Chapter 6: Sally's Confession

122 22 0
                                    

Hendry's POV
Ilang linggo ang lumipas, tila wala kaming mahanap na mali sa ginagalaw ni Maam Demandrada. Nais naming pasukin ang loob ng School Staffs and Headmaster's Building dahil siguradong marami kaming makikita doon ngunit napakahigpit ng security. Tinangka naming magkunwaring may hahanapin sa loob ngunit ipinagbabawal ang pagpasok ng students maliban na lamang kung binigyan ng Teacher's Permit ang student.

Natapos ang klase at tulad ng dati ay nagliwaliw muna kami ni Ranriko sa buong academy bago pumasok sa dorm. Napadaan din kami malapit sa bench kung saan namin laging nakikitang nakatambay si Sally. Itinago namin ang aming presensiya upang gulatin si Sally. Gumamit kami ng Invisibility Magic upang maisagawa ito. Pumunta kami ni Ranriko sa tabi ng bench at nagulat kami sa nakita. Nakita naming umiiyak si Sally, mukhang hindi ito ang tamang oras para manggulat. Lumayo kami saglit kay Sally.

"Alam kong andiyan kayo. Ang pangit niyo naman magtago. Hindi mo ba alam Ranriko na may kakayahan akong mag-detect ng Life Force?".

Napatigil kami sa kinatatayuan at tinanggal ang mahika. "Pasensiya na, hindi namin sinasadyang mang-abala," si Ranriko.

Umupo kami sa tabi ni Sally upang damayan siya.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak," naitanong ko habang iniiwas ang tingin sa kanya.
"May gusto ka bang ibahagi? Makikinig kami," sabi ni Ranriko.

Pinunasan ni Sally ang mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata. "Matagal ko na itong kinikimkim. Sa totoo lang, hindi ko na kaya ito. Kaya dito ako pumupunta dahil wala masyadong estudyante ang napaparaan rito."

"Ituloy mo lang," sabi ko. Humarap ako sa kanya upang makinig nang maayos.
"Ganito kasi, pumasok rin ang nakakatanda kong kapatid dito, siya ay ang ate ko. Mga limang taong gulang siguro ako noon. Wala pa akong masyadong alam sa lahat ng bagay. Si ate ang laging nagtuturo sa akin tuwing nakakabisita siya sa aming tahanan. Buwan-buwan niya kami binibisita, sapat na siguro iyon dahil paliwanag niya ay pumapasok siya sa academy na ito. Ngunit isang araw, hindi na siya nakadalaw pa. Hanggang sa ngayon ay hindi na namin siyang nakitang muli. Kaya gustong-gusto kong tuklasin ang katotohanan, gusto kong malaman ang totoong nangyari. Kailangan ko siyang mahanap. Kailangan kong malaman kung ligtas ba siya o wala na." Napahagulgol sa iyak si Sally at hindi na naituloy pa ang kwento.

"Huwag kang mag-alala Sally. Tutulungan ka namin. Diba Hendry?" Tinapik niya si Sally sa likod upang pagaanin ang loob.

Nalaman ko na rin ang katotohanan kung bakit naririto lagi si Sally. "Oo naman, matalik tayong magkakaibigan e. Siyempre, walang iwanan at laging magtutulungan," ako.
"Ngunit wala na tayong maisip na plano sapagkat napakagaling na magpanggap ng mga tao rito," si Sally.
"Oo nga pala, siguro balang araw. Kapag nagkaroon tayo ng pagkakataon. Sa ngayon, kailangan nating mag-ingat sapagkat napag-alaman nating hindi pala ligtas kahit sa loob ng academy," ako.
"Magkakaroon ng Retreat bukas. Siguro ay maganda ito upang makapagpahinga ka muna mula sa school works," sabi ni Ranriko.

Magkakaroon nga pala ng Retreat bukas base sa iniulat ni sir Finn, PE teacher namin. Siguro ay maganda na rin ito kay Sally upang makapagpahinga nang maayos. Magkakaroon kami ng isang linggo upang makapag-retreat. Bukas ay dadaan muna kami sa town upang makapamili ng dadalhin namin sa Retreat, paraan na rin ito upang mabisita ko si Lola Dahlia.

Hindi rin nagtagal ay bumalik na rin kami sa kaniya-kaniyang dorm. Bago matulog ay nag-aral muna ako ng mahika dahil baka may makatulong sa paghahanap namin ng katotohanan sa paaralang ito. May narinig akong kakaiba ngunit paglingon ko ay si Ranriko lang pala na humihilik. Inilista ko muna ang mga mahika na napag-aralan ko. Anim na mahika lamang ang nailista ko, maganda na rin siguro na huwag ng padamihin ang mahikang alam ko dahil mas mahihirapan akong mamili kapag may na-engkwentro na labanan. Sigudo ay hanggang sampu lamang na mahika ang kaya kong tandaan at ipasok sa Skill Set sa aking sarili. Ito ay Elements Control, Space Control, Invisiblity, Healing, Monster Summoner, at Barrier. Ang lagi kong pinag-aaralan na mahika ay Monster Summoner. Sa ngayon, hindi ko pa kayang kontrolin kung anong monster ang isu-summon ko. Hindi ko na rin ito nasasanay sa academy na ito dahil sa tingin ko ay ipinagbabawal ito. Ngunit sa pagkakatanda ko noon, mga werewolves, goblins, at serpents pa lamang ang kaya kong palabasin. Nakokontrol ko naman ang mga halimaw na ito kaya hindi ako masyadong nahirapan rito. Ngunit pag-aaralan ko pa rin ito dahil baka sakaling may mai-summon akong interesado.

In Another Life As A GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon