CHAPTER 9

553 30 2
                                    

A/N: Paalala lang po, gumagamit po ako ng third person pov. May Point of view nga pala dito ang Mama ng Kambal, si Helena.

:)

HELENA'S POINT OF VIEW.

Narito ako ngayon sa kwarto ng anak kong si Elli. Nakaupo sa kama n'ya habang yakap-yakap ang larawan niya. Apat na taong gulang palang siya dito sa larawan. Ang ganda ng ngiti ng aking anak. Namiss ko ng masilayan muli ito.

Nakita ko na s'ya ulit pero 'di ko manlang magawang yakapin. Napakasakit isipin na wala kang karapatan para lapitan at yakapin s'ya.

Bukas ay kaarawan ko na. At ang tanging hinihiling ko lamang sa Diyos na sana makapiling na namin s'ya ulit. Na sana, mapatawad ako ng anak ko dahil naging pabaya ako na ina. Na sana, mapatawad niya ako dahil sa pagiging malupit sa kan'ya.

"Ma, kanina kapa namin hinahanap. Nandito ka na naman pala?" Bungad ni Austin.

Napalingon ako sa gawi n'ya at nakitang kasama niya ang dalawa, si Justin at Maureen. Nandito na ang tatlo kong mga anak.

Wala silang kaalam-alam tungkol sa nangyaring pagmamakaawa ko sa anak kong si Elli. Ang alam lang nila ay nagbalik na ang kanilang kapatid dahil sa nakita namin ito sa airport.

It's sad to say but she walked away when we saw her. I wanted to hugged her that day but my son, Austin, stopped me. Pinigilan niya akong tumakbo sa kapatid n'ya nang makita naming may sumundo sa kan'ya do'n sa airport.

Pero at the same time, masaya ako. Kasi nasa maayos ang kalagayan n'ya sa kabila ng ginawa ko sa kan'ya.

"Ma, we have something to show you! So, please don't be sad. Birthday mo pa naman bukas." sabi ni Maureen sa'kin habang hinahagod ang likod ko.

Tumango naman ang dalawa bilang pagsang-ayon.

Ngumiti ako ng bahagya.

"Where is your sister? Si Heira?" Tanong ko nang mapansin na wala ito.

-

THIRD PERSON POINT OF VIEW.

"Nasa shooting, Ma, pupuntahan natin si Heira, para sabay tayong pupunta sa mall at doon e-enjoy ang ating sarili sa pamimili. Mamayang gabi na pala darating 'yong dress na susuotin mo bukas, Ma. Sa ngayon maglibang ka naman." Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "About sa trabaho natin sa company hayaan mo nalang na assistant na muna natin ang mamahala sa trabaho,"

"Let's go?" Anyaya ni Austin.

Tumango naman silang lahat bilang pagsang-ayon.

"Good morning Ma'am and Sir! Hinahanap n'yo po ba si Ma'am Heira at Sir Khairo?" Salubong ng assistant ni Heira sa kanila.

"Yeah," si Maureen ang sumagot.

"Nasa photo shoot po sila, kasama po ni Ma'am Heira, ang anak ni Mrs. Ferrer sa photo shoot. Hali po kayo, naroon sila."

'Elli, anak...' mahinang sambit ni Helena sa kaniyang isipan matapos marinig ang apilyidong Ferrer.

Naalala kasi niya ang itinawag ng personal assistant ng kaniyang anak na si Elli, no'ng nagkita sila nitong mga nakaraang linggo. At hindi na naman niya mapigilan na hindi makaramdam ng matinding kirot sa kaniyang dibdib, hindi niya aakalaing magagawang palitan ng kaniyang anak na si Elli ang kanilang apelyido.

"Ma, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Maureen sa kan'yang ina ng mapansin ang reaks'yon nito.

Napalingon naman ng dalawa.

"Don't worry, I'm fine. May naalala lang ako. Huwag n'yo n'yo na lang pansinin. Let's just enjoy this day," sagot ni Helena sa kay Maureen.

Nang makapasok sila ay bigla na lang may namuong luha sa gilid ng kanilang mga mata dahil sa kanilang nakita.
  
"Elli..." bulalas ni Justin nang makita nito ang kanilang dalawang bunso na magkasama sa iisang shoot.

Tired Chasing Them ( The Attention Seeker ) Where stories live. Discover now