Tate held his breath, as he saw a beautiful lady in her red dress at the entrance. Her angelic face was so captivating that he can't stop himself staring at her . Ngayon niya lang nakita ang babae sa bar ng kaibigan niya na pag-aari ni Luke. Agad niyang tinanong ang kaibigan sa tabi niya.
" Do you know that lady in red dress ? " sabay turo sa babae na kakapasok pa lamang. At biglang napatingin ang kaibigan sa kanyang itinuro.
"Nope, but damn dude, she's hot." sambit nito na may paghanga sa nakikita. Tinignan niya nang masama ang kaibigan, tumikhim siya at sabay sabing.
"She's gorgeous." aniya na halos pabulong. At kaagad na tinawag ang waiter at nagbigay ng instructions para sa kanyang in-order na ladies drinks. Agad niyang ibinaling ang atensyon sa kanyang tabi dahil agad siyang tinapik nito pagkaalis ng waiter.
"Teka lang Tate, may kakaiba sayo, may sakit kaba? Are you okay dude?" tanong ni Luke sa kanya.
"Of course, and what made you think I am not? aniya sa kaibigan.
"Naniniguro lang, Eh kasi si Margareth lang ang nakikita mong 'Ms. Gorgeous' eh." sagot ng kaibigan sabay diin sa huling sinabi at nakakalokang ngisi. Masamang tingin ang ipinukol niya sa kaibigan nang marinig ang sinabi nito.
"Damn Tate, kakabahan na ba ako, ipapasara mo na ba ang bar ko?" kinakabahang sambit ni Luke.
"You better shut-up dude, you give me an idea. I might do that." ani Tate sabay tapik sa balikat nito. At agad silang nagtawanan na dalawa. Nagpaalam muna ang kaibigan, may aasikasuhin daw muna ito sa opisina nang lumapit sa kanya ang isang tauhan ni Luke. Naiwan siyang mag-isa sa private lounge na bahagi ng bar. Sinadyang ipatayo ni Luke ang bar na may isang bahagi ng bar na laan lamang para sa kanilang magka-kaibigan. Hindi mapigilan ni Tate na hanapin ang babaeng kanyang pinagmamasdan mula kanina pa sa ibaba.
Biglang nag-init ang likod ni Nadine, kanina pa kasi niya nararamdaman na parang may tumitingin sa kanya mula sa kung saan. Nagpalinga-linga ang dalaga sa palligid, ngunit wala naman siyang makitang tumitingin sa gawi nila. Dahil may kanya kanyang mundo ang mga tao sa paligid niya.
Ipinagsawalang bahala na lamang niya ang naramdamang iyon. Ibinaba pa niya lalo ang laylayan ng kanyang damit, dahil siguro sa kanyang suot lamang iyon na konting galaw niya lang sa kanyang paa ay tumataas na ito at halos malantad na ang kanyang mga hita sa tabas ng kanyang suot na hapit na hapit sa kanyang katawan.
"Okay ka lang Na-na?" biglang tanong ni Lera sa kanya.
"Ha. a.. Oo, okay lang ako." sagot niya sa kaibigan sabay ngiti. Ininum niya nang straight ang nakalagay na inumin sa harap niya, at napangiwi siya sa lasa niyon.
"Na-na wag mung inumin nang straight yan, kaloka ka." ani Pachie sa ginawa niya.
Noon naman may biglang lumapit na waiter sa kanila at may inilpag ito na apat na ladies drink.
"Excuse me? sambit ni Pachie para kunin ang attensyon ng waiter.
"We didn't order that one, maybe the other table does." ani Pache na nakangiti sa waiter, sabay turo sa kasunod nila na lounge. Ngunit iginigiit talaga ng waiter na para sa kanila daw ang mga inumin na iyon at ito ay bayad na. Nagkibit balikat na lamang ang magka kaibigan sa sinabi ng waiter. Pagkatapos nitong ilapag ang mga inumin ay nagpasalamat na lamang sila sa waiter.
"Aba galante?" biglang sambit ni Shie.
"Oo nga, ang pinakamahal na Ladies drink pa huh." sang ayun naman ni Pachie.
