Chapter 12

287 9 4
                                        

Nadine felt something strange.

She hurriedly go to the restroom, and stay there for as long as it's needed. She saw her face in the mirror on the right side.

"Teka, akala ko tiyan lang ang lumalaki, bakit parang ang likod ko lumalapad na?" tanong niya sa sarili. Narinig niyang may kumatok sa kuarto niya. Agad siyang lumabas.


 "Ate Nadine?" tawag ni Icang sa kanya. Agad siyang ngumiti nang makita niya si Rica na tumatakbo papunta sa kanya.


"Rica, kumusta kana? Namiss ko ang kadaldalan mo." anas ni Nadine at sabay akap din dito.


"Okay na okay po ako ate Nadine, madaldal parin." Sagot naman ni Rica nang maghiwalay sila.


"Ate alam mo? Habang lumilipas ang panahon paganda ka nang paganda." Puri ni Rica sa kanya.


"At ikaw naman mambobola?" Aniya rito, habang tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa.


"At paganda nang paganda ang madaldal kong Icang." Aniya rito.


"Talaga? Naku maliit na bagay." anito na humagikgik.


"Oo nga, kaya wag ka munang magpaligaw huh? Teka, kasama mo ba si Lola kuring? Kamusta na siya?" tanong niya kay Rica.


"Okay lang naman si Lola ate, pero hindi ko siya kasamang pumunta dito eh, kasi maraming tao sa resto ngayon." Ani Rica.


"Mag-isa ka lang na pumarito?" may pag aalalang tanong niya rito.


"Naku ate hindi may kasama ako, at mayroon din akung dalang Manga." Ani Icang.


"Mabuti kong ganun kasi gabi na." aniya na napanatag sa narinig.


"Kasi gusto 'raw ni Lola Katarina nang manga eh, kaya hinatid ko agad dito." Anito


"Eh pasensya ka na Icang huh? Napasugod ka tuloy dito nang wala sa oras. Kasi bigla akung nangasim eh." Hinging paumanhin niya sa dalaga.


"Hala, kayo po ang naghahanap nang manga ate? Hindi sa pagiging tsismosa,pero parang ganun na'rin, Kasi nangasim ka kamo? Eh buntis po ba kayo ate Nadine?" di mapigilang tanong ni Icang sa kanya na ang lapad nang ngiti.

Ngumiti siya nang matamis dito, magsasalita n asana siya.


Naputol ang kanilang paguusap nang biglang kumatok ang kanyang Lola Katarina at tuluyan na pumasok.

 "Icang pwede ba tayong magusap sandali?" bungad nito sa kanila pagkapasok nito.


"Opo lola Rina, sige po." sagot naman nito. Sabay baling sa kanya.


"Ate Nadine maiwan muna kita, pahinga ka na po ah?" anito sa kanya sabay hagikgik.


"A Night with the Stranger"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon