Chapter 37: Demon King Successor

47 12 0
                                    

Kinabukasan...

Nagising si Hendry dahil sa liwanag na nanggagaling sa salamin ng kaniyang bintana. Bumangon siya at nagtungo sa kusina. Uminom siya ng tubig.

Wala ngayon si Deidara sa katawan niya. Gumawa na muli siya ng panibagong clone para kay Deidara.

Paglabas niya ng bahay ay napansin niya ang kakaibang ikinikilos ng limang elves at ng limang hobgoblin na sina Yuri, Victos, Anda, Bando, at Jano.

"Anong nangyayari? Bakit kayo nakatayo sa harap ng bahay ko?"

Hendry's POV
Sa tingin ko ay may gusto silang sabihin.
"Hindi ko alam panginoon. May tila nangyayari sa katawan namin na hindi namin maintindihan," si Hans.

Binuksan ko ang screen na agad lumitaw sa harap ko. Ngayon ko na lamang ito ginamit muli.
"Anong nangyayari Chie?"

"Handa na po sila sa Evolution panginoon."
"Anong Evolution?"
"Evolution to become a Demon Lord."
"D-demon Lord?"
"Dahilan po ito ng evolution ninyo sa pagiging Ultimate Dragon Demon Lord. Naging dahilan ito upang maimpluwensiyahan rin ang evolution ng isa sa mga magagaling ninyong mandirigma."

Kung ganoon, mas magiging malakas ang mga ito. Tatanungin ko muna sila kung nais nila. Alam kong magbabago ang kanilang race kapag nangyari ito.
"Nalaman ko na maaari na kayong mag-evolve sa pagiging sa Demon Lord."

"T-talaga panginoon?" si Yuri.
"Oo, ngunit bago ko ito isasagawa ay tatanungin ko muna kayo kung nais ninyo na mangyari ito."
"Nais namin. Mas maganda ito dahil mas makakatulong kami sa inyo," si Hans.
"Kung ganoon ay sisimulan ko na."

"Ngayon na, Chie."
"Evolution for the certain subordinates of Master Hendry now begins," si Chie.

Tila nanghina sila. Natural lang daw ito sabi ni Chie. Naranasan ko na rin ito kaya alam ko ang pakiramdam. Nagtataka ako dahil tila hindi na nila kailangan pumatay ng 100,000 na tao, pumatay ng Demon Lord, at kumuha ng Halea.

"Ito ay dahil may kakayahan na kayo magbigay ng evolution para sa inyong subordinate. Katumbas na ng kapangyarihan ninyo ang kapangyarihan ng isang God," si Chie.

Umalis na silang sampu sa harap ko at nagsi-uwian na sila. Mga ilang oras rin ay magiging isa na silang Demon Lord. Kikilalanin kaya ito ng mga original Demon Lords?

Isang napakalakas na enerhiya ang naramdaman kong patungo sa kinaroroonan ko ngayon. Isa itong enerhiya ng isang Demon Lord. Siguro ay walang masamang mangyayari kapag hinayaan ko siyang magtungo rito. Namataan ko sa ere ang Demon Lord Diablo.

Pagbagsak nito ay agad akong binati.
"Kamusta pamangkin ko," sabi nito.

"Pamangkin?"
"Oo, kapatid ako ng iyong ama. Kasama ako sa natangay noon ngunit nagkahiwalay kami ng landas ng kapatid ko."
"Ngunit bakit ngayon niyo lamang sinabi?"
"Wala lang, nais ko lang. Ano ka ba HAHAHAHA. Halika nga rito."

Bigla siyang nakarating sa harap ko at binigyan ako ng mahigpit na yakap.
"Ikinalulungkot ko ang pagkamatay ng ama mo."

Kung ganoon ay tito ko siya at magkadugo kami. May hinala na ako noong una kaming magkita. May pagkakahawig sila ni ama ngunit hindi ko ito pinansin noon.

Humiwalay siya sa akin at saka siya humarap.
"Ngayon ay maghanda ka sa maaaring mangyari. Alam kong lumakas ka na at malalampasan mo ito."

"Anong ibig niyo pong sabihin?"
"Basta malalaman mo ito kapag nakarating tayo sa Demon Lord Cube."

Alam ko na ang nais niyang iparating. Gusto niyang sundan ko siya patungo sa Demon Lord Cube. Tumalikod siya sa akin at akmang tatalon. Nasa ere na siya ngayon at nagsiliparan ang mga buhangin dahil sa impact ng pagtalon niya.

In Another Life As A GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon