Chapter 25: You Never Know

53 16 0
                                    

Ranriko's POV
Wala dapat akong sayanging oras, kailangan kong mahanap si Sally. Wala akong pakialam kung anong nilalang pa siya. Isa siya sa mga matalik kong kaibigan at ayoko siyang mawala.

"Patawad Zachson, ngunit mahalaga rin si Sally sa akin."

Pumasok ako sa tahanan ni Sally. Wala rito ang kaniyang tiya, nasa ibang Town pa siguro ito. Hinanap ko siya sa sala ngunit wala siya. Naghanap rin ako sa bawat silid ngunit wala siya.

Isa na lang ang silid na hindi ko nabubuksan, ang kuwarto ni Sally. Agad ko itong binuksan at nagbakasakaling narito pa siya.

"Alam ko na ngang dito ka mahahanap e," si Zachson.
"Pero kailangan ko talaga siyang hanapin."

"Ang tigas talaga ng ulo mo Ranriko. Pero kung gusto mo talaga siyang hanapin ay sasamahan kita." Tumayo ito sa kama ni Sally, kung saan siya nakaupo kanina.

"Talaga? Ngunit wala akong ideya kung saan siya maaaring magtungo."
"Huwag kang mag-alala, kaya kong gumamit ng Psychic Magic. Gagamitin ko lamang ang Foresight ko upang malaman ang nangyari kanina."

Lumitaw ang tuwa sa aking mukha. Hindi ko inaasahang tutulong si Zachson. Alam kong siya ang dahilan ng pagkawala ko kanina ng malay pero naiintindihan ko naman siya.

Zachson's POV
Mukhang matigas talaga ang ulo nito kaya sasakyan ko na lang siya. Tsaka gusto ko rin naman malaman kung saan nagtungo ang Ghoul.

Naupo ako saglit muli sa kama upang simulan ang paggamit ng Foresight. Pumikit ako at agad na lumabas sa harap ko ang nangyari kanina.

Mukhang may tumubong galamay sa likod niya at agad na tumalon sa bintana. Tila nagbago ang kaniyang wangis. May binibigkas rin siyang panginoon.

Sunod itong nagtatalon nang mataas sa gubat gamit ang mga galamay. Maya maya ay may namataan siyang isang Town at doon na nawala ang vision.

Iminulat ko ang aking mga mata at ibabalita na kay Ranriko ang mga nakita ko sa aking vision.

"Tila nagtungo si Sally sa isang Town na nasa gitna ng kagubatan. Hindi ko na nalaman kung anong Town ito dahil tila may humarang sa magic ko."
"Tara na. Ituro mo na lang ang daan at agad rin natin siyang mahahanap," si Ranriko.

Pumunta siya sa likuran ko at agad akong itinulak palabas. Nagsimula na kaming maglakbay gamit ang aking sasakyan. Ako na lamang ang nag-drive ng sasakyan dahil mga palpak naman ang mga tauhan ko. Baka magkaroon na naman ng problema kapag isinama ko sila.

Mabuti na lamang at malinaw pa rin sa aking isip ang vision kanina. Ilang oras rin kaming nagdrive sa loob ng gubat hanggang sa marating namin ang huling nangyari sa aking vision. Nasa harap kami ngayon ng isang Town. Tila wala namang barrier rito. Kakaiba ang Town na ito kumpara sa Salphire Town.

"Teka? Alam ko ang Town na ito ah." Agad siyang lumabas ng sasakyan at tumakbo patungo sa Town.

Napalabas na rin ako ng kotse habang sinusundan si Ranriko.
"Hoy anong ibig mong sabihin? Hindi ba delikado rito kasi narito ang Ghoul?" sabi ko habang patuloy na hinahabol siya.

"Harima! Kamusta kayo!" Masayang bati nito sa goblin na namataan niya.
"Hindi kita maintindihan Ranriko, anong sinasabi mo?" Nagtataka pa rin ako sa mga pinagsasabi niya.

Ilang sandali ay narating na rin namin ang gate ng Town.
"Napabisita po kayo sa Town? Hinahanap niyo po ba si panginoong Hendry?"
"Oo e. Nakita kasi ng kaibigan ko na dito pumunta ang babaeng kaibigan namin."

"Panginoong Hendry? Anong sinasabi nila? Tsaka anong Town ito, bakit tila mas maunlad pa ito kaysa sa Salphire Town?"

"Ah si Sally po ba. Bumisita nga po siya rito. Tuloy po kayo sa loob." Pinagbuksan niya kami ng gate at sinamahan kami sa pagpasok.

In Another Life As A GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon