Chapter 9: Digmaan o Kamatayan?

1.9K 106 1
                                    

Chapter 9

Third Person POV

Sa kabilang banda...

Ang buong lupain ng Thalia ay nagkakagulo, hindi nila inasahang aatakikin sila ng Tartarus. Makikita sa kalangitan ang mga dragon na lumilipad at nakikipaglaban sa mga lumilipad na halimaw. Maging ang diwata sa kanilang kaharian ay ganoon din ang ginagawa. Ang paligid ay magulo at maingay. Maraming umiiyak, maraming balot ng takot. Walang magandang idinulot ang digmaan kundi ang pagkawasak lamang.

Mabilis prinotektahan ng mga mandirigmang Validier ang kanilang pinuno. Tumalon ang isang Validier at pinugutan ng ulo ang mga kalabang kawal na papasugod.

Ang mga Validier ay bihasa sa pakikipaglaban, dahil dito sila magaling. Dumadaloy sa kanilang mga ugat ang dugo ng isang mandirigma. Nabalot ng kulay dilaw na alab ang kamay ng pinuno ng Validier agad nitong sinuntok ang lupa at naglabas ito ng malakas na pwersa dahilan para magtalsikan ang mga kalabang papasugod. Ang ilan dito ay nasunog at humalo sa hangin ang kanilang abo.

Bumagsak ang isang malaking dragon sa loob ng palasyo, naglikha ito ng malaking crater sa sahig ng palasyo. Bumalik naman ito sa anyo niyang tao, itinukod niya ang kan'yang kamay para makatayo. Iginalaw niya ang kan'yang likod at dito tumubo ang dalawang pares ng pakpak ng dragon. Tumalon ito ng mataas at mula dito ay ikinampay niya ang kan'yang pakpak mabilis itong nakalipad sa ere.

Muli nitong sinugod ang kalaban at binato ng kulay pulang energy orb. Tumalsik naman ang kalaban sa lupa, napasadsad pa ito dulot ng lakas ng atake ng Pulang Dragon. Bigay todo ang kanilang mga atake dito. Wala ng paki-alam ito kung maubos man ang kaniyang Mana sa ginagawa niyang pag-atake.

Ang pulang Dragon na ito ay ang kanilang pinuno si Lazaro. Ramdam na ramdam ni Lazaro ang matinding panghihina. Kanina pa niyang nilalabanan ang ikatlong heneral ng kadiliman, hindi siya nag-iisang lumalaban dito kasama niya ang tatlo pang pinuno ng iba't-ibang angkan ng dragon.

Sa unang beses ay nagtulong tulong silang apat na pinuno ng bawat angkan sa laban. Hindi biro ang lakas ng kanilang kalaban dahil ang isang ito ay perpektong killing machine. Magling din itong sumangga ng atake at umiwas sa mga ibinabato nilang orbs.

"Sumuko na kayo mga Ragona! Kahit anong laban niyo sa akin ay mababalewala lamang dahil mas makapangyarihan kami sa inyo!"sigaw nito matapos na maka recover sa mga atakeng ginawa ni Lazaro.

Lumipad ang tatlong pinuno papalapit sa tabi ni Lazaro.

"Kahit kailan ay hindi kami papayag na pasakop sa inyong mga Taga-Tartarus. Tandaan mo yan Vega!"sigaw ni Lazaro sa kalaban.

Nagtinginan ang apat na pinuno, batid na ng bawat isa sa kanila ang ibig sabihin nito.

Mabilis na ibinukas ni Rafael ang kan'yang kamay at itinutok sa kalaban. Mula doon ay naglabasan ang kakaibang simbolo sa kan'yang kamay at buong lakas na isinigaw ang salitang.

"DRUIDS CHAIN!"mula doon nabalutan ng gintong kadena ang kanilang kalaban.

Nagulat ang kalaban at hindi inasahan ang nangyari, sinubukan niyang tagtagin ang kadenang nakagapos sa kan'ya.

"BILISAN NIYO!!!HINDI KO KAYANG IGAPOS NG MATAGAL SI VEGA!!!"sigaw niya habang kapit ang isa niyang kamay. Bakas sa mukha ni Haring Rafael ang hirap sa pagpigil sa kalaban. Halos magdugo ang kan'yang kamay sa lakas ng kalaban.

Sabay-sabay nilang ibinukas ang kanilang palad at lumabas dito ang kani-kanilang alab, berde para Miguel, dilaw kay Antares at pula kay Lazaro.

Lumaki ang mga alab sa kanilang mga kamay. Pinaglapit-lapit nila ito, kakaibang pwersa ang nabuo dito. Napa-daing naman si Miguel at Antares, hindi lingid sa kaalaman nila na ang alab ng isang Aragon ay sobrang init, miski ang kanilang pinaka makapal na kaliskis ay natatagtag kapag nadadarang sa alab nito.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon