Chapter 58: Monster Cock

224 8 0
                                    

Season 2

Chapter 58

Sky POV

Tahimik ang aming ginawang paglalakad nina Zandro. Nasa unahan namin sina Arios at Pussy at nasa likuran naman namin si Altron. Tahimik ang kagubatan ng Morning Wood, ang kalangitan ay may buwan pa. Sa tantya ko ay nasa alas-singko na ng madaling araw. Ang hangin ay palamig nang palamig indikasyon na papalapit na kami sa lawa.

Hindi naman madilim ang kagubatan na ito, dahil ang puno ay nagliliwanag. Kaya ito tinawag na Morning Wood Forest ay dahil ang mga puno dito ay naglalabas ng liwanag tuwing madaling araw. Ang liwanag na ito ay katumbas o katulad ng liwanag na inilalabas ng araw.

Magkahawak ang aming kamay ni Zandro, naalala ko pa rin ang ginawa ko sa kan'ya kanina. Nakakahiya, ngunit masaya akong naiintindihan niya ang nangyayari sa akin. Nangako rin siyang iiwasan na ang paghuhubad sa harapan ko.

Ilang oras na rin kaming naglalakad, ang aming mga paa ay pagod na. Ngunit walang may gusto sa aming magpahinga. Ang lahat ay desididong makarating agad sa Lawa ng Puketa ng mas maaga.

Mula dito ay naririnig ko na ang malakas na agos ng lawa. Kaya naman mas lalo kaming nagmadali sa aming paglakad.

"Malapit na tayo,"ang nagagalak na wika ni Pussy. At mas lalong nagmadali sa kan'yang paglakad.

Mabuti na lamang at uso ang Crane Bag dito sa Thalia, kasi kung hindi. Natitiyak kong lahat kaming lima ay may sakbit-sakbit na malaking knapsack sa aming likod, mabuti na lang talaga.

Ilang saglit pa at natanaw na namin ang malawak na katubigan ng lawa. Mas lalo kaming nagmadali, paunahan kami sa pagtakbo. Para kaming mga batang paslit na masayang nagtatakbuhan. Hindi ko alam ngunit kumawala sa aking bibig ang kagalakan, sabay-sabay kaming nagtawanan.

Isa, dalawa, tatlo, apat, limang hakbang ng aming paa ang aming ginawa at narating na namin ang bukana ng lawa.

Mabilis akong sumadlok ng tubig at uminom. Kakaibang ginhawa ang aking naramdaman noong sumayad ang tubig sa aking lalamunan. Nasa ganoon akong pag-inom ng bigla akong nakaramdam ng marahang pagyanig sa lupa. Nakita kong pati ang tubig ay gumalaw, indikasyon na hindi ito aking imahinasyon lamang. Napatayo ako mula sa pagkatungo.

Mula sa aking kinatatayuan ay nakita ko ang isang kulay lilang liwanag na bumabangga sa kulay asul na harang. Napabaling ang atensyon ko kay Pussy na punong-puno ng emosyon ang mukha.

PussyIsWet Island

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PussyIsWet Island

(ctto)

"Inaatake na muli ng mga Monster Cock ang aming kaharian,"wika ni Pussy na halata ang takot at pangamba sa kan'yang mga mata.

"Kailangan nating magmadali!"wika ni Arios.

Habang nasa ganoon kaming pag-uusap ay biglang nakarinig kami ng malakas na pagsabog. Yumanig ang lupa at isang malakas na pwersa ang kumawala. Sinubukan ko itong pigilan sa pagsasamo ng harang ngunit nabasag lamang ang harang at tinangay ako patalsik sa puno. Mabilis naman akong nasalo ni Zandro at nagtago kami sa likod ng puno.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon