Chapter 5
Maagang umalis si Tate sa kanyang condo, dahil narin sa natanggap na tawag galing sa kanyang ina. Mamaya pagbalik niya kakausapin niya agad ang babaeng natutulog sa kanyang kama. May kung ano sa loob niya ang nagsasabi na hindi ito masamang babae, pero kailangan niya ring maka siguro, na hindi siya gagamitin nito para maka- angat sa buhay.
Mamaya niya malalaman kung kilala siya ng babae at hihingan siya nito ng pera, kaya nagmamadali siyang pumunta sa kanyang ina habang natutulog pa ito. Di bale, babalik naman siya kaagad pagnakausap na niya ang kanyang ina na may importanteng sasabihin na hindi niya malaman kung bakit ayaw pa nitong sabihin sa kanya sa telepono.
"Ma, you have to listen to me?" Ani ni Tate sa inang si Tatianna. Nais nitong makipag blind date siya sa anak umano nang kakilala nito. Dahil gusto nang ina na lumagay na siya sa gulo. Kung siya ang tatanungin hindi pa siya nag sasawa sa buhay single. Kung pwede nga lang na hindi na siya mag aasawa pero, mag- aanak na lamang siya para walang makakakontrol sa kanya at meron pa siyang tagapagmana. Kasi tulad nang mga kaibigan niya na hindi na niya halos makasama sa Night out nila dahil takot ang mga ito sa misis nila. Kesyo hindi nakapagpaalam, hindi pwede kasi walang kasama si misis sa bahay, etc. Napaka komplikadong buhay. Narinig niyang nagsalita ang kanyang ina, at agad siyang napatingin sa ina.
"Hijo, why not try it?" Just give it a try." anang kanyang ina. Bumuka ang bibig niya bilang protesta subalit wala man lang lumabas na salita.
"Afterall your not young at all, you needed an heir, a wife. Son this will be the last that i'm goin to fix you on a blind date." giit pa nito. He drive all his way to see her mom for this important matter just to say this. Napabuntong hininga na lamang siya sa sinabi nang kanyang ina. He loved his mom so much. She's the only one he got. His Dad died on a car accident when he's 12 years old.
"Okay, i'll go with you. Just call me when or where will it be?" Aniya sa ina sabay halik sa pisngi nito. At agad na siyang nagpaalam sa ina.
"Ayaw mo na bang mag almusal muna?" biglang sambit nang kanyang ina na sumusunod sa kanyang likuran habang tinatalunton niya ang pintuan.
"Ma, hindi na po, sa office na ako kakain at may meeting pa ako mamaya. Baka maipit ako dahil sa traffic." paliwanag niya sa ina, bago pa siya nito pilitin na kumain muna. Nakokonsensya man sa kanyang idinahilan ay hindi na muna niya ito iisipin. Iisa lang nasa isipan niya ngayon, ang makabaling sa condo niya agad. At agad niyang binalingan ang ina niya at inakap muna ito bago siya pumasok sa sasakyan niya.
"Tatawagan na lamang kita anak, at utang na loob,siputin mo ang kadate mo huh? buksan mo ang puso mo anak, tama na ang paglalaro" pahabol na sambit pa nang kanyang ina.
"Yes ma." pasang ayon ni Tate sa sinabi nang ina para hindi na humaba pa ang usapan nila, tiyak sesermonan na naman siya nito. At igini-giit ang mga happily ever after na nababasa nito sa libro, at agad na niyang pinaandar ang kanyang sasakyan.
Agad niyang narating ang kanyang condo. Nagmamadali niyang hinarang ang papasara na elivator, nang marating na niya ang pinto nang kanyang unit, agad siyang nagtaka nang pagpihit niya sa siradura ay hindi na ito naka lock. At sa kanyang dismaya, wala na doon ang dalaga sa kanyang kama.
Nang hihinayang siya dahil hindi man lang niya nalaman ang pangalan nang dalaga, ang phone number nito, at kung saan ito nakatira, saan niya kaya ito makikita? He had just spent the night with a total stranger, and had the best time ever. At tiyak na mahihirapan na siyang hanapin ito.
Hindi niya alam kung ilang minuto siyang naka tayo lang at tulala, at nang biglang tumunog ang kanyang alarm clock. Doon pa siya natauhan at kumilos na para maghanda sa kanyang pagpasok sa trabaho.