Chapter 29: Church Arc (Part 2)

44 16 0
                                    

Nakahanda na ang mga sundalo ng Milear Town. Ang mga Summon ay may nakatalaga na ring gawain, kailangan nilang magpanggap na bibisita lamang sa Town. Kaya sa loob ng Town pinapunta ang mga Summon kasi kailangan nila maglagay ng Anti-magic barrier sa loob. At ang mga priest naman ay maglalagay rin ng Anti-magic barrier sa labas.

Ranriko's POV
"Hindi pwede ganito na lamang ako. Kailangan ay may gawin ako."

Ilang linggo na rin ako na nasa ganitong posisyon. Magtatangka na akong pumunta kila Hendry. Walang mangyayari kung ganito na lamang ako.

Kaya kahit pilit akong hinihila ng higaan pabalik ay pilit ko itong nilalabanan. Nag-ayos ako ng sarili at naghanda na sa pagpunta sa kanilang Town.

Habang nasa daan ay nag-iisip na agad ako ng maaaring sabihin. Sana talaga ay mapatawad nila ako.

Ilang oras ay nakarating na rin ako. Madali akong nakapasok dahil ang Town na ito ay para sa lahat. Welcome dito kahit ang mga tao. Maunlad at maganda na kasi ang Town nila Hendry. Kompleto na rin sa mga pasilidad kaya mas sumikat ito. Narito na lahat ng kailangan mo, wala ka ng hahanapin pa.

Carlo's POV
"A-ano!? Mas maganda pa ang Town na ito kaysa sa Milear Town!"
"Oo nga Carlo. Sana kapag natapos itong misyon ay tayo na ang maghari rito."
"Ang kailangan lang naman nating gawin ay gumawa ng barrier at gulo diba?"
"Oo Sandra."

Sampu kaming Summon ang siyang ipinadala sa Town na ito. Naghiwalay kami ng landas upang mas mabilis ang paglalagay namin ng barrier.

"Kadiri! Puro halimaw! Hindi ba nandidiri ang mga taong bumibisita rito?" maktol si Alice.
"Oo nga. Dalian natin para matapos na ang barrier."

Pumunta kami sa mga lugar na bihirang daanan upang hindi kami mapansin. Mukhang nagtatagumpay naman dahil walang nakakapansin sa amin. Gumuhit kami ng Barrier Summoner sa lupa.

Hanggang sa umilaw ang mga Barrier Summoner at lumikha ng barrier sa buong Town.

Hans' POV
Tahimik akong nagsasanay hanggang sa matumba ako sa lupa.

"Anong nangyayari? Bakit tila nanghihina ako."

Sinuyod ko ang buong Town upang hanapin ang may gawa nito. Napansin kong may barrier sa Town. Hindi ito basta-basta isang barrier lamang. Isa itong Anti-magic barrier. Bawat minuto ay tila nawawala ang lakas sa katawan ko.

Hanggang sa nakita ko na rin ang salarin.
"Anong ginagawa niyo?"
"Upang salakayin kayo," nakangisi nitong sabi.

Bigla siyang sumugod sa akin. Alam kong bilin ng panginoon ay huwag kaming makikipaglaban sa tao kaya dinepensahan ko na lamang ang aking sarili.

Tatlo sila laban sa akin. Kaya ko silang sabayan sa laban ngunit mas maraming atake ang nagagawa nila sa akin.

Ilang sandali ay tila mas lalo akong nanghina.
"May isa pang barrier?"
"Tama ka. At ito na ang katapusan ninyo."

Mabuti na lamang at dumating na rin ang mga Attack, Defense, Information, Healing, at Builder Unit upang tumulong.

Ranriko's POV
Napansin kong tila may barrier ang Town. Baka si Hendry ang may gawa nito. Madali naman akong nakapasok sa loob.

Hanggang sa gumuhit sa aking mukha ang pagkagimbal. Ilang mga hobgoblin ang nakahandusay sa lupa. Napansin kong may mga sundalo. Isa-isa nilang pinapaslang ang mga kaawa-awang nilalang.

Agad kong tinungo ang bahay ni Hendry. At doon ko na nga naabutan sa sala ang nanghihinang si Lola Dahlia.

"Lola Dahlia? Ano pong nangyayari?"
"H-hendry? Ikaw ba yan?"
"Lola, si Ranriko po ito."

In Another Life As A GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon