Chapter 4

404 14 2
                                    

Hindi niya alam kung saan niya ihahatid ang babae. Nakita niya ang clutch bag nang dalaga, agad niyang binuksan iyon. Hindi naman siguro ito magagalit kung saka sakali. Agad niyang inihinto ang kanyang kotse sa tabi.

"Pambihira!" agad niyang nasambit. Wala man lang siyang nakitang ID's at kahit na Business card. Nakapatay din ang cellphone nito. Not even a cheap ID.

"Kung nagkataon pala na iba ang nakapulot sayo eh baka lulutang kana bukas sa ilog." agad niyang dugtong sa sinabi. Hindi niya pwedeng dalhin ang dalaga sa hotel at iwanan nalang ito. Baka kung anong mangyaring hindi maganda. Kargo de konsensya pa niya iyon. Tinignan uli niya ang natutulog na babae.

Agad niyang tinalunton ang daan papunta sa kanyang condo. Hindi naman na siguro ito magagalit, bukas nalang siya mag explain sa dalaga. Hindi na niya pahihirapan ang sarili niya, he got too much shit for this day, He needed a cold shower.

Nang marating na nila ang kanyang Condo sa Mandaluyong ay agad na niyang binuhat ang dalaga papunta sa kanyang condo, wala siyang ibang choice kundi ang buhatin na lamang ito. Hindi na niya kilangan pang takpan ang mukha nila dahil wala na gaanong tao sa lobby.

Parang wala siyang binubuhat, ang gaan lang kasi ng dalaga sa tantiya niya mga nasa singkwenta lamang ang bigat nito.

Pagkapasok niya sa loob agad niyang inilapag ang dalaga sa kama, at hinubad niya ang sapatos nito. Tinitigan niya ang mukha nito, payapang payapa ang mukha nito, mas lalo itong gumaganda habang natutulog. Parang napaka gulible nito, nais niya itong protektahan sa lahat nang nais manakit dito. Agad siyang umiling, lasing na siguro siya, he needed a shower.

Naalimpungutan si Nadine sa lagaslas nang tubig, kahit na medyo inaantok siya ay bumangon parin sa kama, at naghubad nang damit at pumasok sa banyo. Kilangan niyang mag shower bago matulog, baka bangungutin siya mahirap na. Walang ano-ano ay ipihit na niya ang seradura nang banyo. Kahit na nakapikit ay tinungo na niya ang shower na nakabukas.

Hindi napansin ni Tate na naka pasok na pala ang dalaga sa banyo dahil nakatalikod siya sa pinto, nang may narinig siyang parang may umungol sa likod niya agad siyang lumingon. Hindi siya makaimik sa kanyang kinatatayuan para siyang nakakita nang engkanto, wala itong suot na saplot, baka lasing lang siya, agad niyang hinawakan ang nakikita at baka mag laho lamang ito ng bigla, dahil isa lamang iyong imahinasyon dulot nang kanyang ininom kanina. Ngunit nang hawakan na niya ito ay lumingon ito sa gawi niya.

Napakislot si Nadine ng may kung anong dumampi sa balikat niya, alam niyang umiikot ang paligid niya. Matatakutin siya sa mga multo, alam niya hindi pa siya naka kakita ng multo sa tanang buhay niya kaya ganun nalang ang kaba niya sa nangyayari ngayon.

Pagkalingon niya agad niyang nakita ang matangkad na lalaki na walang saplot, sa tantiya niya ay nasa anim na pulgada ang tangkad nito. Hindi niya masyadong naaninag ang pagmumukha ng nasa harap niya dahil sa liwanag ng ilaw na nagmumula sa banyo at siya ay naka tingala lamang dito,  sa taas niyang ito ay nagmumukha siyang unano sa kaharap na estranghero.

Hindi siya nakapagsalita nang biglang hawakan ng estranghero ang kanyang pisngi. Ngunit dahil dala narin sa kalasingan niya inakala niyang imahinasyon lamang niya ito at parte na ng kanyang panaginip. Ipinikit niya ang kanyang mga mata.

Bigla niyang narinig na nagsalita ang estranghero. Doon na siya kinabahan, at agad na napadilat. Hindi nga lang ito isang imahinasyon o isang panaginip, totoo ito, at bakit ito napunta sa kuwarto niya maraming katanungan na hindi niya naisatinig habang pilit na inaaninag ang mukha ng kaharap.

"Can I, kiss you?"  ana ni Tate, bigla siyang kinabahan sa maaring maging sagot ng dalaga sa tanong niya. Kaya bago pa ito makatutol  ay agad na niya itong hinalikan sa labi. He tried to make a better access, habang tinatanya niya ang magiging reaksyon ng dalaga sa kanyang ginawa.

"A Night with the Stranger"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon