"Nadine you look so fantastic, I can't wait to see your baby bump." anang kanyang Lola Katarina.
"Good evening po pala, uhhmm.." sambit ni Tate subalit naiilang parin siyang tawagin ang mga in laws niya ng grandma, and grandpa.
"Lolo at Lola, Tate." dugtong naman ni lolo Benidecto.
"Wag ka ngang mahiya sa amin Tate, parte kana nang pamilya. Ano pa ba ang ikahihiya mo." anang Lola Katarina niya, sabay akay kay Tate papasok sa mansyon.
Biglang sumimangot si Nadine, iniwan kasi siya ni Tate. Si Lola Katarina, kinalimutan akong akayin.
"Eh anong gusto mo? He swept you off your feet? Feel na feel! Wag masyadong feeler Nadine." suway niya sa kanyang isipan.
"Nadine?" pukaw nang kanyang lolo Benedict niya.
"Yes, Lo?" bigla niyang sagot sa kanyang lolo.
"Are you okay?" tanong nang kanyang lolo Ben.
"Yes lo, I am. Let's go?" suhestyon niya.
"Ako na po, lolo." biglang sambit ni Tate.
"Mabuti pa nga, oh siya, pumasok na tayo." anas nito.
"Bakit parang nagulat ka ata?" baling ni Tate sa kanya.
"No, I'm not, can we go inside now?" mungkahi niya sa asawa.
Inakay na siya ni Tate papasok nang kabahayan.
Habang nasa hapag na sila at masayang naghahapunan
"Tate bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" tanong ni Lola Rina.
"Masaya na po akung makitang kumakain si Nadine, Lola." ani Tate, at muntikan nang mabilaukan si Nadine sa narinig.
"Alam mo iho, ganyan na ganyan din ako ning araw, habang naglilihi itong si Rina, aba hindi na ako makakain, kasi giliw na giliw akung panuorin siya." mahabang kwento ni Lolo Ben.
"Talaga po lo?" tanong ni Tate.
"Alam mo ba kung bakit hindi ako makakain?" ani lolo Ben.
"Bakit po Lolo?" tanong ni Tate.
"Kasi hindi ako binibigyan nang Lola Rina mo, inubos niya lahat." ani Lolo Ben at nagtawanan silang lahat.
"Kasi buntis ako noon Benidecto, dalawa kami nang anak mo ang kumakain." katuwiran ni Lola Rina.
Nagtawanan ulit sila.
Nang biglang nagtanong si Lolo Ben."Why don't you two go abroad?" ani Lolo Ben.
"Yes, for an honeymoon?" sang ayon naman ni Lola Rina.
"Lola, Lolo, we don't need honeymoon anymore." ani Nadine.
"Don't be silly wife, of course we need more time to get to know each other well." sagot naman ni Tate sa sinabi niya.
"But we had a lifetime to get to know each other well." anas naman ni Nadine.
"Yes, I agree, you had a life time to be together." sang ayon naman ni Lolo Ben.
Subalit hindi man lamang nagsalita si Tate ni kahit na pag sang ayon sa sinabi nang Lolo niya.
Biglang bumigat ang pakiramdam ni Nadine. Hindi niya maintindihan kung bakit.
"Lola Rina, the best po ang pagkain na niluto mo." ani Tate.
"Naku binola mo pa ako iho, kumain ka
pa kung gusto mo." ani Lola Rina."Talagang the best magluto itong Lola mo Tate, kaya nga hindi ko na pinakawalan pa." Ipinag mamalaking sambit ni Lolo Ben.