Makaraan ang halos kalahating oras nang pagmamaneho ay agad na siyang nakarating sa bahay nang kanyang mga grandparents.Sa labas pa lamang ay tanaw na niya ang maaliwalas na malaking bahay. Dahil nasa balkonahe ang mga ito at masayang nag uusap.
Agad naman siyang pinag buksan nang guardya, at binate siya nito, bago tuluyan na pumasok. Nang makita na siya nang kanyang lolo at lola, ay tumayo ito sa kina uupuan at sinilip siya sa ibaba.
"Apo, sinong kasama mo?" agad na tanong nang kanyang lolo nang makalabas siya nang kanyang kotse. Agad naman siyang tumingala sa kanyang Lolo at lola na nasa terresa.
"Ako lang po, my dearest Lolo Benidecto and lola Katarina." Masaya niya sambit.
"Wag na po kayong bumaba rito okay? Ako na lang po ang aakyat." Ani Nadine at agad na binuksan ang compartment nang kanyang kotse para kunin ang kanyang maliit na dalang bag at mabilis na pumasok sa kabahayan at tinungo ang terresa kung saan naroon ang kanyang grandparents.
Nang tuluyan na siyang maka akyat ay niyakap siya nang kanyang Lola, agad naman siyang nagmano sa mga ito.
"Apo, Miss na miss kana naming. Pero bakit ikaw lang mag isa na bumiyahe, sana nagpasabi ka. Para naman eh naipag luto kita nang paborito mo. Sinama mo sana ang mga kaibigan mo hija?" Anang kanyang Lola Rina.
"Oo nga naman apo, para hindi ka naman nag iisa na pumarito." Anang kanyang Lolo Ben. Ngunit hindi niya alam ang isasagot sa mga ito. Hindi niya mapigilan ang mapaluha.
"Eh hindi ko po kasi alam ang gagawin Lola, Lolo." Hindi niya mapigilang mapa yuko at mapahagulhol nang iyak habang nag sasalita. Agad naman siyang inalalayan nang kanyang Lola Rina para maka upo siya at agad itong nagsalin nang tubig para ipainom sa kanya.
"Apo, bakit? Anong problema?" tanong nang kanyang lolo. Ipinag tapat niya ang kanyang kalagayan at kung ano ang tunay na dahilan kung bakit bigla na lamang siyang nakarating sa Ilocos nang wala sa oras.
"Apo, wag mong masyadong dibdibin ang mga bagay bagay." Tanging nasabi nang kanyang lolo.
"Oo nga apo, alam mo nariyan na iyan, at iyan ay isang napaka gandang regalo na bigay sa iyo." Anas naman nang kanyang Lola.
"Hindi mo dapat iniiyakan ang mga bagay na iyan, dapat ay magsaya tayo dahil may bago na naman tayong myembro sa pamilya." Masayang sambit nang kanyang Lolo Ben.
"Nasabi mo na ba ito sa Mom and Dad mo hija?" tanong nang kanyang Lolo. Bigla siyang napatuwid sa tanong nang kanyang Lolo.
"Don't worry hija, you're on the right age to get pregnant. You're capable and you are stable enough in life and were here to support you. And am sure your parents well be happy if you tell them now Nadine." Sambit nang kanyang lolo.
"Were always on your side apo, and congratulations to you darling." Anang kanyang lola Rina sabay yakap sa kanya at kinalaunan ay yumakap na rin ang kanyang lolo Ben sa kanya. At hindi niya mapigilan ang ngumiti, nagpapasalamat siya at naintindihan siya nang kanyang mga grandparents.
"Apo nakakaramdam ka na ba nang morning sickness?" tanong naman ng kanyang Lola Rina.
"Hindi pa naman po Lola, pero may mga pagkain lang na masama sa pang amoy ko kaya nasusuka po ako kapag ka ganun." Sagot niya sa kanyang lola Rina.
"Normal lang naman iyan apo, pero nagpa check up ka na ba? May mga vitamins kang kailangang e mentina apo." Anang kanyang Lola Rina .
"Meron naman na po akung vitamins na iniinom Lola Rina." Sagot ni Nadine dito.
"Mainam kung ganun Hija." Anito
"Oh well why don't you phoned your parents right now apo?" Suhestyon nang kanyang Lolo Ben.