiwala sa pagkakakulong sa kandungan n'ya ng bitiwan niya ako kanina at tumakbo sa k'warto para doon magkulong dahil sa kakaibang damdaming naramdaman ko kanina.
At ang malamang nandito parin s'ya ay nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Napatingin ito sa gawi ko.
"Naligo ka?" Sa dami kong gustong itanong ito pa talaga ang tanong na napili ko.
"Hmm..." sagot nito.
"Walang stock na damit d'on-"
"Nagpabili ako ng damit sa sekretarya ko," Pagputol nito sa sinasabi ko. "Aalis ka?"
Shuta! Muntik ko ng makalimutan, aalis nga pala ako. Bwes*t naman oh!
"I-I have to go," sabi ko habang nagmamadaling umalis.
"Where are you going?!-" pahabol pa nito pero hindi ko na pinansin at dali-dali ng lumabas.
Nang makita na nag-aabang na sa'kin si Sheila sa loob ng kotse ay pumasok na ako agad.
"Ba't ang tagal mo yatang nakababa?" Nagtatakang tanong ni Sheila.
"Ha? E, ano kasi..." napakagat labi ako at umiling na lang. "Natagalan ako sa pagligo,"
Gusto ko sanang sabihin sa kan'ya na nando'n pa si Kendrick sa condo unit ko, nagkakape dahil katatapos lang sa pagligo pero hindi ko na ginawa. Baka ano pa isipin, eh.
"Grabing ligo yan,"
"Totoo!"
"Nakakapagtaka lang kasi, ngayon ka lang male-late sa pupuntahan mo." sabi nito habang nakataas ang isang kilay.
Hayst! Bakit ba 'to tanong ng tanong?
"Para namang imbestigador 'to..." mahinang sabi ko.
"Ha? May sinasabi ka?" Tanong nito.
"Wala, ang sabi ko lang, late na nga ako." Palusot ko. "Anong oras naba?"
"It's already two fourthy pm! And we only have twenty minutes left,"
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.
"Saan daw magkikita?" Seryosong tanong ko sa kan'ya.
"Sa main office n'ya," sagot nito.
Napatango naman ako.
Pagdating sa trabaho, seryoso talaga ako.
Pero ang malamang magkikita kami ni Khairo ay nagpakaba ng husto sa'kin. I wonder if he knows me already? Kasi kahit kailan hindi ako nagpakita sa kan'ya, kahit pa nababalitaan kong madalas siyang nakakasalamuha nila Mommy at Kendrick sa mga okasyon lalo na kapag sa business.
YOU ARE READING
Tired Chasing Them ( The Attention Seeker )
Random"Siguro nga tama ka, napakat*nga ko, b0bo, p0kpok, desperada, pero mali bang ipakita ko sa'yo kung gaano kita ka mahal?"-Hell. ----------------------------------------- ------- ************************************** A/N: This story is written in Tag...