Nang mabuksan niya ang pinto, ay may kamay na nakalapat sa kanyang dibdib, at kaharap niya ang babaeng gusto niyang makita.
"Sorry kakatukin sana kita, hindi ko naman alam na lalabas ka." ani Nadine
Niluwagan ni tate ang pintuan para papasukin sana ito. Ngunit hindi ito pumasok, magsasalita sana siya, subalit naunahan na siya nito.
"Gusto kitang makausap!" anito. Hindi niya maintindihan pero parang hindi niya ata magugustuhan kung mag dedemand ito sa kanya ng suporta o kung ano pa man na magpapahiwatig na tulad ito nang mga babae na mababaw, na pera lang kailangan sa kanya para maka angat sa buhay.
"Come in, lets talk inside." aniya.
"No, follow me." sambit nito sabay lakad palayo.
Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Napangiti siya, ibang iba ito sa mga babae na nakilala niya. Ang ibang babae, halos tumalon para makapasok, kahit hindi niya iniimbitahan na pumasok. Hindi rin ito yes woman tulad nang iba, na sinusunod ang mga sinasabi niya. Sinundan niya ito nang tingin. Matangkad ito maputi, at maganda. Mas lalo siyang na curious dito. Bigla itong tumigil at hinarap siya.
"Ang bagal mong maglakad, walang prosesyon dito, bilisan mong maglakad." singhal nito sa kanya.
"Akala mo may santa crusan, ang lakas maka pagong, bagal!" bulong nito
Natawa siya sa inasta nito, lalo siyang nagandahan sa dalaga pag lumalaki ang mata nito sa galit. Kakaibang personality ang ipinapakita nito, baka strategy niya ito para ma curious siya lalo sa dalaga. Binilisan na lamang niya ang lakad para maabutan ito. Pumasok na ito sa malapit na restaurant. Naupo na sila sa bakanteng mesa. At umorder ito nang juice siya naman ay beer, subalit hindi ito pumayag.
"Mag uusap tayo hindi ko sinabing maglalasing." sita nito sa kanya, at bumaling ito sa waiter na palitan na lamang nang coffee.
"Hindi ako nalalasing sa isang bote lang Ms. ?" sagot niya dito.
"Nadine, Nadine Gonzaga." pakilala nito sa kanya sabay lahad nang kamay sa kanya.
"Tate Montinola, Please to finally meet you." aniya sabay ngiti dito.
"Wag kang magpa cute walang epek sakin iyan." ani Nadine.
Di niya mapigilang tumawa sa tinuran nito. Tinaasan lamang siya nang kilay ni Nadine.
"Let's talk then?" aniya na pinipilit ang maging seryoso.
"Unang una, Hindi ako masamang babae, at hindi ako lasenga" anito na napayuko.
"Alam ko, my mom will be happy to meet you." sangayon niya sa sinabi nito, hindi niya malaman kung bakit ang gaan nang loob niya habang kausap ito. Napatingin ito sa kanya.
"Bakit nasali sa usapan ang mom mo dito?" tanong nito.
"Because you're having my baby, at bukas natin malalaman na tama nga ako." ani Tate
"W-what? , how?" tanging nasabi ni Nadine. Hindi niya alam mahagilap ang sasabihin mas kina kabahan siya nang sobra sobra ngayon.
"Stupid question, But I will answer you.." hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang bigla na lamang itong nag salita.
''eehh w-why me?'' para iyon sa sarili niya dahil hindi naman ito ang dream niya when the time comes, that she settle down. She want to settle down because two people love, compatible, trust, and respect each other. Bakit parang ang malas malas niya pagdating sa mga fantasy's niya.