Agad na nag empake si Nadine, ngunit konti lamang ang dala niyang kagamitan, uuwi siya sa bahay nang kanyang mga grandparents. Kailangan niyang magpakalayo layo muna, hindi niya maatim na pagbibintangan siyang mukhang pera. Masakit isipin na ang nang bebentang sa kanya ay ang ama nang kanyang magiging anak. Pagkatapos niya mailagay ang kanyang mga kakailanganing damit ay agad na siyang lumabas at para maaga siyang makarating sa Ilocos.
Okay lang naman siguro na magmaneho siya, mag iingat na lamang siya sa pagmamaneho. Dumaan muna si Nadine sa isang convenience store para makabili nang kakailanganin niya sa beyahe. Agad niyang tinawagan ang kanyang mga kaibigan at sinabing sa Ilocos muna siya at kailangan niyang magrelax muna doon. Hindi na niya ipinaalam ang tunay na dahilan nang kanyang pag alis, ngunit hindi naman siya kinulit nang mga ito, at ngayong araw na ito ay babalik na rin ang mga ito nang Manila.
Walang naabutan si Tate sa bahay ni Nadine dahil kakaalis lamang daw nito sabi nang kapitbahay nito na napagtanungan niya.
"Alam niyo po ba kung saan ang punta niya?" tanong ni Tate sa matandang kapitbahay ni Nadine.
"Ah naku hijo hindi ko alam kung saan, ang tanging alam ko lamang ay nagmamadali na siyang umalis, parang mugto ang mga mata nang batang iyon." Anang matanda na nakikisimpatya sa dalaga. Hindi niya alam ang nararamdaman pero bigla na lamang bumigat ang kanyang dibdib sa nalaman.
"Sige po, salamat ho?" ani Tate at tuluyan nang nilisan ang bahay nang dalaga. Nang makarating sa kanyang sasakyan ay agad niyang tinawagan ang kanyang kaibigang si Nathan.
"Nate, I need your help?" aniya nang sinagot nito ang tawag niya.
"Are you kidding me?, You ask for my help huh?" pang aalaska nito sa kanya.
"I'm serious Nathan, I want you to monitor a flight of a certain person right now." Pahayag niya dito.
"Whoa, What? I am your secretary, I am not someone you can command to do this and that, specially outside the company if it's not about business, You barely know that man." seryosong pahayag ni Nathan sa kabilang linya. Napa buntung hininga siya. Hindi siya agad naka sagot sa sinabi nito, At muli itong nagsalita sa kabilang linya.
"Kidding aside Tate, what about it, is everything okay?" may halong pag aalalang tanong nito.
"Not really man, I made a wrong decision today." Tanging nasabi niya sa kaibigan, if he really want someone to talk too, Nathan is the best listener.
"Tate is this about business? This is the first time you fail if it's business. What's wrong then?" tanong nito sa kanya.
"No man, this is not about business, I met a girl two months ago, and we met again in Palawan." Pahayag niya.
"So do you think it's destiny? Nababaliw ka na Tate! Peperahan ka lang nang mga babaeng yan." singit ni Luke sa usapan nila ni Nathan.
"Shut up Luke, and why you're with Nathan?" tanong niya dito.
"Hinahanap ka, ako ang ginugulo nang ex-girlfriend mong si Margareth, hindi ko naman aakalain na naghahanap ka pala nang criminal." Walang tigil na sa sabi nito.
"She's not a criminal, and she's pregnant with my child." Sinabi niya ang totoo sa mga kaibigan.
"W-what.?" Sabay na tanong ni Nathan at Luke.
"Yes, you guy's heard me right. And I don't care anymore about Margareth. I need to find her, we argued this morning, and now she's nowhere to find." Aniya.
"Hindi mo pa kilala kung sino siya, at paano mo nasasabi na ikaw nga ang ama Tate?" tanong ni Luke
"Hindi siya masamang babae, andito ako sa harap nang bahay niya, at lalong hindi pera ko ang kailangan niya." Sagot niya sa tanong nito.
