Chapter 28 Part 1: Piging

975 33 0
                                    

Season 2

Chapter 28 (Part 1)

Sky POV

Wala akong balak bumangon sa aking higaan, nakakatamad talaga ngunit wala akog choice kundi ang bumangon. Medyo masakit pa ang ulo ko dulot ng pag-iyak ko kanina. Sumilip ako sa bintana, hapon na rin at malapit ng lumubog ang araw. Nakita ko sa aking kabinet ang isang pares kulay puting pantalon at isang long sleeves na tinuwangan ng isang white coat. Mukha akong kagalang-galang na tao kapag sinuot ko ito.

Tahimik akong nagtungo sa banyo upang maligo. Mamaya, paglubog ng araw gaganapin ang isang piging dito sa palasyo. At hindi maaari na hindi ako sumipot doon dahil inaasahan ng bawat haligi ng Gitnang Kontinente na ako ay dadalo sa piging. Kaya wala akong choice kung hindi ang umaattend. Magmumukha akong bastos at aroganteng tao kapag hindi ako pumunta sa kasiyahan.

Halos kalahating oras din ang tinagal ng aking paliligo. Kailangan ko pang ibabad ang aking katawan sa mabangong katas ng mga Freesia para kumapit ito sa aking katawan. Ayoko namang mag-amoy mabaho sa harapan ng mga bisita. Gusto ko namang magmukhang pinaghandaan ko ang araw na ito.

Lumabas ako sa banyo suot ang tapis sa aking baywang. Tinuyo kong muli ang aking sarili gamit ang makapal kong tuwalya. Naglagay ako ng pulbos sa aking croch area, upang kahit ito ay magpawis ay mananatili itong mabango. Isinuot ko ang aking underwear at isinunod kong kuhanin ang pantalon. Naramdaman ko ang madulas at malambot na tekstura ng pantalon. Napakintab nito, halatang pinadaanan ito ng init. Mula sa tabi ay inabot ko ang isang mahabang leather boots at isinuot ito.

Hindi ko muna ikinawit ang lock ng pantalon, ita-tuck in ko pa kasi ang longsleeves sa loob ng brief ko. Kinuha ko ng sunod ang longsleeves at sinuot ko na ito. Tamang-tama lamang ang sukat ng longsleeve sa akin. Pagkatapos nito ay tinuck-in ko na ang longsleeves sa loob ng aking brief. Medyo sanay naman ako sa ganitong set-up. Ang uniform na sinusuot namin sa paaralan dati ay kagaya nito. Kaya lamang ay hindi ganito ka garbo o ganda. Pagkatapos itong i-tuck in ay ikinawit ko na ang lock ng pantalon.

Hindi ko alam ngunit ibayong kaba ang aking nararamdaman sa aking dibdib. Kanina habang nagbabasbas ako ay kitang-kita ko ang mga reaksyon ng mga tao. Lahat sila ay nakatingla at nakatingin sa akin. Bagay na mas lalo pang nakapagpataas ng pressure na nasa aking balikat.

Pumunta ako sa harap ng salamin upang makita ang aking hitsura. Maayos naman pala, litaw na litaw ng kulay gold kong mata. Para akong aakyat sa langit sa suot ko. Jusko, kulay puti ang buhok ko tapos, kulay puti rin ang suot ko, parang ang bait-bait ko naman sa suot ko kahit hindi naman.

Sinuot ko ang coat, kapansin-pansin ang kulay gintong burda sa tagiliran nito. Mas lalo nitong napalitaw ang kagandahan ng aking suot. Dinampot ko ang necktie at isinuot ito sa aking leeg. Kakaiba ang disenyo ng necktie na ito, para itong pinagpatong-patong na tela. Kung tama ang pagkakatanda ko ay Jabot tie ang tawag dito sa mundo ng mga tao.

Kinuha ko ang pabango na nakapatong tukador, ang pabangong ito ay gawa sa espesyal na katas ng halaman na tinatawag na Nidaw. Kaamoy ito ng Downy na fabric softener. Hindi ko kinalimutan kunin ang maskara na nakasabit sa may kabinet.

Lumabas ako ng aking silid, sakto ang labas ko, nakita ko si Jairus na kakalabas pa lang mula sa kan'yang kwarto. Suot niya ang isang kulay rosas na coat at kulay itim na pantalon. Ang kan'yang buhok ay halatang pinaglaanan niya talaga ng oras. Samantalang yung sa akin ay sinuklay ko lang.

"Ano? Tara na ba? Wait? Ayos ka lamang ba?"tanong ko sa kan'ya. Nabanaag ko ang magulong emosyon na namumutawi sa kan'yang mukha.

"Oo, medyo kinakabahan ako. Antagal na rin noong huli tayong umattend sa ganitong klaseng party,"sagot nito sa akin.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon