HELLIRY'S POINT OF VIEW
"Kumusta ang napag-usapan n'yo?" bungad na tanong ni Sheila ng makalabas ako sa opisina.
Tumaas ang kilay ko sa paraan ng pagtatanong nito. Para bang may ibang kahulugan sa'kin iyon. Ipinilig ko na lamang ang ulo dahil wala naman siyang alam sa nakaraan ko.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.
"Maayos naman," paunang sabi ko. "Sa katunayan may kasunduan na agad kami, tayo ang magiging source nila sa mga materyalis na kakailanganin nila para sa mga products nila."
"Iyon lang?"
"Actually, they also want me to model their products."
"And...?"
"I agreed. You know that modeling is my passion, right?"
"Of course!" Sang-ayon nito.
"Teka nga! Ba't nandito ka sa labas ng office ni mr. Melendez? Diba sabi ko sayo sa baba ka maghintay? Haysst," tanong ko bago nagsimulang maglakad paalis ng office.
"Sorry, hinintay kita do'n, kaso na bo-bored ako doon, at t'yaka—" hindi na nito natapos ang kaniyang sasabihin ng bigla kong putulin ito.
"T'yaka ano?" seryosong tanong ko.
Natakot naman si Sheila do'n. Alam n'ya kasi na kapag nagseryoso na ako ay galit talaga ako sa ginawa n'ya dahil hindi ko nagustuhan ang pagsuway nito.
Tumawa s'ya ng peke. Halatang natakot ko talaga.
"Ah...eh, hehe! Wala na pala, nakalimutan ko na boss!" sagot nalang nito habang naghihintay kami sa pagbukas ng elevator.
Iiling-iling na lang akong napabuntong hininga.
Nang magbukas ang elevator ay agad na napadako ang paningin ko sa isang ginang na may kasama ring ginang. Isang ginang na matagal ko ng hindi nakikita.
Mama...
Kasama nito ang kapatid na tiyahin ko.
"A-Anak," bulalas nito nang dumapo ang tingin niya sa'kin.
Agad na lumapit si Mama papunta sa kinaroroonan ko. Yayakapin na sana ako nito ng dumistansya ako para makailag.
Gulat ang nakarehistro sa mga mukha nila.
"Kilala mo ba itong ginang na ito, Sheila?" Tanong ko gamit ang walang emosyong tono.
THIRD PERSON POV.
Nadurog sa puso ng kan'yang ina matapos marinig ang sinabi ng anak.
"Opo, s'ya po ang magiging manugang ni Mr. Melendez. Si Mrs. Helena Sandoval," sagot naman ni Sheila na labis na nagtataka. "Akala ko po ba kilala mo s'ya, Ms. Ferrer?"
Napahalakhak ito ng nakakainsulto.
"Patawa ka talaga, Sheila. Sa tingin mo magtatanong pa ako sa'yo kung alam ko kung sino s'ya? S'yempre hindi, 'di ba? Tsk," Sabi pa ni Helliry. Bawat salitang ibigkas ay may diin.
Napatulo ang luha ng kaniyang ina, habang ang kaniyang tiyahin naman ay nakikinig lamang sa kanila na tila hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.
"Let's go," sabi ni Helliry sa kay Sheila.
Lalampasan na sana ito nila Hell ng hawakan siya sa braso ng kaniyang ina.
Nababasa na ng luha ang psinge ni Helena dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman.
"E-Elli, anak... k-kausapin mo naman si Mama, hm? M-Mag-usap tayo, p-please?" Humihikbing pakiusap ni Helena sa kaniyang anak, ngunit tinignan lamang siya nito na walang emosyon na mababakas.
YOU ARE READING
Tired Chasing Them ( The Attention Seeker )
De Todo"Siguro nga tama ka, napakat*nga ko, b0bo, p0kpok, desperada, pero mali bang ipakita ko sa'yo kung gaano kita ka mahal?"-Hell. ----------------------------------------- ------- ************************************** A/N: This story is written in Tag...