Chapter 34: Plan For Celebration

53 12 0
                                    

Zachson's POV
Hindi naman siguro masama kung bibisita ako kay Ranriko. Kakausapin ko lamang naman siya.

"Oh Zachson? Saan ka pupunta?" si ama.
"Sa labas lamang ama."
"Siguraduhin mo lamang na hindi sa Ranriko na iyan. Wala na siyang silbi ngayon at huwag ka ng magkakaroon pa ng koneksiyon sa kaniya."
"Masusunod ama."

Agad akong lumabas. Hindi ko sinabi sa ama na tutungo ako kay Ranriko dahil alam kong magagalit siya. Hindi ko naman din maipagtanggol siya sa ama dahil ako ay mali at siya ang tama. Buong buhay ko ay itinuring kong tama lahat ng sinasabi niya. Ayokong labagin iyon ngunit hindi naman niya ito malalaman.

Pagkarating ko sa bahay niya ay bukas ito. Nagtangka akong pumasok. Sinilip ko ang bawat silid ngunit wala na siya.

"Sabi ko na nga ba, pupunta na iyon kila Hendry."

Uuwi na lamang siguro ako. Wala rin naman akong napala. Sa paglalakad ko ay may nakita akong babaeng naka-itim na nagmamasid. Nakabalot sa kaniya ang itim na balabal ngunit nakalantad naman ang mahahaba niyang buhok.

Nang lapitan ko siya ay bigla siyang nagulat.

"Sino ka?" tanong ko sa kaniya.
"Wala ka na doon."

Pagharap niya ay lumantad sa akin ang magandang mukha. Hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya dahil sa balabal ngunit nasisiguro kong maganda siya.

Nagsimula siyang tumakbo palayo.
"Teka?"

Hindi na niya ako narinig. Agad siyang nawala sa paningin ko. Hindi ko alam na may ganoon palang kaganda na babae sa Town na ito. Oo, aaminin kong maraming maganda ngunit kakaiba siya. Sana makita ko siya muli

Pagkauwi ko sa bahay ay hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Nakaukit pa rin sa aking isipan ang kalahati niyang mukha. Ang mga mata niya ay nakakabighani.

"Anak, may ipag-uutos ako sayo."

Agad akong napatayo sa sofa.
"Ano iyon ama?"
"Nais kong makipagkita ka sa kaibigan ko. May ipapakilala siya sayo na magiging asawa mo. Huwag mo akong bibiguin."

Isang arranged marriage. Madali lang naman siguro ito kaya agad na akong sumunod. Kakauwi ko lang ngunit aalis na agad ako.

Nagbihis muna ako ng napakaganda upang maging presentable. Sumakay na ako sa sasakyan na ipinahanda ni ama. Dadalhin na ako nito sa mismong lugar.

Lumipas ang ilang oras...

Nasa isang Kingdom na kami. Hindi ko alam na dito pala kami pupunta, akala ko ay sa Salphire Town lamang.

Pumasok kami sa isang napakalaking gate ng isang kaharian.

"Narito na po tayo sa Seraphim Kingdom," sabi ng driver ko.

Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Lumabas na rin ang isang lalaki na nasa edad rin ni ama.
"Nariyan na pala ang anak ni Petrono. Pasok ka iho."
"Magandang araw po sa inyo."
"Ako nga pala ang hari sa kingdom na ito. Nagkaroon kami ng kasunduan ng iyong ama na ikaw ang magiging kabiyak ng anak ko. Natutuwa akong tinanggap mo ang alok."

Alam kong para mas lumakas pa ang koneksiyon ni ama kaya pinagawa niya ito sa akin. Ngunit alam kong ikakatuwa niya ito kaya susundin ko na lamang siya.
"Masaya po akong makilala kayo, mahal na hari."

Saka ako lumuhod sa harap niya. Napatawa siya ng mahina.
"Salamat, magalang ka din pala. Masaya akong ikaw ang mapapangasawa ng anak ko."

Sinamahan niya ako patungo sa malaking sala. Napakalaki ng palasyo at napakaganda. Maya maya ay may nakita ako na babae sa pangalawang palapag ng palasyo. Bumaba siya sa hagdan. May suot siyang mahaba at magandang damit. Maganda naman siya ngunit hindi ko pa rin maalis ang itsura ng babae kanina.

In Another Life As A GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon