Chapter 29: Dugong Buwan

847 45 0
                                    

Season 2

Chapter 29

Sky POV

Ang mga kalahok ng laban sa arena ay dinala ng mga kawal sa kani-kanilang mga silid. Mamaya ay sisikat na ang dugong buwan sa Thalia hudyat ito na natapos na ang kapistahan ng mga Dragon. Maghihintay na ulit sila ng panibagong apat na taon bago maganap ulit ang pista ng Dragon.

Nakaupo ako ngayon sa isang bench sa garden, tahimik ko lamang pinagmamasdan ang mga batang dragon na masayang lumilipad sa kalangitan. Napangiti ako, napakapayapa nilang panoorin. Napakasaya nila, ang kanilang kasiyahan ay napaka puro. Sana ay manatili na kamang na ganito dito sa Azura.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng may maramdaman akong tao sa aking likuran dahilan para mapatingin ako. Si Zandro pala, nakangiti ito sa akin habang may dalang basket. Umupo ito sa aking tabi at inabot sa akin ang basket.

"Salamat,"wika ko at tinanggap ang basket.

"Para saan daw ito?"tanong ko sa kan'ya.

"Pinabibigay iyan ni Ama, pasasalamat sa paggamot mo sa mga kalahok ng laro kanina,"nakangiting sagot nito sa akin.

"Sira, sabihin mo sa Hari ay hindi na sana siya nag-abala pa. Nakakahiya tuloy,"wika ko sa kan'ya.

Hindi ko maiwasang mahawa sa kan'yang pag ngiti. Namalayan ko na lamang na nakangiti na rin ako. Napaka-gwapo niya talaga kapag tumatawa, at hindi rin nakakasawang tignan ang kanyang mukha. Medyo naninibago pa rin ako sa kan'yang hitsura, ang kan'yang buhok ay medyo maikli na kumpara sa dati.

"Bat wala ka doon sa piging?"tanong nito sa akin. Ngayon kasi ay may ginaganap na namang piging sa loob ng palasyo.

"Hindi ako mahilig sa ganoong pagdiriwang, at isa pa ay hindi ako sanay makihalubilo sa ibang tao. Mukhang nahalata mo naman yun kahapon,"sagot ko dito sabay baling ng aking atensyon sa mga batang dragon na lumilipad sa kalangitan.

"Parehas pala tayo no? Hindi rin ako mahilig sa mga ganoong bagay. At isa pa ay lagi lamang akong kinukulit ng mga babaeng Kyogre at laging hinaharot,"maktol nito.

Natawa naman ako sa sinabi niya at mahinang iniling ang aking ulo.

"Legit?"natatawang tanong ko sa kan'ya.

"Oo naiinis nga ako, ang kukulit nila sa totoo lang. Kagabi noong matapos kitang isayaw ay hindi magkamayaw ang mga babaeng Kyogre sa pag-aagawan sa akin, nais din nilang isayaw ko sila,"irita nitong wika dahilan para mas lalo lamang akong matawa.

"Baka naman gusto ka lang nila kaya ka hinaharot?"natatawang tanong ko sa kanya.

"Ewan ko sa kanila, basta wala akong pake sa kanila. Sa isang tao lang ako may paki-alam,"wika niya na parang bata.

Pabiro ko naman itong tinaasan ng kilay at tinanong,"Eh sino naman ba ang maswerteng taong yun?"natatawang tanong ko dito.

"Ikaw,"sagot nito sabay tingin sa malayo.

Natahimik naman ako sa sinabi n'ya. Tila ba tumigil sa pag-ikot ang mundo ng marinig ko ang mga katagang iyon, miski ang mga halakhakan ng mga bata ay hindi ko marinig. Tanging ang tibok lang ng aking puso ang naririnig ko. Nakaramdam naman ako ng pag-init ng aking pisngi. Sigurado akong pulang-pula ito ngayon.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung sabihin sa sinabi n'ya. Ang aking lalamunan ay natuyo, sinubukan kong ibukas ang aking bibig ngunit walang boses na lumabas. Tila ba na pipi ako at hindi ko alam ang dapat sabihin.

Shit! Heto na ang araw na kinatatakutan ko! Sabi ni Zandro ay gusto n'ya raw ako, pero bakit apektado ako? Hindi ba dapat eh wala lang sa akin ang sinabi n'ya?

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon