Chapter Six by: Honey Cathleya

1.8K 42 0
                                    

"Hoy, miss may pinatatamaan ka ba?!" Tanong ng nakataas ang kilay na si Pia.

"Bakit natamaan ka?" balik tanong ng babae.

"Baka gusto mong ilampaso ko yang pagmumukha niyo isabay ko riyan sa dalawang babae na 'yan!"

Nagpanting ang pandinig ni Nikki kaya ito na ang sumagot sa sinabi ni Pia.

"Eh kung ikaw kaya ang ilampaso namin, o kaya'y ishot sa ring ang kapal mo rin eh no!"

"Niks tama na, baka magkagulo." saway ni Samantha sa kaibigan.

Nakakakuha na sila ng attensyon sa ibang nandoon, napatingin sa gawi nila ang dalawang binata.

"Dude mukhang magkakarambulan doon, time out muna tayo." saad ni Luke kay Jerry.

"Sige."

Sumenyas ang dalawa sa referi ng marinig na pumito ay agad silang umakyat sa kinaroroona ng mga babaeng tila nagkakainitan.

"Talagang magkakagulo tayo!" Akmang susunggaban ni Pia si Nikki ngunit may pumigil sa rito.

"Don't dare to touch any of them Pia, Kakalimutan kong babae ka!" mariing sabi ni Luke na hawak ang braso ni nito.

"Sila ang nauna eh!" ani Pia.

"Papaanong kami Aber? Ikaw itong nagsabing ilalampaso mo'ng pagmumukha namin kasama nitong dalawang katabi namin sasabihin mong kaming nauna?!" Sabat ng isa sa dalawang babae.

"Totoo 'yon sinabi lang namin na bagay iyang kasama mo at itong girlfriend niya eh nagalit na." segunda ng isa.

"Sinabi niyong makapal ang make up at mukha ko eh!" Muling saad ni Pia na ikinatawa ng ibang usisera at usisero maging ang dalawang binata.

"Miss we didn't name names huwag kang assumera maliban nalang kung totoo." Patuloy na pang-aasar ng isang babae.

"Magsama-sama kayo!" Galit nitong turan saka na sila iniwan..

"Miss ako nga pala si Geneva ito naman si Clarice." Pagpapakilala ng babae sa sarili at sa kasama nito.

"Ako naman si Samantha she's Nikki, Mark Jeremy and si Luke." Saka isa-isa silang nakipagkamay.

"Nice to meet you guysmauna na kami we're hopping we will be friends," ani Geneva bago sila tuluyang umalis ng kasama nito.

"Kayo bang dalawa ay may balak makipagrambulan?" Tanong ni Luke sa dalawang dalaga.

"Hindi kami makikipagrambulan narinig mo naman siguro 'yong sinabi ni Geneva diba?!" sagot ni Nikki.

"Pinatulan niyo pa, kailan pa kayo natutong makipagaway?!"

"Aba. Mr Luke Martinez kanino kaba kakampi ha?!" Inis na tanong ni Nikki.

"Hindi sa kinakampihan Niks umiwas nalang sana kayo paano kung nagkagulo anong laban niya sa inyo eh apat kayo," Sabat naman ni Jerry..

"Ah gano'nn siya ang kinakampihan niyo fine. Sana hinayaan niyo nalang siyang ilampaso kami!" si Nikki muli.

"No, not that way!"

"Hagilapin niyo nalang 'yong Pia niyo dyan na kayo nasayang lang ang effort naming icheer kayo halika ka na Tammy!" Hinila niya ang kamay ng kaibigan.

Akmang pipigilan ni Jerry si Samantha pero nagsalita ang dalaga.

"Don't touch me. Goodbye!" aniya.

Napakamot sa batok ang dalaw bumalik sila sa paglalaro pero parang nawalan na sila ng gana.
Panalo parin naman ang team nila.

UnbreakalbeTammy & Jerry by: Honey CathleyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon