Chapter 43: New God

125 14 0
                                    

Sally's POV
Ilang buwan na rin ang lumipas, wala pa rin si Hendry. Wala na akong balita sa kaniya. Lalo na sa mga tao sa Town. Maayos naman ang buhay ko rito. Biglang may nagbukas na portal sa harap ko. Lumabas roon ang isang taong pamilyar sa akin.

"Sheila?"
"Ikaw ba si ate Sally?"

Niyakap ko na lang siya. Sunod na lumabas ay si Hendry. Doon na nagsarado ang itim na portal.
"Hendry? Bakit mo dinala rito ang kapatid ko? Magulo na ang mundong ito. Ayokong madamay pa siya."

"Ako talaga ang pumilit sa kaniya ate. Masaya na ako ngayong makita ka. Hindi ko na kayang mabuhay sa mundong iyon. Ayos lang kahit kung mas mahirap pa sa mundong ito basta magkasama tayo."

Hendry's POV
Hindi ko na gustong abalahin pa ang reunion ng dalawa kaya lumabas ako. Lumabas na ako ng
silid at nagtungo sa labas ng palasyo.
"Naririto ka na pala, bagong Demon King."

Nasa tabi ko na siya. Si tito Diablo pala.
"Mukhang may masamang nangyayari ngayon sa Town."

"Tama ka Hendry. Kailangan mo na ngayon magpatupad ng kaayusan ng mundong ito. Ikaw lamang ang may kakayahan na gawin ito."

Gumawa na ako ng portal papunta ng Town. "Sandali, sasama ako," si Sally.

"Ayos lang ako rito ate. Sana magtagumpay kayo sa laban," si Shiela.

Bumagsak na rin ang Ghoul sa harap namin. Pumunta si Sally sa ghoul.
"Handa na ako. Sumapi ka na sakin," sabi ni Sally sa Ghoul.

Inabsorb ng katawan ni Sally ang ghoul. Lumabas na ang pito niyang Itsuken. Nagbago na ang wangis niya. Nagkaroon siya ng pulang mga mata. Gumawa na ako ng portal at lahat kami ay nagtungo rito.

Shira's POV
Nakita ko rin si Zachson sa grupo ni Sam. Kung ganoon ay hindi na pala siya kabilang sa alagad ni Markus. Mukhang hindi na pala siya kalaban. Agad akong nagtungo sa kaniya. Mukhang napansin niya ako kaya tinakpan niya ang mukha gamit ang balabal.

"Nakita na kita Zachson."
"Ang totoo talaga ay hindi ako kabilang sa alagad ni Markus."

Tinakpan ko na lamang ang bibig niya.
"Patawad dahil hindi ko inalam ang totoo, mahal rin kita Markus. Salamat dahil hindi ka na kalaban ng panginoon."

Binatukan ko siya.
"Para saan iyon?" nakangiwi niyang sabi.

"Para iyon sa paghamon mo noon ng away sa panginoon at pagsugod noon sa Town."
"Paano mo nalaman na hinamon ko noon ng away si Hendry."
"Dahil kay Ranriko. Ikinwento niya lahat ng katarantaduhan mo noon. Pero ang mahalaga ay
nagbago ka ngayon."

Binigyan ko siya ng halik sa noo. Nang makita ko ang reaksiyon niya ay tila nanghinayang siya.
"Huwag kang feeling na hahalikan kita sa labi. Hindi pa tayo kasal no."

Ngumiti na lamang siya. Nagsimula ng pumasok ang iba patungo sa isang malaking tarangkahan na lumitaw sa harap namin. Pumasok na kaming lahat roon. Simula na ito ngayon ng huling labanan.

Hans' POV
Lumitaw ang Beast Demon Lord. Mukhang siya muna ang una naming kakalabanin.
"Kami na ang bahala rito. Mauna na kayo Sam," ako.

"Huwag kayong magpakampante na matatalo ninyo agad ako," ang Demon Lord Senon.

Pinalibutan namin siya. Nauna na si Deidara. Kaming mga elves na ang kakalaban sa kaniya.
"Bakit? Porket marami kayo ay kaya niyo na ako?"

Sabay sabay kaming nagbigkas ng spell. Isang malaking kabaong ang bumagsak sa harap ni Senon. Gumamit rin kami ng Binding Magic upang hindi siya makagalaw.
"Anong nangyayari? Bakit hindi ako makakilos."

"Farewell, Senon," si Shira.

Pinapasok namin ang Demon Lord sa loob. Sinarado namin ang kabaong. May lumabas na bilog na liwanag mula rito, ito na siguro ang kaluluwa niya. Agad pinuntahan ito ni ama at saka winasak gamit ang espada. Siguradong burado na ang kaniyang existence sa mundo.

In Another Life As A GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon