Chapter 2

523 14 2
                                    

He snapped . it's Edward on the other line, his bestfriend.

" What are you saying dude ? " ani Tate 

" Dude nag hiwalay naba kayo ni Margareth ? I saw her at  the coffee shop  this afternoon she's with someone " ani Ed

" Maybe it's not Marg dude. Nag lunch panga kami kanina eh " ani niya

" It's really her Tate, I even greeted her " anito

Napakurap siya sa kanyang narinig. 

" Wait dude I'll call you back " After saying that, he ended the call and immediately called Margareth. After 5 rings, she pick up.

"Hello? Sino to?" Sabi ng lalaking nasa kabilang linyaNagulat siya, dahil boses ng isang lalaki ang sumagot sa tawag niya. 

Nang akmang tatanungin niya kung sino ang nasa kabilang linya, ay narining niyang sumigaw si Margareth.

"Hey lover boy, what took you so long in there, come here? Join me in the shower." ani Margareth sa malambing na boses.

Hindi na niya kinailangan pang malaman kung sino pa ang sumagot sa tawag niya, at kung bakit kasama nito ang Girlfriend niya. Dahil malinaw pa sa tubig na niloloko na siya ni Margareth. Agad na niyang pinutol ang tawag. He composed a message for her Cheating Girlfriend saying they're over.

It's almost 9 o'clock in the evening, Habang papalabas na siya ng kanyang opisina at dumeritso na siya sa kanyang sasakyang Lamborghini Veneno. Habang nasa daan, hindi niya alam kung saan siya patungo, ang tanging alam niya lumampas na siya sa Speed Limit. He's upset, He can't believe Marg played under his nose. He made up his mind that he needed to chill out. He immediately turned his car and go to nearest bar.

"Nadine?, bilisan mo naman diyan?" sigaw ng kaibigan niyang si Pachie sa labas ng kuwarto niya. Nagulat na lamang siya ng biglang dumating ang kaibigan niya sa apartment niya kanina. At inaaya siya nitong samahan muna niya itong gumimik.

"Sandali lang, naghahanap pa ako nang masusuot eh, hindi mo  naman kasi ako sinabihan ng mas maaga na para nakapili na ako kanina." Litanya ni Nadine

"Na-na marami ka naman sigurong mapagpipilian diyan, at isa pa sulitin natin ang one month leave mo." Anito

" Oo na. Pach, pero hindi naman ako lumalabas para gumimik, kaya hindi ko alam kung anong isusuot ko." sagot niya sabay lingon sa kaibigan niyang nasa hamba ng pintuan.

"Tulungan na kita maghanap, okay? leave it to me Na-na." Anito na kumindat pa sa kanya habang papalapit sa kanya. Pagkatapos nang halos kalahating oras ay nakapili na ito ng masusuot niya.

"Grabe ka Na-na, nahirapan akung maghanap ng masusuot mo, ang hahaba naman ng mga dress na nandito." reklamo ng kaibigan niya.

"Eh hindi naman kasi yan kinapos sa tela Pach, para ano't bumili ako ng pagkamahal mahal na damit, eh kapos naman sa tela. Diba?" aniya sa kaibigan na nakatayo sa harap niya. Pinandilatan lamang siya ni Pachie, at may ibinigay itong damit sa kanya.

"Ang sabihin mo manang ka manamit. Wear this I'll take no for an answer, i'll wait outside. Okay?" Ani Pachie at tuluyan na itong lumabas ng kuwarto niya.

Napapailing na lamang siya sa sinabi nang kaibigan. Habang pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin. Hindi niya halos makilala ang sarili niya. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita, She wore a red lace short dress, hapit na hapit ito sa kanyang katawan, nag apply lamang siya ng manipis na make-up, at hinayaan niyang ilugay niya ang kanyang mahabang buhok. Bibihira lang kasing nakalugay ang kanyang mahabang buhok, dahil sa kanyang trabaho. Isa siyang International Flight Attendant, kilangan nakapusod palagi ang kanyang buhok. Kinuha na niya ang kanyang clutch bag at tuluyan ng lumabas ng kuwarto.

"Gosh Na-na!" tili ng kaibigan niya.

"Bakit? Sinabi ko naman kasi sayo eh, hindi bagay sakin ang mga ganitong damit." agap niya sa sasabihin nang kaibigan.

"Of course not! you're so gorgeous. Luka ka talaga." Eksaheradang sambit nang kaibigan. Nagkibit balikat na lamang siya at hinatak pababa ang kanyang damit. Lampas ng limang pulgada mula tuhod niya ang kanyang damit. Hindi na siya nagreklamo pa sa kaibigan.

Lulan na sila nang sasakyan ni Pachie, at pinaki-usapan siya nang kaibigan na tawagan niya umano sila Lera at Shiela na dalawang pa nilang kaibigan. They were close buddies, mula pagkabata hanggang sa nagdalaga sila halos hindi sila napagghihiwalay na magkakaibigan. Simula nung magkolehiyo na silang apat doon na lamang sila nahiwalay sa isa't-isa. Si Lera ay gustong maging Fashion Designer, Si Shiela ay Psychiatry, at si Pachie naman ay Business Course ang kinuhang kurso. Siya lang ang naging flight attendant sa kanilang apat, at masaya siya sa narating niya. They are all professional by now. 

"Hello? Lera? Ba't ang ingay?" aniya sa kaibigang si Lera mula sa kabilang linya.

"Na-na..." tili nito "Ikaw talaga palabiro ka, lukaret to. Teka saan na ba kayo?, andito na kami ni Shie." tukoy nito sa isa pa nilang kaibigan

"Malapit na kami Besh!" excited na sabad ni Pachie sa kaibigan na nasa kabilang linya. Agad na itong nawala sa kabilang linya. Nagtawanan na lamang sila ni Pachie.

Nang makarating na sila sa kanilang tagpuan, Agad silang sinalubong ng dalawang kaibigan, na inabangan pa pala sila sa labas.

"Besh....." Halos panabay nilang apat na sambit at agad na nagyakapan at nagtatalon sa tuwa na parang nanalo sa isang patimpalak.

"Besh.. Na miss ka namin!" Biglang sambit ni Shie pagkatapos nilang magyakapan.

"Oo nga!" segunda naman nang dalawa pa niyang kaibigan.

"Ano bang meron sa ere huh? at nawiwili ka na yata dun." tanong sa kanya ni Lera.

"Alam niyo namang kilangan akong nandoon, eh trabaho ko yun besh." aniya sa mga kaibigan at sabay yakap sa mga ito. "Kaya nga babawi ako sa inyo sa loob ng isang buwan. I promise mga beshy."  aniya sa mga kaibigan niya.

"Sinabi mo yan huh? Let's go inside girl's!" Pasigaw na sambit ni Pachie.

"Teka Teka... Ano ang rules?" awat sa kanilang tatlo ni Lera

"NO TAKE OUT BECAUSE WERE NOT DRIVE THRU!!" Sigaw nilang lahat at nagtatawanan.

Habang papasok na sila sa loob ng Bar, marami nang mga taong nandoon, may mga nagsasayawan na sa dance floor, naghanap sila nang bakanteng couch na mauupuan. At nang tuluyan na silang makahanap ng puwesto ay saka pa lamang tumawag ng waiter si Pachie at para makapag-order na sila ng maiinom.

#Ms. S

"A Night with the Stranger"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon