25

3 0 0
                                    

Pagpasok ko sa office ay dumerecho ako kaagad sa office ko. Haaaay. Ang tagal ko na syang di nakakausap ng masinsinan. Ang tagal ko ng gustong gawin yon kaso ang daming nakapaligid sa kanya. Ano ba kasing ginagawa nya? Bakit nya pinili to? Paano kung may mangyaring masama sa kanya?

Flashback......

"Beb please sorry na po? Pleaaaaase?" Nag-puppy eyes ako sa kanya para magkabati na kami.

"Can you please go away?! I don't need you here!" Singhal nya. Arrgh! Ang hirap talaga suyuin ng girlfriend ko!

"Beb ko please naman oh! Bati na po tayo. Please?"

"I said go away! Di kita kailangan Isaias!" Ouch. Aha! Parang alam ko na pano mapapalambot to haha... Shet kabakla!

"Beb. Please makinig ka naman oh. Mahal na mahal kita. Sorry kung di ako nakapunta sa date natin. Busy ako, I admit it. Please sorry na po? Please? Lahat gagawin ko. Anong gusto mong kainin? Anong gusto mo bilhin? Anything! Please magbati lang tayo. Beb naman oh. Please?" Yes! Gumagana na! Hahahahaha huli ka!

"Hmm talaga? Anything?"

"Oo! Oo! Beb, anything!"

"Buy me the biggest teddy bear at Blue Magic and Bear Cuddler, maraming maraming fries and monster float sa Mcdo, bilhin mo lahat ng chicken joy at burger sa Jollibee. That's all." Juskopo! Sabi na eh! Ang takaw talaga!

"O-ok! Bibilhin ko! Please bati na po tayo?" Then she smiled.

"Ok. I love you." Then she gave me a peck on my lips.

"I love you more than anything else" at hinalikan ko ulit sya. This time, hindi na smack.

End of Flashback...

"Haay. Miss na miss ko na sya." I smiled. Siguro kung kami pa din at wala tong mga to, masaya sana kami. Sobrang saya. Lagi lagi kong iniisip yung samin at mas lalo na yung kaligtasan nya. Kung pwede ko nga lang akuin lahat, ginawa ko na wag lang nya to maranasan. Life here at Paris isn't that hard but being with some bastards can give you chaos.

Alam ko na nasa paligid lang si Therence. Kilala ko sya. Sya ang matalik na kaibigan ni Lovely way back in elementary. He is in Aloegrella Mafias, at hindi ito maganda. Pero mas gugustuhin ko pang nanjan lang sya, kesa kay Jacob at Kenneth.

Speaking of Therence, susubukan ko syang tawagan.

Ilang ring din ay sinagot na nya.

["Therence speaking"]

"Pare. Isaias Vergara nga pala. Alam ko kilala mo ako pero sa ngayon pwede bang magtulungan tayo?"

["Ikaw yung boyfriend nya diba? I mean, ex? Bakit naman kita tutulungan?"]

"Tulungan mo akong protektahan si Lovely. Sya na ngayon ang Queen ng Gynaikratia Mafias at alam ko na makikinig din sya sayo. Para din sa kanya to."

["Anong sinabi mo?! Queen? Tang*na kelan pa?! Hindi to pwede. Gagawa ako ng paraan. Salamat pre."] At inend ko na ang tawag.

Tama ba to?

Lovely's POV

"San mo gusto pumunta? Kanina pa tayo nakaupo oh. Wala ka bang balak umalis?" Tanong ni Ken. Oo nga pala kanina pa ko nakastay dito sa conference room at hindi ko din alam kung bakit.

"Ay sorry. Kung gusto mo naman umalis, sige mauna ka na. Kesa naman naabala kita diba? Pasensya ka na."

He caressed my cheek. "Wala naman akong sinabing iiwanan kita dito. Sasamahan kita ok? Hindi ko alam kung anong iniisip mo at kanina ka pa nandito at parang malalim ang iniisip. But I want you to know that I'm always here for you."

"Salamat. P-pwede mo na kong bitawan hehe."

"Ay hehe, sorry." At binitawan na nya ang mukha ko. Ang awkward! Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Alam mo, kung hindi lang kita bestfriend, baka nainlove na ko sayo! Haha."

Kenneth's POV

"Alam mo, kung hindi lang kita bestfriend, baka nainlove na ko sayo! Haha." ano?!

"H-ha? A-anong sabi mo? I-inlove?"

"Oo! Gwapo ka naman eh! Mabait at caring ka din. Eh teka, bakit nga ba wala ka pang girlfriend?" shet naman oh! Ano bang sinasabi nya? Pakiramdam ko namumula na ko. Kung alam mo lang, ikaw ang gusto ko at ikaw lang ang mahal ko. Haay.

"Ano ba namang klaseng tanong yan! Haha." at pinitik ko sya sa noo pero hindi naman ganun kalakas.

"Aray! Are you crazy?! Why did you do that?!" ang cute nya shet!

"Haha! Halika na nga! Kain tayo!" hinila ko na sya palabas at hindi naman sya nagreklamo.

"So ano nang first agenda mo?" I asked. Baka sakaling sa mga plano nya mas mabantayan ko sya. Mahirap na baka masalisihan sya.

"Bat mo naman natanong? Hmm. Pero seriously? Pagpaplanuhan ko pa. Alam mo na, baka kasi hindi approvan ng board."

"Naks haha. Planado ka ah." Biro ko.

"Ano ka ba! Seryoso to." Biglang sumeryoso ang mukha nya. "Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ni hindi ko nga alam kung paano ako gagalaw eh. At ang masaklap pa, natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin. This is for dad, at ayokong nagsusuffer sya. And I need someone to help me out. Can you be that someone?" Tanong nya.

Can you be that someone?

Wow parang nagpopropose lang ah? Haha. De seryoso na, siguro pagkakataon ko na din to para nas lalo pa syang mabantayan.

"Ako? Bakit ako? Pwede namang si Vergara, si De Sales, si... Garcia" mukhang nagulat sya sa pagbanggit ko sa apelyido ng bestfriend nya. Parang ang sakit na may iba pa syag bestfriend maliban sakin.

"H-ha? Si TJ? A-ah sus busy yun"

Ginulo ko nalang ang buhok nya at sumakay na sa sasakyan. Mas gusto ko na muna syang ma-solo ngayon. Hindi ko alam kung bakit medyo sumasaliwa ako sa gustong mangyari ni Justiniano. I don't know why how much I want to protect her with all my might. Siguro dahil, mahal na mahal ko sya.

Dinala ko nalang sya sa isang Italian restau dahil medyo favorite nya ang mga pasta especially Penne Pasta.

"I love this place. I love the food"

"I love you" ah sh*t! Tanga mo Kenneth! Ugh!

"H-ha?" gulat nyang tanong.

"A-ah w-wala hehe. Joke lang yun" palusot ko. Whew! Buti nakalusot.

Ngumisi lang sya at nagsimula na syang kumain. Burgis talaga tong si Lovely. Ako simpleng Carbonara Con Carne lang ang inorder ko pero sya? Ang dami, ang hirap kabisaduhin ng mga pangalan. "Hmm? Bakit kanina ka pa nakatitig sakin? Kain na uy!" sabi nya. "Takaw mo kase! Bilisan mo at iuuwi na kita." Sinimulan ko na ang pag-kain at di na mulung nagsalita para madali na din syang makatapos sa pagkain.

She really don't deserve any of these. Alam kong sa likod ng kasiyahan nya ay may tinatago syang lungkot at sakit and I can see it in her eyes.

May magagawa pa ko. Meron pa.

---------------------------------------

Long update for youuuuu... Happy reading :)

-justEnded00

I Can't Find The Words To Say GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon