Chapter 30: Church Arc (Part 3)

42 14 0
                                    

"Apo? Salamat at ligtas ka," si Lola Dahlia.
"Lola? Bakit po kayo lumabas?"
"Nag-aalala ako sayo apo. Patawad, wala akong nagawa. Wala akong silbi."
"Lola, huwag po ninyong sabihin iyan."

Humarap si Hendry sa kaniyang lola at marahan itong hinalikan sa noo. Dahan-dahang tumulo ang luha sa mga mata ni Lola Dahlia.

"Apo, hindi mo naman kailangang gawin iyan."
"Pasensiya na lola, nakapagdesisyon na po ako. Ipaghihiganti ko po sila."

Marahang inalis ni Hendry ang mga kamay ni Lola Dahlia na nakayakap sa kaniya.

"Sumunod kayo sa akin sa Town Hall. Pag-uusapan natin kung paano tayo aatake."

Nanguna si Hendry sa paglalakad. Wala na siyang emosyon ngayon. Tila naging blangko na ang kaniyang mukha.

Sally's POV
Pagkaalis ni Hendry ay agad na napaupo si Lola Dahlia sa lupa. Agad ko siyang inalalayan.
"Ayos ka lamang po ba lola?"
"Kasalanan ko ito. Kailangan ay may gawin rin ako. Hindi ko hahayaan na maging ganito ang apo ko habang buhay."
"Maupo muna kayo Lola. Susunod lang ako kila Hendry."

Sumenyas ako sa mga Healing Units. Pagkalapit nila ay inatasan ko silang bantayan si Lola Dahlia. Matanda na si lola at mukhang delikado ang kalagayan niya.

Nakaupo na kami sa mahabang mesa ng office ni Hendry.
"You don't need to hold back anymore. Binibigyan ko kayo ng kautusan na lumaban."

Nakita kong tila seryoso na rin ang iba. Ngunit tila may alinlangan sa mata ni Hans.

"May sasabihin ka ba Hans?" si Hendry.
"Magbabago na po ba ang tingin ninyo sa mga tao?"
"Bakit mo natanong?"
"Kasi, ayaw ko pong kami ang maging dahilan upang masira ang relasyon ninyo sa kanila. Tulad po ng relasyon ninyo sa tao ninyong kaibigan. Kasalanan ko po talaga ang lahat. Hindi ko minabuti na walang makakapasok na masama ang pakay sa Town na ito."
"Mas kasalanan ko po panginoon. Hindi po naging tama ang pagbabantay naming mga guard sa gate," si Harima.
"Teka, hindi tayo narito upang magparamihan ng masisisi. Alam ko naman na hindi lahat ng tao ay masama. Mayroon talagang may bahid lang ng kasakiman. Nais ko lamang turuan ng leksiyon ang mga taong ito."

Nakita kong muling bumalik ang sigla sa mukha nila. Ngayon ay nasisiguro nilang hindi na masisira ang relasyon ng kanilang panginoon sa mga tao. Kahit ako, ano mang galit ko sa tao ay hindi ko naman pwedeng lahatin dahil may iba ring mabuti ang kalooban tulad ni Ranriko, Lola Dahlia, at ni ate.

"Maaari na ba tayong bumalik sa ating plano?"
"Opo panginoon," tugon nila.

Mga dalawang araw bago makarating sa Milear Town. Mayroon itong kalayuan mula sa aming Town. Ngunit bago ka makakarating sa Milear Town ay ang Hendry Lockwood Federation muna ang madadaanan mo. Alam ko rin na ang Town na ito ay siyang capital city ng mga priest. Kaya siguro sumalakay sila sa Town na ito. Tama, ito ang dahilan.

Hendry's POV
Ipinadala ko muna si Vinz para mag-espiya. Mabilis siyang naglaho sa harap ko. At natuwa ako dahil mabilis rin siyang nakabalik.
"100,000 na sundalo ang siyang nagpapahinga sa isang open field. Mukhang dito muna sila namamalagi bago bumalik sa kanilang Town."

"100,000 na sundalo? Ganoon na ba talaga tayo kalakas para magpadala sila ng ganito kadaming sundalo?" si Sally.

Maging ako ay nagulat rin. Napakarami nito para lamang sa isang Town na kanilang sasalakayin.

"At may nalaman akong impormasyon panginoon. May mga kasama silang 10 na Summon. Mukhang ang mga ito ang gumawa ng Anti-magic barrier sa loob ng Town. May nakita rin akong mga Priest. At sila ang hinihinala kong gumawa ng Anti-magic barrier sa labas ng Town."

Dalawang Anti-magic barrier. Naiintindihan ko na, ito ang nagpahina kila Hans. Magbabayad sila sa ginawa nila.

Nagtalaga ako ng mga kakalaban sa mga Summon at Priest.

In Another Life As A GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon