Habang nagmamaneho si Tate, marami siyang naiisip na hindi maganda. Hindi niya pa pinaalam sa ina na mayroon na siyang nabuntis. Baka sakaling hindi niya magawa nang maayos ang problema at mangialam pa ang kanyang ina. Naputol ang kanyang pag iisip nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Agad niyang nabosesan si Nathan sa kabilang linya.
"I already bought the place in there, it's a great deal Tate, the former owner was there waiting for you. It's a great place man." anito.
"Thanks Nate. Give me the exact address, I'll use GPRS to reach there." Aniya
"Anong thanks! May bayad 'yan. Kala mo huh? Wala nang libre ngayon." Pabiro niyang sambit sa kaibigan.
"Ako parin ang boss mo, and you have to follow my order, either its personal or business. Kaya bayad ka parin." kunwa'y galit na sagot niya rito.
"Alam mo, madali lang naman akung kausap, tiyak malaking scoop ito pag isiwalat ko ang mga lihim mo." Anito na tumaya nang malakas.
Nagtawanan silang dalawa, masaya siya at ang kaibigan niyang si Nathan ang naging secretary niya. Kasi madali niya itong makasundo, wala pang gulo, mula nang maeskandalo siya dahil sa dati niyang sekretarya na babae, hindi na siya kumuha nang babae pa. Pinilit niya pa si Nathan na magtrabaho sa kanya, pumayag naman ito nang sinabi niyang doblehin niya ang sahod nito sa kompanyang papasukan sana nito sa Singapore.
"Tate I'll text you the address okay? Alam mo ba na ang mahal nang nabili kung property, para lang sa escapade mong ito. Why don't you marry her?" suhestyon ni Nathan sabay buntong hininga.
"Mas worth it naman ang kapalit. I need an heir, that's matter most. And I don't have to marry her just to get my child." Ani Tate na di alintana kung magkano ang gagastusin niya makuha lang ang anak.
"Whatever Tate, well you're my friend, I'll support you man, but I tell you already the best thing to do about this, so it's your choice now." ani Nathan sa kaibigan.
"And where are you right now?" tanong ulit ni Nathan sa kanya.
"Malapit na ako sa Ilocos, send me the address, at baka lumagpas na pala ako." Ani Tate na tinitignan ang nadaraanang windmill. Itinabi niya ang kotse at agad na bumaba, napaka gandang tanawin at mabangong simoy nang hangin. Habang nagmumuni muni si Tate, ay bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone, agad niyang natunton ang kanyang bahay na ipinabili kay Nathan, malapit nap ala siya sa bahay niya. At tuluyan na niyang tinungo ang kanyang bahay, sa pamamagitan ng GPRS.
Nang marating na niya ang mismong bahay, ay nagustuhan niya ang lugar, dahil bukod sa malinis ito, maganda ang pagkakagawa nang bahay, at maganda rin ang landscape. At natitiyak niyang hindi nga sayang ang kanyang pagbili sa property na ito, mayroon din itong swimming pool at ang pinaka importante sa lahat malaking garage.
"Hindi na masama." Aniya at nilingon ang dating may'ari nang bahay.
"Hope you like this place, and this is all the house keys, Thank you so much Mr. Montinolla." Pasasalamat ng ginang at agad na itong nagpaalam.
"You're welcome, and thanks also for selling this house to me Mrs. Luna." Aniya na nakipagkamayan pa sa ginang.
"Thank's to you, Good Bye Mrs. Luna, Have a good day!" Anito at tuluyan nang umalis lulan ang sasakyan nito.
Nang makaalis na ang ginang, ay pumasok na siya sa kabahayan at dumeretso na siya sa kitchen para makahagilap nang tubig na maiinom, Subalit hindi niya mabuksan ang pintuan nang kitchen.
