Season 2
Chapter 50
Sky POV
Naalimpungatan ako sa marahang pagaspas ng mga pakpak. Medyo inaantok pa ako, ngunit sinubukan kong mumulat. May kaunti akong naaninag, ngunit ito ay malabo.
Puno?
Muli akong pumikit, ramdam ko pa rin ang antok sa aking sistema. Marahil ay inaantok lamang ako kaya ako nakakakita ng kung ano-anong bagay. Ramdam ko ang malamig na hangin na dumadampi sa aking pisngi. Alam ko ay sinaraduhan ko ang mga bintana sa aking silid bago matulog.
Kahit ayaw ko ay wala akong ibang choice kundi ang mumulat at bumangon. Sa pagmulat ko ay tumambad sa akin ang maraming puno.
"Nagising ba kita?"tanong ni Zandro. Napatingin ako dito.
"Hindi naman,"sagot ko.
Napansin kong buhat ako ni Zandro. Napatingin ako sa baba. Nanlaki ang aking mata nang makita ang maliliit na puno. Nangangahulugan ito na nasa ere kami. Napatingin ako sa pakpak ni Zandro, nakabukas ang mga ito. Ito ang nagkumpirma na sa aking suspetya.
"Anong ginagawa ko dito?!"hindi ko maiwasang mapasigaw sa sobrang gulat.
"Sorry ah, hindi na kita ginising. Ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising,"sagot niya.
"Teka ang Crane Bag ko?"tanong ko sa kan'ya.
"Nasa loob ng Crane bag ko, don't worry hindi ko kinalimutan,"sagot niya.
"Aba dapat lang no? Teka nga pala yung regalo mo sa akin?"tanong ko.
"Nandito rin sa Crane bag ko,"sagot niya.
Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mukha ni Zandro, napakagwapo niya. Kung hindi mo personal na kilala si Zandro ay aakalain mong masungit ito at hindi approachable na tao. Ngunit kabaliktaran naman talaga.
"Poging-pogi ka na naman sa akin no?"tanong nito.
Natauhan naman ako sa sinabi nito. Mabilis akong umiwas ng tingin sa mukha niya.
"Hindi ah!"tangi ko. Bagama't poging-pogi naman talaga ako sa kan'ya.
"Bitawan mo na ako, may pakpak naman ako kaya, kaya ko ring lumipad!"wika ko.
"Ayoko, mapapagod ka agad,"sagot nito. "Ako lang ang may karapatang pagudin ka,"hirit pa niya.
"Sira!"sagot ko dito at mahina itong hinampas sa kan'yang dibdib.
"Malayo na ba tayo?"tanong ko habang nagmamasid sa baba. Ang gubat na ito ay tuyot, ang mga puno ay walang dahon. Wala akong makitang Animus o ano mang nilalang sa baba.
"Oo, malapit na tayong lumabas sa Middle Continent, ang nakikita mo sa iyong baba ay guho ng kaharian ng Dryad,"sagot niya.
Mula dito sa aking posisyon ay natanaw ko ang dagat. Ang kalangitan ay madilim pa, sa aking tantya ay nasa alas tres na ng madaling araw ang oras ngayon.
"Teka, nasaan ang mga kasama natin?"tanong ko.
"Ayun sila,"wika niya sabay turo gamit ang kan'yang bibig.
Mula doon ay nakita ko naman ang dalawa. Si Arios ay nakalutang ere, may mga tubig na pumapalibot sa kan'yang katawan. Si Altron naman ay lumilipad gamit ang kan'yang mga pakpak, bitbit si Prinsesa Pussy na ngayon ay dumadaldal ng sobra. Bakas sa mukha ni Arios ang pagkairita sa kadaldalan ng Prinsesa. Tiyak kung hindi prinsesa si Pussy ay itinapon na siya ni Arios sa dagat.
BINABASA MO ANG
SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]
FantasyMagic Universe Series # 1 Sky Light Ramos isang tipikal na college student. Ngunit ang kan'yang mata ay may itinatagong sikreto. Sikretong baka hindi maintindihan ng mundo. Isang gabi habang inaabangan nila ang Super Blood Moon ay may isang pangyaya...