Chapter 36: Unang Araw

266 17 0
                                    

Season 2

Chapter 36

Sky POV

Maaga akong nagising, agad akong naghanda. Ngayong araw ay pupunta kami ni Zandro sa bayan para ulit sa isang date. Ito ang unang araw ng isang linggo na hiningi ko kay Dritan. Binuo ko ang aking loob sa bagay na ito.

'Binuo ko nga ba?'

'Ayoko, ngunit kailangan!'

Halos kalahating oras din akong nag-gayak ng aking sarili. Syempre gusto ko rin namang magmukhang presentable sa harap ni Zandro. Minsan nahihirapan akong sumabay sa kagwapuhan n'ya, kasi kahit anong isuot n'yang damit ay talagang effortless ang kagwapuhan n'ya. Siguro kahit basahan na ang suot n'ya ay gwapo pa rin s'ya.

Paglabas ko sa kwarto ay nakita ko si Zandro na nakasandal sa pader, nakahalukipkip ito at halatang kanina pa akong hinihintay. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya. Hindi ko maaaring iparamdam sa kan'ya na ako ay may problema.

"Kanina ka pa bang naghihintay?"tanong ko dito.

"Hindi, ah wala pa akong isang oras na naghihintay dito sa labas."Kaswal na sagot nito.

"Tara na?"aya ko.

Tahimik lang ginawa naming paglalakad palabas ng palasyo. Lumilipad ang aking isip sa maraming bagay. Sa totoo lamang ay mas matimbang sa akin si Zandro pero ayoko namang maging makasarili. Buhay na ngnakakarami ang nakataya dito.

Nasa ganoon akong tahimik na pag-iisip ng biglang magsalita si Zandro.

"Hoy, ang tahimik mo naman yata ngayon?"pang-uusisa nito.

Muntik ko ng makalimutan na kasama ko nga pala s'ya.

"Ah, sorry may sinasabi ka ba?"paglilinaw ko.

"Wala naman, napansin ko lang na parang ang tahimik mo. May problema ba?"tanong niya.

Nabigla naman ako sa tanong niya.

'Sasabihin ko na ba?'

"Wala naman, may mga bagay lang talaga na tumatakbo sa isipan ko,"simpleng sagot ko.

"Gaya ng?"pangungulit nito sa akin.

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Marami, ang mga tao sa bayan—ang hinaharap,"sagot ko sa kan'ya.

"Ano ka ba, kaya nga tayo pupunta sa bayan para mag-relax tapos ikaw naman kung ano-anong tumakbo sa isip mo!"reklamo niya.

Napatungo na lang ako sa narinig ko.

"Hindi ko maiwasang isipin, sorry,"sagot ko.

Hinawakan nito ang kamay ko at nakangiting humarap sa akin.

"Alam kong hindi mo maiwasang kabahan para sa seguridad ng ating mundo, pero sana kapag kasama mo ako ay ako na lang ang isipin mo."Wika nito.

Napa angat naman ang aking ulo at deretsong napatingin dito. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti sa sinabi nito. Ang aking puso ay tumitibok ng mabilis dahil sa sinabi nito. Nagwawala ang aking sistema sa simpleng salita na binitawan n'ya.

"Sira!"sagot ko dito.

Natawa naman ito sa aking sagot.

Napakagwapo n'ya talaga kapag tumatawa, hindi ko maiwasang hindi humanga sa taglay niyang kagwapuhan. Masaya akong ako ang dahilan ng kan'yang pagngiti.

"Gwapong-gwapo ka na naman sa akin no?"biro nito matapos mapansin na nakatitig ako sa kanyang mukha,

"Hahaha, ulol. Mas gwapo ako sayo no sabi nong mga taong bayan sa Luana,"pagsakay ko sa kan'yang kalokohan.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon